Uod ng aklat (kulisap)
- Tungkol ito sa mga uod ng kulisap. Para sa taong mahilig magbasa ng aklat, pumunta sa uod ng aklat (tao).
Ang uod ng aklat ay isang tanyag na pangkalahatang katawagan para sa anumang kulisap na ipinapalagay na bumubutas ng mga aklat o mga uod ng kulisap na sumisira ng mga aklat.[1] Ngunit bihira ang talagang mga mambubutas ng mga aklat. Kapwa lumulusot sa kahoy at papel ang mga larba ng uwang ng orasan ng kamatayan (Xestobium rufovillosum) at ang karaniwang uwang ng muwebles (Anobium punctatum) kapag malapit sa kahoy.
Isang pangunahing tagakain ng aklat ang kuto ng aklat, isang maliit (mababa sa 1 milimetrong psocoptera (karaniwang Trogium pulsatorium) na may malambot na katawan at walang pakpak, na talagang kumakain ng mga amag at iba pang mga materyang organikong nasa hindi naaalagang mga bagay, bagaman maaari rin nilang atakihin ang takip ng aklat at iba pang mga bahagi. Hindi ito isang tunay na kuto.
May marami pang ibang mga kulisap, katulad ng "isdang pilak" (Lepisma saccharina) o ipis (samu't saring Blattodea), na kumakain ng mga amag at luma na o umuhong papel o mga pagtatakip ng aklat na ginamitan ng mga pandikit na yari sa gawgaw. Kasangkot sa kalagayan ang pagiging maligamgam at pagkakaroon ng pamamasa ng kapaligirian, kaya't mas pangkaraniwan ang pagkasira sa mga lugar na tropiko. Hindi gaanong kaakit-akit sa mga insekto ang makabagong mga pandikit at mga papel.
Sasagupain ng Tineola bisselliella at Hofmannophila pseudospretella ang mga pantakip ng aklat na yari sa tela. Naaakit ng sari-saring mga kulisap na kumakain ng aklat ang mga aklat na binalutan ng katad, katulad ng Dermestes lardarius at mga larba ng Attagenus unicolor at Stegobium paniceum.
Hindi tumutuon sa mga aklat ang uod ng aklat ng gamu-gamong Heliothis zea o Heliothis virescens). Salot ang mga larba nito sa mga manananim ng bulak at tabako, katulad ng uod ng kapsula o bunga ng bulak o uod ng usbong ng tabako (tobacco budworm sa Ingles).
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.