Mga isyu sa iyong kontribusyon

baguhin

Nabura ko ang ilan sa mga kontribusyon mo dahil wala itong sapat ng konteksto. (Tingnan WP:BURA#Mga dahilan B2) Kadalasang walang pagpapakilala ang isang artikulo na walang konteksto. Minumungkahi ko na kapag gagawa ng artikulo lagyan mo ng konteksto tulad ng ginawa mo sa Kundiman ng Puso (1958). Bagaman, may isyu pa rin ang artikulong iyon dahil wala itong sanggunian. Kung hindi mo alam paano gumawa ng sanggunian, tingnan ito: en:Help:Footnotes at en:Wikipedia:Citing sources. Tapos, may mga nilikha ka rin artikulo na napaikli tulad ng Mga Tauhan. Kung hindi ito mapapalawig sa loob ng dalawang linggo, mabubura ito. (Tingnan WP:BURA#Mga dahilan B1) Kung gagawin mo din uli ang naburang artikulo, gawin mo itong ensiklopediko at hindi parang entry sa IMDB. Hindi ganyan ang Wikipedia. Tingnan din ang mga ito para sa karagdagang gabay: Wikipedia:Paano magsimula ng pahina at Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo. Kung gusto mo, maari din na gumawa ka muna ng draft bago mo ito ilagay sa pangunahing namespace. Halimbawa, maari mong ilagay ang draft ng artikulong Mula sa Batang Piyer sa Tagagamit:Edgarebro32364/Mula sa Batang Piyer na nakalagay sa subpage mo. Salamat sa pang-unawa. --Jojit (usapan) 01:18, 8 Disyembre 2021 (UTC)Reply