Kanlurang Kabisayaan
Ang Kanlurang Kabisayaan (Ingles:Western Visayas), ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, at tinalaga bilang Rehiyon VI. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental at ng 16 na mga lungsod. Ang Lungsod ng Iloilo ang sentrong pangrehiyon.[1]
Rehiyon VI | |
Sentro ng rehiyon | Lungsod ng Iloilo |
Populasyon
– Densidad |
7,954,723 {{{density_km2}}} bawat km² |
Lawak | 20,794.18 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
6 6 117 4,051 16 |
Wika | Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon |
Mga Bahaging Lungsod
baguhin- Lungsod ng Iloilo - Hiligaynon
- Lungsod ng Bacolod - Hiligaynon
- Lungsod ng Passi - Hiligaynon
- Lungsod ng Roxas - Capiznon
- Bago - Hiligaynon
- Cadiz - Hiligaynon
- Escalante - Hiligaynon/Sebwano
- Himamaylan - Hiligaynon
- Kabankalan - Hiligaynon
- La Carlota - Hiligaynon
- Sagay - Hiligaynon
- San Carlos - Hiligaynon
- Silay - Hiligaynon
- Sipalay - Hiligaynon
- Talisay - Hiligaynon
- Victorias - Hiligaynon
Kasaysayan
baguhinAng rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan ay nabuo mula sa lalawigan ng Aklan, Antique, Iloilo (kasama ang noon ay bahaging lalawigan na Guimaras), at Negros Occidental sa pamamagitan ng Kautusang Pampangulo Bilang 1 bilang bahagi ng Integrated Reorganisation Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos
Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon VI (Kanlurang Kabisayaan) noong Mayo 23, 2005 ayon sa EO 429.[2] Inihayag noong Hunyo 2005 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagsasakumpleto ng paglipat.[3] Subalit binatikos ng mga Palaweños ang paglipat, sinasabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan ng mga residente ng Lungsod ng Puerto Princesa at ang lahat ng mga bayan nito maliban sa isa, ay nais na manatili sa Rehiyon IV-B. Dahil doon, nagkaroon ng Kautusang Administratibo Bilang 129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan. Ang kautusan ito ang nagpapaliban sa EO 429.[4] Kaya, ang Palawan ay kasalukuyang pa ring bahagi ng Rehiyon IV-B.
Noong ika-29 ng Mayo, 2015, inihiwalay ang lalawigan ng Negros Occidental mula sa Kanlurang Bisayas at inilipat ito sa kakabuong Rehiyon ng Isla ng Negros sa pamamagitan ng EO blg. 183, s. 2015 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-24. Nakuha noong 2010-05-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ President of the Philippines. "Executive order No. 429". Office of the Press Secretary. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Palawan, Puerto Princesa Transfer to Region VI" (Nilabas sa mamamahayag). Government of the Philippines - News. 3 Hunyo 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2007.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ President of the Philippines (Agosto 19, 2005). "Administrative Order No. 129". Office of the Press Secretary. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2009. Nakuha noong Mayo 23, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-08. Nakuha noong 2016-06-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.