Mongolya

Bansa sa Silangang Asya
(Idinirekta mula sa Uvs Province)

Ang Mongolia /mong·gol·ya/ (Mongolian: Монгол Улс) ay isang bansa sa Silangan at Gitnang Asya na lubos na napapalibutan ng kalupaan. Nasa hilaga ng hangganang nito ang Russia at sa timog ang China. Kahit hindi nito kahangganan ang Kazakhstan, ang pinakakanlurang dulo nito ay 38 kilometro lang ang layo sa pinakasilangang dulo ng Kazakhstan. Ulan Bator ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Mongolia, kung saan 45 porsiyento ng populasyon ng bansa ay dito nakatira. Ang pamahalaan ng Mongolia ay isang republikang parliyamentaryo.

Mongolya
Watawat ng Mongolia
Watawat
Emblema ng Mongolia
Emblema
Awitin: Монгол улсын төрийн дуулал
Mongol ulsyn töriin duulal
"Pambansang Awit ng Mongolya"
Location of Mongolia
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Ulan Bator
48°N 106°E / 48°N 106°E / 48; 106
Wikang opisyalMongol
KatawaganMongolian
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• President
Ukhnaagiin Khürelsükh
Luvsannamsrain Oyun-Erdene
LehislaturaState Great Khural
Formation
209 BC
1206
• Completion of Qing dynasty conquest
1691
29 December 1911
• Mongolian People's Republic established
26 November 1924
13 February 1992
Lawak
• Kabuuan
1,564,116 km2 (603,909 mi kuw) (18th)
• Katubigan (%)
0.67
Populasyon
• Pagtataya sa 2020
3,227,863 (134th)
• Densidad
2.07/km2 (5.4/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $52.989 bilyon (ika-124)
• Bawat kapita
Increase $15,087 (103rd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $18.782 billion[1] (136rd)
• Bawat kapita
Increase $5,348[1] (115th)
Gini (2018)32.7[2]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.739[3]
mataas · 96th
SalapiTögrög (MNT)
Sona ng orasUTC+7/+8[4]
Ayos ng petsayyyy.mm.dd (CE)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+976
Kodigo sa ISO 3166MN
Internet TLD.mn, .мон

Pinagharian ng iba't-ibang imperyong lagalag, kasama na rito ang Xiongnu, Xianbei, Rouran, Gokturk at iba pa ang lugar na sakop na ngayon ng Mongolia. Itinayo ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol noong 1206. Matapos bumagsak ang Dinastiyang Yuan, bumalik sa sinaunang nilang kaugaliang pagtutunggalian ang mga Mongol at madalas na pananalakay sa mga lupaing nasa hangganan nito sa China. Noong ika-16 at ika-17 siglo, napasailalim ng impluwensiyang Budismong Tibetan ang bansa. Sa pagsasara ng ika-17 siglo, napaloob ang buong Mongolia sa teritoryong pinamumunuan ng Dinastiyang Qing. Sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1911, nagdeklara ng kasarinlan ang Mongolia ngunit kinailangan nitong sikapin hanggang 1921 upang matamo at maitatag ang de factong kalayaan nito mula sa Republika ng China at hanggang 1945 upang kilalanin sa buong mundo ang kalayaan nito.

Ang kinahitnan, ito'y napasailalim sa malakas na impluwensiya ng mga Russian at Soviet; noong 1924 itinatag Mongolian People's Republic (Republika ng Mamamayang Mongolian), at tumulad ang politika sa Mongolia sa estilo at sistemang pampolitika ng mga Soviet noong mga panahong iyon. Matapos ang pagbagsak ng mga komunistang rehimen sa Silangang Europa noong huling bahagi ng 1989, nasaksihan nito ang sarili nitong Demokratikong Rebolusyon noong unang bahagi ng 1990, na nagresulta sa isang multi-partidong sistema, isang bagong konstitusyon noong 1992 at transisyon nito sa isang ekonomiyang pamilihan.

Sa lawak nitong 1,564,116 kilometro kuwadrado, ang Mongolia ay ang ika-19 na pinakamalaking bansa sa mundo at ang pinkamaluwang ang paninirahan sa populasyon nitong 2.75 milyong katao. Ito rin ang ikalawang pinakalamalaking bansa na lubos na napalilibutan ng kalupaan kasunod ng Kazakhstan. Kakaunti lamang ang sakahang-lupa ng bansa dahil malaking bahagi nito ay mga kaparangan, mga kabundukan naman sa hilaga at ang Disyerto ng Gobi sa timog. Humigit-kumulang 30 porsiyento ng populasyon ay lagalag at mga bahagyang-lagalag. Ang namamayaning relihiyon sa Mongolia ay ang Budismong Tibetan, at malaking bahagi ng mamamayan ng bansa ay etnikong Mongol, ngunit may mga Kazakh, Tuvan at iba pang mga minoryang pangkat ang rin naninirahan dito, lalo na sa kanluran. Mga 20 porsiyento naman ng populasyon nito ang nabubuhay na mas mababa sa US$1.25 kada araw.[5] Sumapi ang Mongolia sa World Trade Organization noong 1997 at naghahangad na mapalawak ang partisipasyon nito sa mga rehimeng pang-ekonomiya at pangkalakalang rehiyonal.[6]

Mga teritoryong pampangasiwaan

baguhin
  1. Ulan Bator
  2. Lalawigan ng Arkhangai
  3. Lalawigan ng Bayan-Ölgii
  4. Bayankhongor Province
  5. Lalawigan ng Bulgan
  6. Lalawigan ng Darkhan-Uul
  7. Dornod Province
  8. Dornogovi Province
  9. Dundgovi Province
  10. Govi-Altai Province
  11. Govisümber Province
  12. Khentii Province
  13. Khovd Province
  14. Khövsgöl Province
  15. Ömnögovi Province
  16. Orkhon Province
  17. Övörkhangai Province
  18. Selenge Province
  19. Sükhbaatar Province
  20. Töv Province
  21. Uvs Province
  22. Zavkhan Province

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IMFWEO.MN); $2
  2. "GINI index (World Bank estimate) – Mongolia". data.worldbank.org. World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2020. Nakuha noong 22 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong Setyembre 8, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mongolia Standard Time is GMT (UTC) +8, some areas of Mongolia use GMT (UTC) +7". Time Temperature.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2007. Nakuha noong Setyembre 30, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Human Development Indices." Human Development Reports. United Nations Development Program. Web. 24 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  6. "CIA - The World Factbook". Cia.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-29. Nakuha noong 2011-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin