Urbano V
Pangalan Guillaume Grimoard
Nagsimula sa pagiging Papa 28 Setyembre 1362
Natapos sa pagiging Papa 19 Disyembre 1370
Nakaraang Papa bago siya Innocent VI
Sinundan Gregory XI
Ipinanganak 1310
Lugar ng kapanganakan Grizac, Languedoc, Pransiya

Si Santo Papa Urbano V (1310 – 19 Disyembre 1370), ipinanganak bilang Guillaume Grimoard, ay ang Santo Papa mula 1362 hanggang 1370.

Talambuhay

baguhin

Siya ay isang katutubo ng Grizac sa Languedoc (kasalukuyang bahagi ng commune ng Le Pont-de-Montvert, département ng Lozère). Siya ay naging isang Benedictine at doktor sa Batas na Canon, nagturo sa Montpellier at Avignon. Nanungkulan siya sa opisina ng abbot ng Saint-Victor sa Marseille; at sa Avignon, sa kanyang pagdating mula sa Naples, kung saan siya ay binigyan ng papal legate, siya ay hinalal na bilang Popa Urbano V (28 Setyembre 1362) at sumunod kay Papa Innocent VI (1352–62).

Bilang Santo Papa siya ay isang malubhang disiplinaryo at hindi As Pope he was a severe disciplinarian, at hindi nagustuhan ang mga luho ng mga kardinal, nagpalabas ng mga reporma sa pagpapatupad ng hustisya at hinimok ang pagpapatupad ng pag-aaral. Siya ang nagpatayo ng Unibersidad ng Hungary. Sa Toulouse, niligtas niya ang Unibersidad ng musika. Sa Montpellier, pinaayos niya ang paaralan ng medisina at itinayo ang Kolehiyo ng Saint Benoit. Ang simbahan ni ay naging katedral na pinalamutian ng iba't ibang likhang sining. Siya rin ang nagpatayo ng mga kolehiyo sa Quézac at Bédouès, at isang simbahan at silid-aklatan sa Ispagnac. Sinuportahan niya ang humigit sa 1,000 mag-aaral ng lahat ng klase ng pagkain at matutulugan. Kahit na sa panahon ng digmaan ay nakakain siya ng tama. Binigyan din niya sila ng mga libro at magagaling na propesor.

Ang kaniyang pontipikato ay nakakita sa isa sa mga huling zeal para sa crusada sa ekspedisyon ni Pedro I ng Cyprus, na kinuha ang Alexandria noong (11 Oktubre 1365), subalit inabandona rin ito. Pinagtibay niya ang krusada sa mga Turko para makuha muli ang Alexandria. Nagpadala rin siya ng mga misyon sa Bosnia, Lithuania, Bulgaria at Tsina.

Isa sa mga dakilang katanigan ng pamumuno ni Urbano V ay ang pagbabalik ng Papacy sa Italya at ang pagpapatigil ng mga malalakas na katunggali sa kapangyarihan doon. Noong 1363 ininekskomunika niya si Bernabò Visconti, ang huling dakilang pigura ng Ghibellinismo sa hilagang Italya, na hawak ang siyudad ng Papa ng Bologna at kinalaban ang tropa ni Gil de Albornoz, ang Papal vicar ng Italya noong mga panahong iyon. Si Urbano ay sinabi na ang krusada ay isermon sa lahat ng Italya sa mga kalaban niya at ng kanyang pamilya na inaakusahan na magnanakaw ng mga estado ng simbahan. Subalit noong Marso ng sumunod na taon ay naisipan niyang makipagayos na lamang: sa pamamagitan ng pamamagitna ni Emparador Charles IV, tinanggal niya ang ban laban kay Visconti, nakuha niya lamang ang Bologna matapos ang malaking kabayaran. Sa palibot ng Roma ay nagtanim din siya ng ubasan.

Ang mga patuloy na kaguluhan sa Italya, at ang mga daing ng mga pigura na gaya ni Petrarch at Santa Bridget ng Sweden, ang pumilit kay Urbano V na pumunta sa Roma, kung saan siya nakapunta noong 16 Oktubre 1367. Subalit, kahit na masayang sinalubong ng mga klerhiya at ng mga tao at ang pagsama ng Emperador sa Basilika ni San Pedro, at ang paglalagay ng korona sa ulo ng Emperatris, nagpagtanto niya na ang pagpapalit ng kanyang lugar ng pamahalaan ay hindi nagpalakas ng kapanyarihan nito. Sa Roma ay binigyan siya ng homage mula sa Hari ng Cyprus, Reyna Joan I ng Naples at ng Byzantinong Emparador na si John V Palaeologus, at ginawang Banal na Romanong Emparador si Charles IV.

Hindi na niya nakayanan ang mga Pranses na kardinal, at karamihan sa mga lungsod ng estadong Papa ay nag-aaklas. Naglayag siya mula Corneto noong 5 Setyembre 1370, at dumaong sa Avignon noong ika-24 na araw ng buwan na iyon. Nagkasakit sa makaraan ng ilang araw at namatay noong Disyembre 19, sumusod sa kanya si Santo Papa Gregory XI (1370–78).

Ang kanyang kanonisasyon ay ginusto ni Valdemar IV ng Denmark at ipinangako ni Papa Gregory XI ng mga taong 1375, ngunit ito ay hindi natupad dahil sa kaguluhan noong mga panahong iyon. Ang cultus ni Urbano V ay inaprubahan ni Papa Pius IX (1846–78) noong 1870.

Mga sanggunian

baguhin
  • Rendina, Claudio (1994). I papi. Storia e segreti. Newton Compton. {{cite book}}: Unknown parameter |city= ignored (|location= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  • From the 9th edition (1883) of an unnamed encyclopedia

Mga kawing panlabas

baguhin
Sinundan:
Innocent VI
Santo Papa
1362–70
Susunod:
Gregory XI