Unibersidad ng Pilipinas

pambansang unibersidad ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa UP System)

Ang Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas (Ingles: University of the Philippines System, dinadaglat bilang UP), minsan ring Pamantasan ng Pilipinas, ay ang pambansang sistema ng pamantasan ng Pilipinas.[2][3] Itinatag noong 1908 sa bisa ng Batas Blg. 1870 ng unang Asemblea Pilipina, na kilala bilang "University Act" mula sa autoridad ng Estados Unidos, inilalaan ng Unibersidad ang edukasyong antas-dalubhasa sa halos lahat na larangan, mula sa batas, medisina, inhinyeriya, agham pampolitika at ibang mga agham panlipunan hanggang sa narsing, kalusugang pampubliko, mga likas na agham, pagsasaka at mga araling pantao.

Unibersidad ng Pilipinas
SawikainDangal at Kagalingan
(Honor and Excellence)
UriPamantasang Pambansa
PanguloAtty. Danilo L. Concepcion
Academikong kawani4,135[1]
Administratibong kawani10,044[1]
Mag-aaral53,285[1]
Lokasyon
Diliman, Lungsod Quezon (Pangunahing Kampus)
,
Kampus11 mga kampus, 1 bukas na unibersidad
AwitU.P. Naming Mahal
Kulay Marun at Luntiang Gubat
PalayawUP Fighting Maroons
ApilasyonAssociation of Pacific Rim Universities
ASEAN-European University Network
ASEAN University Network
UAAP
Websaytwww.up.edu.ph

Kinikilala ang Unibersidad bilang pangunahing institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Pilipinas, at napag-aral sa ilang mga pinakakilalang mga pinunong panlipunan at pampolitika, ekonomista, siyentipiko, manananggol, doktor medikal, inhinyero, malikhaing artista, guro at mangangalakal.[4][5][6] Pitong mga pangulo ng Pilipinas ay nag-aral sa Unibersidad bilang mga mag-aaral na 'di pa nagtapos o nagtapos na ng kolehiyo, habang 12 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 36 sa 57 Pambansang Alagad ng Sining at 30 sa 31 Pambansang Alagad ng Agham ay may kaugnayan sa Unibersidad.[2][4][7]

Miyembrong Unibersidad ng UP (kasama ang mga sudlong na kampus)

baguhin

Mga naging Pangulo ng UP

baguhin

Oblasyon

baguhin

Ang Oblasyon ang sagisag ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay naging sagisag at sentro ng aktibismo sa pamantasan. Si Rafael Palma ang nagkomisyon kay Guillermo Tolentino upang gawin ang obra maestrang ito. Ito ay may taas na 3.5 metro na nagsisilbing simbolo ng 350 na taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 In the Know: University of the Philippines, Philippine Daily Inquirer Online. Accessed April 28, 2007.
  2. 2.0 2.1 About UP Naka-arkibo 2006-10-02 sa Wayback Machine., University of the Philippines System Website. Accessed April 27, 2007.
  3. Republic Act 9500 An Act to Strengthen the University of the Philippines as the National University Naka-arkibo 2012-02-22 sa Wayback Machine.. Retrieved May 20, 2008.
  4. 4.0 4.1 UP in next 100 years Naka-arkibo 2009-09-24 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer (Editorial). Retrieved May 20, 2008.
  5. Senate Resolution 278 A Resolution Expressing the Sense of the Senate to Honor the University of the Philippines in its Centennial Year as the nation's premier university..., Senate of the 14th Congress of the Republic of the Philippines. Retrieved May 20, 2008.
  6. Hawaii legislature congratulates UP Naka-arkibo 2011-05-17 sa Wayback Machine., University of the Philippines System Website. Retrieved May 20, 2008.
  7. List of National Scientists Naka-arkibo 2009-02-09 sa Wayback Machine., DOST - National Academy of Science and Technology. Accessed April 27, 2007.

Mga kawing panlabas

baguhin