Usapan:Mataas na Paaralang Pang-agham ng Marikina

Latest comment: 16 years ago by Estudyante in topic Katanyagan (Notability)
Alam Ba Ninyo Ang isang lahok mula sa lathalaing Mataas na Paaralang Pang-agham ng Marikina ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Enero 11, 2008.
Wikipedia
Wikipedia

Katanyagan (Notability)

baguhin

Kailangan pa ba talaga nating ilagay ang mga seksyon, guro, at iba pa sa artikulong ito? Sa tingin ko ay hindi. -- Felipe Aira 06:16, 12 Enero 2008 (UTC)Reply

Sa tingin ko, mga namumuno lamang sa paaralan ang dapat nakalagay. --Jojit (usapan) 01:28, 14 Enero 2008 (UTC)Reply
Dapat nga hindi siya idinagdag sa "Alam ba ninyo?" dahil lumang artikulo na ito. --Jojit (usapan) 02:20, 14 Enero 2008 (UTC)Reply
At hindi naman ang superyor ang tumatangi sa paaralan. Mas mabuti pa kung "...na ang xxx ay isang paaralang pampubliko sa lungsod ng yyy?" kaysa "...na si aaa ay ang superyor ng xxx?". -- Felipe Aira 11:58, 15 Enero 2008 (UTC)Reply
Teka lang, sa English Wikipedia, puro section ito eh! Bakit, bawal ba ito sa Tagalog Wikipedia. Redmask 11:24, 22 Enero 2008 (UTC)Reply
Una, hangad kong sabihing bagaman karamihan ng mga patakaran ng Ingles ay nilalapat din dito sa Tagalog hanggang wala pa ring sang-ayunan at sapat na pamayanan, hindi nangangahulugan itong kailangan din nating gayahin ang pagkakamali ng Wikipedyang Ingles. Ikalawa, hindi nangangahulugang malaki sila ay sila na ang namumuno sa lahat ng Wikipedya. Malamang kaya nandoon pa rin ang mga iyon ay hindi dahil hindi ipinagbabawal iyon sa Ingles kundi wala pang nakakapansin noon doon. Sa laki ng Wikipedya nila, mahirap talagang bantayan lahat ng pahina lalo na sa kalidad. Kung gusto mo, maaari mo namang alisin iyon sa Ingles. Pero kung ako tatanungin mo, hindi ko gagawin iyon dahil mas marami pang bagay na kailangan ayusin dito, at sa totoo lang, wala naman ako talagang pakialam sa kanilang Wikipedya. -- Felipe Aira 13:05, 22 Enero 2008 (UTC)Reply

Sa tingin ko ay kailangan muling alisin ang ilang seksyon dito. -- Felipe Aira 15:22, 15 Abril 2008 (UTC)Reply



kung maaari sana, pakitignan lahat ng mga impormasyong iyong sinasambit. may ilang mga datos sa talang ito na mali, tulad na lamang ng pagkakaroon ng halalan sa intrams 2007 at ang pagiging minor subject ng adv. physics. kung ikaw ay kasalukuyang nagaaral sa marisci, sana alam mo ang mga nagaganap sa paaralan. siya nga pala, isa akong graduate ng marisci, kaia alam ko ang mga sinasabi ko. 202.138.180.35

Sa tignin ko ay makakatulong ka sa amin. Ako rin ay kasalukuyang sophomore sa paaralang ito. Ang mga impormasyon dito ay galing lang sa en wikipedia. Pero nasisiguro ko na nagkaroon ng halalan ng intrams 2007 dahil ako mismo ay bumoto don. Estudyante (Pahina ng Usapan) 09:18, 17 Agosto 2008 (UTC)Reply

Return to "Mataas na Paaralang Pang-agham ng Marikina" page.