Usapang Wikipedia:Kapihan/Lumang usapan

Hi Johncruise, binalik ko sa dati ang aktwal na mga sinulat. Sa tingin ko, di na kailangan isalin ang mga salitang Ingles sa Tagalog unless ikaw mismo ang orihinal na nagsulat. Baka magkaroon ng di pagkakaunawaan sa huli at magreklamo ang iba na pinipigilan ang kanilang freedom of expression. Moderator ako sa ibang mga online forum at na-experience ko ang ganyang mga akusasyon. I hope that you understand. Salamat po! --Jojit fb 01:52, 19 July 2005 (UTC)


Ok lang. -JC :-)

Komento para kay Emir214: Isa sa Mga nawawalang Wikipedista

baguhin

Nabasa ko ang kanyang blog Sanhi kung bakit ako umalis. Napailing ako doon sa panghihinayang. Itong aking komento ay naroon din sa kanyang blog.

Isa akong bagong Wikipedista. Nanghihinayang ako at umalis ka sa Tagalog Wikipedia. Ang dami mo ng mga naiambag dito.
Nakikisimpatiya ako sa iyong mga sintemyento. At talaga naman dapat na ang bawat isa sa atin ay batiin at tapikin sa likod sa kanyang mga pagod at panahong naiambag. (Perang naimbag din kaya dahil binabayaran natin ang koneksyon sa internet)
Sa ganang akin, sumali ako sa Wikipedia hindi para makilala ng kung sino pa man.
Sumali ako sa Wikipedia sa ilalim ng motibong gusto kong makaambag sa pagpapalaganap ng kaalaman sa Tagalog.
Hindi ako purong tagalog, waray ang ginagamit kong salita pero nagsasalita din ako ng Hapones, Intsik, Latin at Esperanto.
Okey lang sa akin kung marami ang um-edit ng gawa ko, natutuwa ako doon, iyan ang konsepto ng Web 2.0 ang malayang pag-aambagan, mabuti man at masama. Maayos man o pagbabandal ito.
Hindi naman isang solidong bato ang mga 'facts' na isinusulat natin sa ngayon. Sa pagdating ng mga panahon, o baka bukas makalawa nga lang ay mababago din iyan dahil sa bilis ng teknolohiya.
Ang mahalaga nakapagsimula tayo kahit papaano.
Wala akong pakialam kung puro stub din lang yan ng tig-iisang linya. Wag nating kainisan yun bagkus tingnan natin bilang GIYA (guide) na marami pa pala tayong dapat iaambag at pagpursigihan.
Oo nga't maraming mga bandal, wag din natin silang kainisan DAHIL SA TOTOO LANG, itong mga bandal na ito ang nakakapag-engganyo o nakakapanghikayat sa iba na pumasok sa Wikipedia at ituwid ang mga pagkakamali ng mga artikulo o stub. Eh di lalo tayong dadami.
Tingnan natin ang Wikipedia bilang isang komunidad natin hindi dahil gusto nating makilala kundi gawin natin isang komunidad ito na magreregalo ng ating mga kaalaman maayos man o hindi sa mga susunod na Pilipino. Dahil sila ang magpapatuloy ng mga gawain natin.
Ito ang aking motto: "Walang perpekto dito sa mundo, ang lahat ay relatibo." (Nothing is perfect, everything is relative).
Sabi nga Lean Alejandro, isang pinaslang na aktibistang taga-UP: Kung hindi ngayon... kelan? Kung hindi tayo... sino?
Sana mapag-isipan mo ito at sa lahat ng mga Wikipedistang tumutulong, nag-aambag at mag-aambag pa sa tl.Wikipedia.
Mabuhay ka!!!
(Waterox888 05:21, 23 Disyembre 2008 (UTC))Reply

Isa nga lang pagsasanay ang pagsali sa tagalog wikipedia. minsan natuwa akong mag ambag dito pero dahil inilagay ang pangalan ko sa isa sa ipinaskil, kahihiyan ang napala ko mula sa mga kakilala ko at relatives sa ibang bansa. gayon pa man, hindi tayo nagpapasikat, nag aambag lang naman . tinignan ko na lang ang kabutihan ng napagmamasdan ko sa pagpasok sa kanitong information site. maraming pilipino ang makatutuklas ng site na ito at marami pa silang mag aambag dito.kaya sa mga gustong sumali hinayhinay lang diyan! higit na mahalaga ang maipahayag ang nilalaman o nais mong sabihin kaysa makilala ka ng mga tao.Willy agrimano

may naglolog pa ba sa tagalog wikipedia?

baguhin

Magandang araw, may magnag-lolog pa ba sa tagalog wikipedia, kasi parang wala na nagdadag ng mga artikulo dito. user:mananaliksik

Oo naman. Araw-araw akong may idinadagdag na artikulo tungkol sa Emperador ng Hapon.
Target ko ng ubusin ang talambuhay ng lahat ng mga Emperador na umupo sa Trono ng Krisantemo. Gayon din ang mga iba't ibang panahon sa kanilang kasaysayan gaya ng Jomon, Yayoi, Kofun, at marami pang-iba. Sinimulan ko na din ang mga Listahan ng Sugun (shogun) bilang pagpapalawig ng isang naunang artikulo. Plano ko ding ubusin ang lahat ng kanilang mga talambuhay at mga naimbag noong kapanahunan nila
Natutuwa nga ako at parating nasa Alam Mo Ba ang aking mga naisusulat na artikulo.
(Waterox888 05:07, 23 Disyembre 2008 (UTC))Reply

Daang tapatan

baguhin

Gusto ko lang pong malaman ninyong dinagdagan ko po ng isang tapatang daan (shortcut) ang pahinang ito para mas madaling mapuntahan. Binigyan ko na rin ito ng logong mula sa Commons. Sana magustuhan ninyo! -- Felipe Aira 12:07, 19 Nobyembre 2007 (UTC)Reply

Krus

baguhin

Dinagdagan ko ng "__NEWSECTIONLINK__" ang Wikipedia:Kapihan para mas maging madali ang pagdaragdag ng mga usapin parang ng sa mga pahinang pang-usapan. Ito yung krus na makikita mo katabi ng "baguhin" sa Wikipedia:Kapihan, dati wala nito. Karaniwang makikita lamang ito sa mga pahinang pang-usapan. -- Felipe Aira 01:15, 4 Enero 2008 (UTC)Reply

Arkibo

baguhin

Humahaba na ang Wikipedia:Kapihan at wala pa ring nag-aarkibo nito, kaya ako na ang mag-aarkibo. Iaarkibo ko ang mga seksyong wala pang nagpopost nang talong buwan. -- Felipe Aira 01:25, 4 Enero 2008 (UTC)Reply

Ah oo nga pala tinanggal ko rin yung mga kawing papunta sa botohan para sa mga napiling larawan at artikulo dahil wala namang kaugnayan ang mga iyon dito. -- Felipe Aira 01:26, 4 Enero 2008 (UTC)Reply

Tapos na ang pag-aarkibo:
Buod:
  1. Lahat ng mga usaping wala nang nagpopost simula pa noong Oktubre ay inilipat sa arkibo.(Hulyo hanggang Setyembre)
  2. Tinanggal ko ang malasubersibong seksyon patungkol sa kabataan, at hindi na inilagay ito sa arkibo dahil purong opinyon lamang naman ito ang walang kaugnayan sa pagpapabuti ng Wikipedya. (Wikipedia is not a social networking site or a forum.)

-- Felipe Aira 01:49, 4 Enero 2008 (UTC)Reply

Sang-ayon ako sa iyo Felipe Aira, mahihirapan ang mga magbubukas ng kapihan dahil sa sobrang dami ng i-loload na text. Estudyante (Usapan) 07:42, 20 Disyembre 2008 (UTC)Reply

Txt from Wikiboy (Wpinas) (reposted from en.wp)

baguhin

Anabels restaurant, Tomas morato 2mrw at 6 30 pm for the wikifilipino critic preview. Hope you guys can come.

--Nino Gonzales (talk) 14:08, 30 January 2008 (UTC)

This is on Jan 31, 6:30 pm.

Hi

baguhin

Hello, ako si Nicole pero pwede ninyo ako tawaging Nikki, bago lang ako dito.

Nikki 09:43, 23 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Mabuhay at maligayang pagdating sa Wikipedia! --Sky Harbor 09:49, 23 Pebrero 2008 (UTC)Reply

Paalala sa lagda

baguhin

Dinagdagan ko ng paalala sa ibaba ang WP:KAPE. Silipin niyo sa pinakababa. -- Felipe Aira 06:21, 2 Abril 2008 (UTC)Reply

Awtomatiko ko na rin itong iaarkibo gamit ng AiraBot. -- Felipe Aira 08:50, 24 Abril 2008 (UTC)Reply
Return to the project page "Kapihan/Lumang usapan".