Wikang Masbatenyo
Ang Masbatenyo o Minasbate ay isang wikang Bikol-Bisaya o Bisakol ay pangunahing sinasalita ng mahigit 600,000 tao sa lalawigan ng Masbate sa Pilipinas. Ito ay may pagkakahawig sa Capiznon, Hiligaynon at Waray, na lahat ay ginagamit sa Visayas. Kinilala itong isang wikang Bisakol, nangangahulugang isang wikang nakapagitan sa mga wikang Bisaya at mga wikang Bikol.
Masbatenyo | |
---|---|
Minasbate, Masbateño | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Masbate (buong kapuluan ng Ticao; halos buong bahagi ng Masbate at sa mga pulo ng Burias) |
Pangkat-etniko | Mga Masbatenyo |
Mga natibong tagapagsalita | 350,000 (2002) 250,000 bilang pangalawang wika Kabuuan: 600,000 mga mananalita |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | msb |
Glottolog | masb1238 |
Mga lugar kung saan sinasalita ang Masbatenyo | |
Tunog at Pagbigkas
baguhinAng Masbatenyo ay may labing-anim na katinig: p, t, k, b, d, g, m, n, ng, s, h, w, l, r at y. Meron namang tatlong patinig: i, a, at u/o. Ang mga patinig na u at o ay mga allophone, ang u ay laging ginagamit kapag nasa simula at minsa'y nasa huli ng pantig, at ang o ay laging ginagamit kapag nagtatapos sa pantig. Ito ay isa sa mga wika sa Pilipinas kung saan ay hindi sinama mula sa [ɾ]-[d] allophone.
Mga Halimbawa
baguhinMga Katanungan
baguhin- Ano? - Nanu?
- Sino? - Sin-o?
- Saan? - Diin?
- Kailan? - San-o?
- Bakit? - Kay? Nanu kay?
- Paano? - Pan-o? Papan-o?
- Sino ka? - Sin-o Ka?
- Anong pangalan mo? - Nano/Ano an pangaran mo? Nanu an ngaran mo?
- Kailan ang kaarawan mo? - San-o ka nabuhay? San-o ka inmundag?
- Saan ka nakatira? - Diin ka naga-estar? Taga-diin ka?
- Saan ka pupunta? - pakain ka makadto? Diin ka makadto? Diin an kadtuan mo?
Mga Hayop
baguhin- Pusa - Miya/Misay
- Aso - Ido / Ayam (sa kapuluan ng Ticao)
- Baka - Baka
- Kalabaw - Karabaw
- Tinday - maaring tumutukoy sa anumang batang hayop tulad ng kabayo, baka, kambing at kalabaw
- Baboy - Orig (batang baboy) Anay (inang baboy) Butakal/Takal (Male brooding pig)
- Daga - Iraga
- Langgam - Sirum/Kutitob (Masbate Ticao Island)
- Langgam - Subay (Masbate Main Land)
- Langgam - Amimitas (Masbate Main Land)
- Langgam - Hornigas (Masbate Main Land)
- Langgam - Hamorigas (Palanas, Masbate Main Land)
- Manok - Umagak (hen); Siyo/pi'so (chic)
- Butiki - Tiki
- Tuko - Tuko
- Ahas/Sawa - Sawa
- Ibon - Sapat (sa Masbate); Pispis (sa Mandaon) ; Langgam (sa Ticao Island)
- Kambing - Kanding
- Salagubang - Bangag (sa Masbate); Bakukang (sa Ticao Island)
- Alupihan - Ulahipan
Mga Kadalasang Parilala
baguhin- Galit ako sa iyo! - Urit ako sa imo! / Habo ko sa imo!
- Mahal kita. - Namomo-ot ako sa imo. Namumot-an ta ikaw. (impluwensiyang Bikolano)
- Mahal kita. - Palangga ta ikaw. (Masbate Mainland)
- Mag-usap tayo. - Mag-istoryahan kita.
- Maari ba akong sumali? - Pwede ako kaintra?
- Ikinagagalak kitang makilala. - Malipay ako na nagbagat kita.
- Kamusta ka? - Matiano ka dida?
- Ipaalam mo sa akin. - Ipaaram la sa akon.
- Tulungan mo ako. - Buligi man ako.
- Maari mo ba akong turuan? -Pwede mo ba ako matukduan? Pwede magpatukdo?
- Nais kong matutunan ang Masbatenyo. - Gusto ko makaaram mag-istorya san Masbatenyo.
- Magandang umaga! - Maayo na aga!
- Magandang hapon! - Maayo na hapon!
- Magandang gabi! - Maayo na gab-i! / Turog maayo.
- Kumain na tayo. - Karaon na kita.
- Maganda ka (talaga). - Kaganda mo (gayud).
- Tawagin mo ako. - Tawagi tabi ako.
- Maari ba akong humingi ng pabor? - Pwede mangayo pabor (o bulig)?
- Impatso - Implatso
Mga Bilang
baguhin- Isa - Isad/Usad
- Dalawa - Duwa/Duha
- Tatlo - Tulo
- Apat - Upat
- Lima - Lima
- Anim - Unom
- Pito - Pito
- Walo - Walo
- Siyam - Siyam
- Sampu - Napulo
- Labing-isa - Onse
- Dalawampu - Baynte
- Dalawampu't isa - Baynte uno
- Isang daan - Usad kagatos/Syen
- Isang daan at tatlumpu't lima - Syento traynta i singko
- Isang libo - Usad karibo
Mga Pang-uri
baguhin- Maganda - Maganda
- Pangit - Maraot / Pangit
- Init - Mainit / Maalingahot
- Lamig - Mayamig / Matugnaw
- Mabuti - Maayo / Matahom
- Masama - Maraot / Malain
- Magaling - Matibay
- Sakit/Maysakit - Maysakit / May ginabatyag
- Mabilis - Matulin / Madasig
- Mabagal - Mahinay / Maluya
- Mataas - Hataas / Hitaas
- Mababa - Hamubo
- Malalim - Hadarom
- Malawak/Malapad - Halapad
- Maluwag - Mahaluga
- Makitid - Masiot
- Mahaba - Halaba
- Maliit - Halip-ot
- Malinaw/Magaan - Lasaw (kulay) / Magaan /Mamag-an (timbang)
- Mabigat - Mabug-at
- Madilim/Maitim - Makutom / Madulom / Maitom
Panitikan sa Masbatenyo
baguhinNi Sherwin Balbuena
Kun mag-ági ka
Saní na dálan
Warâ na'n balíkan
Saní na dálan
May púnò san mángga
Na punô sin búnga
An úna nag-agi
An puno ginyugyog
Takdag pati putot
Panduha nag-agi
Kay wara na'n bunga
Dahon an ginpa-pa
Pantulo nag-agi
Kay wara na'n dahon
Panit an ginkaon
Pang-upat nag-agi
Kay wara na'n panit
Gamot an ginkitkit
An ulhi nag-agi
Kay wara na'n gamot
Nagsupa sin lapok
An Punò
baguhinAko usad na punò
Sa tungâ san kadlagan
Mga sapát na pino
Ako man an istáran
Maw-ot ko’n maghitaas
Makit-an an Sirangan
Pero habo maglampas
Na an iba duluman
Kahirayo san langit
Mas apiki an dampog
Kun abuton kasakit
Lalo pa kun mahulog
Maw-ot ko man mamunga
San matam-is na hinog
Na matilawan san dila
Kag magtubo an pisog
Ugaling kun matumba
Sa kakusog san hangin
Kaupod ko, batuna
Sa Luyo masaringsing
Ugaling kun magluyos
Sa handong san iba
Kaupod ko, pagbalos
Mamudo sa inda