Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo
Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito. |
Ang mga kumbensiyon sa pagngalan ang magiging batayan ng kung paano lumikha at magngalan ng mga pahina.
Mahalagang punahin na ang mga ito ay kumbensiyon at hindi mga panuto na nakaukit sa bato. Habang lumalaki at nagbabago ang Wikipedia, maaaring may mga ilang kumbensiyon na kung dati ay naaakma ay maiiwanan na rin ng panahon, at mayroon ding mga kaso kung saan “maliwanag” ang di-nito-pagkawasto.
Mga kumbensiyong payak
baguhinPagsalin mula sa Ingles
baguhinIwasan ang paggamit ng salitang "ay". Kadalasan, kapag nagsasalin ka ng mga pangungusap mula sa Ingles, pati ang pagkakasunud-sunod ng mga salita (word order) ay nakokopya. Tandaan na sa Tagalog, nasa predicate-subject/focus order ang karamihan ng mga pangungusap. Halimbawa:
- Ingles: Benigno Aquino Jr. was born in Concepción, Tarlac.
- Salin: Si Benigno Aquino Jr. ay ipinanganak sa Concepcion, Tarlac.
- Mas mabuting salin: Ipinanganak si Benigno Aquino Jr. sa Concepcion, Tarlac.
Bukod-tangi sa patakarang ito ang unang pangungusap ng mga artikulo. Halimbawa:
- Ingles: Benigno Aquino Jr. was a popular opposition senator during the administration of Ferdinand Marcos.
- Salin: Si Benigno Aquino Jr. ay isang kilalang senador ng oposisyon noong panunungkulan ni Ferdinand Marcos.
Pwede ding walang ay. Isang kilalang senador ng oposisyon si Benigno Aquino Jr. noong panunungkulan ni Ferdinand Marcos
Mga kumbensiyong natatangi
baguhinMga apelyidong Kastila
baguhinSa mundong Ispano, parehong minamana ng anak ang apelyido ng kanyang ama at ina habang ang ginagamit sa pang-araw-araw ay ang apelyido ng ama. Ang pangalawang anyo ang gamitin bilang pangalan, halimbawa, Augusto Pinochet sa halip na Augusto Pinochet Ugarte. Gayumpaman, ang buong pangalan sa estilong Kastila ang ibibigay sa pinakasimula ng artikulo. (Ang mga eksepsiyon dito ay ang Arhentina at Pilipinas, kung saan ang sistemang Inggles ang ginagamit.)
Maaari ding gamitin ng isang tao ang apelyido ng ina sa halip ng sa ama, lalo na kung mas bihira ang apelyido ng ama o kung ang paggamit ng apelyido ng ama ay magdudulot ng pagkalito. Sa mga kasong ganito, tulad ng sa pangalan ni José Luis Rodríguez Zapatero na kilala sa apelyidong Zapatero, gamitin ang buong pangalan bilang pamagat.
Mga pangalan ng mga bansa at ng mga mamamayan nito
baguhinSa paggamit ng mga pangalan ng mga bansa sa pagsulat ng artikulo, malayang mamili ang tagagagamit mula, una, sa Talaan ng mga bansa; pangalawa, mula sa mga anyong internasyonal (i.e., ang ginagamit sa UN); at, pangatlo, mula sa mga anyong hango sa Kastila. Hinihiling lamang na maging pare-pareho sa paggamit: Aleman kung Alemanya, German kung Germany, ngunit hindi magkasamang German at Alemanya sa loob ng isang artikulo.
Gayumpaman, ang mga sumusunod ay dapat sundin pagdating sa pagpapangalan ng mga artikulo tungkol sa mga bansa:
- Sumangguni at gamitin ang mga pangalang nasa Talaan ng mga bansa at Talaan ng mga nasyonalidad.
- Kung walang opisyal na pangalan mula sa talaan, gamitin ang pangalang internasyonal.
- Kung ang bansa ay napakilala na sa mga Pilipino noong panahong Kastila, ang pangalang hango sa Kastila ang gamitin.
- Kung ang isang bansang natutukoy sa talata 2 ang kasalukuyan nang mas kilala sa pangalan nito sa ibang wika, halimbawa ang mula sa Ingles, gamitin ang anyong mas kilala kung hindi ito nalalapit sa anyong Kastila. Bilang halimbawa lamang: gamitin ang Singapore sa halip na Singapura, ngunit panatilihin ang Sirya at Indiya.
- Para sa mga mamamayan ng isang bansa, gamitin ang katawagang di-maaaring-makasakit ng damdamin. Hal., Aleman sa halip na Kraut, o Amerikano sa halip na Kano o Joe.
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Pagsasaling-sulat mula sa ibang alpabetong Latino
baguhinSundin ang kasalukuyang gabay sa ortograpiya ng wikang pambansa. Sa mga bagay na hindi tinatalakay roon, panatilihin ang status quo at huwag maglilikha o mag-iimbento ng pamamaraan ng pagsasaling-sulat. Ito ay upang maiwasan ang pagsusulong ng mga anyong pagbaybay.
Ang alinman sa mga sumusunod na tuntunin ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Hulaping -ía/o sa Kastila
baguhinAng mga Kastilang hulaping -ía at -ío ay maaaring maisaling-sulat sa maraming paraan, bilang -iya/o (pinananatili ang diin) o -ya/o (nalilipat ang diin sa huling pantig). Mapapansing minsan ginagamit ang una at minsan ang pangalawa (ortografía/ortograpiya ngunit simpatía/simpatyá). Bagaman nagmumukha itong inconsistent, sa katotohanan ay mayroon itong sistemang sinusundan, at nakabatay ito sa nangungunang katinig. Ang sumusunod ay isang tala ng mga kumbinasyon ng hulaping -ía/o sa Kastila at ang iba't ibang mga nangungunang katinig, at ang katumbas na saling-sulat sa Filipino. Batay ang lahat ng ito sa kasalukuyang umiiral o status quo:
- -cía/o, -sía/o, at -zía/o: -syá/ó (alcancía naging alkansyá, vacío naging basyó)
- -día/o: -dyá/ó (judío naging Hudyó)
- -gía/o at -jía/o: -híya/o (tecnología nanatiling teknolohíya)
- -kía/o at -quía/o: -kíya/o (monarquía nanatiling monarkía)
- -lía/o: -lyá/ó (anomalía naging anomalyá)
- -mía/o: -míya/o (economía nanatiling ekonomíya)
- -nía/o at -ñía/o: -nyá/ó (compañía naging kumpanyá)
- -pía/o: -píya/o (ortografía nanatiling ortograpíya)
- -ría/o at -rría/o: -ryá/ó (varía naging baryá, chichería naging tsitseryá)
- -tía/o: -tyá/ó (simpatía naging simpatyá)
Ang mga unlaping (K)om-/(K)on- bago magbilabyal (b/p) ay nagiging (K)um-. Ilan sa mga halimbawa ang convención na nagiging kumbensiyon at ang compará na nagiging kumpara ngunit contrata na nananatiling kontrata.
Pagsasaromanong baybay
baguhinPara sa mga pook, sumangguni sa Wikipedia:Pagsasalinwika (pook). Bagaman mas minamarapat ang pagsasa-Tagalog ng mga pangalang pampook, mangyaring pakibasa po lamang ang mga sumusunod na paksa upang magkaroon ng ideya kung paano nababaybay sa gawing Romano ang ilang lugar:
- Wikang Belaruso
- Ginagamit na batayan ang sistemang Łacinka sa pagroromanisa ng Biyeloruso.
- Wikang Bulgaro
- Ginagamit ng Mga Nagkakaisang Bansa ang kanilang pamamaraang minumungkahi sa pagroromanisa ng Bulgaro.
- Wikang Ebreo
- Ginagamit ng Mga Nagkakaisang Bansa ang opisyal na romanisasyong Israeli sa pagromanisa ng Ebreo. Iminumungkahing pagbatayan ito ng pagsasa-Tagalog ng mga pangalang pampook, maliban sa mga pangalan ng mga taong matatagpuan sa Bibliyang Filipino (Abraham at hindi Avraham) at mga pangalan ng mga lungsod na may matatag nang katumbas sa Filipino (Herusalen at Belen, hindi Yerushalayim o Bet Leẖem).
- Wikang Griyego
- Ginagamit ng Mga Nagkakaisang Bansa ang kanilang pamamaraang iminumungkahi sa pagroromanisa ng Griyego.
- Wikang Hapon
- Ginagamit na batayan ang pamamaraang Hepburn sa pagroromanisa ng Hapon.
- Wikang Persa (Persian)
- Ginagamit ng Mga Nagkakaisang Bansa ang opisyal na romanisasyong Irani/Apgano sa pagromanisa ng Persa (Persian).
- Gayumpaman, huwag gamitin sa pamagat ang dalawang sumusunod: ang anumang titik na may tuldik maliban sa ā, at ang mga kudlit sa pagitan ng dalawang patinig. Gamitin lamang ang mga ito sa panimulang talata.
- Wikang Ruso
- Ginagamit ng Mga Nagkakaisang Bansa ang kanilang pamamaraang iminumungkahi sa pagroromanisa ng Ruso.
- Wikang Ukranyano
- Ginagamit na batayan ang pambansang sistema ng Ukranya noong 1996 (mula sa pamamaraang iminungkahi rin ng Mga Nagkakaisang Bansa) sa pagroromanisa ng Ukranyano.
Mga tuldik
baguhinAlisin ang mga tuldik, maliban ang tilde sa ñ, mula sa mga apelyido ng mga Pilipino at mga lugar sa Pilipinas, mapasaanong wika man o mapabaybay ayon sa anumang wika ito.
- Calambá —> Calamba
- Luzón —> Luzon
- Echeverría —> Echeverria
- Mañálac —> Mañalac
- Castellví —> Castellvi
Alisin din ang mga tuldik sa mga given name ng Pilipino kung ito ay Kastila (i.e. wikang Kastila).
Ang alinman sa mga tuntunin sa itaas ay napapawalang-bisa ng anumang kasalungat na direktiba at/o consistent, sustained practice mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Napapawalang-bisa ang mga naunang panuto ukol sa pag-alis ng mga tuldik kung preference o higit na kagustuhan ng Pilipinong tagataglay ng pangalan ang panatilihin sa kaniyang pangalan ang mga tuldik.
Pinapanatili rin ang tuldik sa mga pangalan ng mga Pilipinong ipinanganak o nanirahan sa Pilipinas bago alisin opisyal na katayuan ng wikang Kastila noong 1973.
Maliban sa mga ito, laging panatilihin ang mga tuldik sa mga panggalang pambalana at lalo na sa pantangi kung ginagamit ang mga tuldik sa wikang pinagmulan ng mga salita.
- Ang übermensch ay hindi nagiging ubermensch.
- Ang François Mitterand at Lech Wałęsa ay hindi nagiging Francois Mitterand at Lech Walesa.
Pagbabaybay
baguhinBagaman may kaunting kaibahan sa ginagamit sa Tagalog Wikipedia, tingnan din ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa, sapagkat may pagkakatulad at upang magkaroon ka ng idea hinggil dito.