Wat
Ang isang wat (Khmer: វត្ត, vôtt [ʋɔət]; Lao: ວັດ, vat; Thai: วัด, RTGS: wat [wát]; Tai Lü: 「ᩅᨯ᩠ᨰ」(waD+Dha); Northern Thai: 「ᩅ᩠ᨯ᩶」 (w+Da2)) ay isang uri ng Budistang templo at Hindu na templo sa Camboya, Laos, Silangang Estado ng Shan, Yunnan, Katimugang Lalawigan ng Sri Lanka, at Taylandiya. Ang salitang wat ay isang salitang Taylandes na hiniram mula sa Sanskritong vāṭa (Devanagarī: वाट), ibig-sabihin ay 'binakurang pook'.[1][2] Ang termino ay may iba't ibang kahulugan sa bawat rehiyon, minsan ay tumutukoy sa isang partikular na uri ng kinikilala ng pamahalaan o malaking templo, sa ibang pagkakataon ay tumutukoy sa alinmang Budista o Hindu na templo.
Pangkalahatang-tanaw
baguhinSa estriktong pagpapakahulugan, ang wat ay isang sagradong presintong Budista na may vihara (kuwarto para sa mga bhikkhu), isang templo, isang edipisyong tirahan ng isang malaking imahen ng Buddha, at isang pasilidad para sa mga aralin. Ang isang pook na walang minimum na tatlong residenteng bhikkhu ay hindi maaaring ilarawan nang wasto bilang isang wat bagaman ang termino ay madalas na ginagamit nang mas maluwag, kahit na para sa mga guho ng mga sinaunang templo. Bilang pandiwa na transitibo o intransitibo, ang ibig-sabihin ng wat ay sukatin, kumuha ng mga sukat; ihambing ang templum, kung saan nagmula ang templo, na may parehong ugat bilang template.
Sa Camboya, ang wat ay anumang lugar ng pagsamba. Ang "Wat" ay karaniwang tumutukoy sa isang Budistang pook ng pagsamba, ngunit ang tiyak na termino ay vôtt pŭtthsasnéa (វត្តពុទ្ធសាសនា) ibig-sabihin ay "Budistang pagoda". Ang "Angkor Wat" (អង្គរវត្ត ângkôr vôtt) ay nangangahulugang 'lungsod ng mga templo'.
Sa pang-araw-araw na wika sa Taylandiya, ang "wat" ay anumang lugar ng pagsamba maliban sa mosque (Thai: สุเหร่า; RTGS: surao; o Thai: มัสยิด; RTGS: matsayit) o isang sinagoga (Thai: สุเหร่ายิว; RTGS: surao yio). Kaya, ang isang wat chin (วัดจีน) o san chao (ศาลเจ้า) ay isang templong Tsino (Budista man o Taoisat), ang wat khaek (วัดแขก) o thewasathan (เทวสถาน) ay isang templong Hindu, at ang bot khrit (โบสถ์คริสต์) o wat farang (วัดฝรั่ง) ay isang Kristiyanong simbahan, kahit na ang Taylandes na โบสถ์ (RTGS: bot) ay maaaring gamitin sa paglalarawan tulad ng sa mga mosque.
Mga uri
baguhinAyon sa Taylandes na batas, mayroong dalawang uri ng mga templong Budistang Taylandes:
- Ang mga Wat (วัด; wat) ay mga templo na itinataguyod ng estado at pinagkalooban ng wisungkhammasima (วิสุงคามสีมา), o ang lupain para sa pagtatayo ng sentrong bulwagan, ng hari. Ang mga templong ito ay nahahati sa:[3]
- Mga maharlikang templo (Thai: พระอารามหลวง; RTGS: phra aram luang): itinatag o tinangkilik ng hari o ng kanyang mga kapamilya.
- Mga pampublikong templo (Thai: วัดราษฎร์; RTGS: wat rat): itinatag ng mga pribadong mamamayan. Sa kabila ng terminong "pribado", ang mga pribadong templo ay bukas sa publiko at mga lugar ng mga pampublikong aktibidad sa relihiyon.
- Samnak song (Thai: สำนักสงฆ์): ay mga templong walang pag-endorso ng estado at wisungkhamasima.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "wat". Lexico UK English Dictionary. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-26.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "wat". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
- ↑ ราชกิจจานุเบกษา,ประกาศกระทรวงธรรมการ แผนกกรมสังฆการี เรื่อง จัดระเบียบพระอารามหลวง Naka-arkibo 2011-11-09 sa Wayback Machine., เล่ม ๓๒, ตอน ๐ ก, ๓ ตุลาคม พ.ศ.๒๔๕๘, หน้า ๒๘๔