Wikipedia:Diskusyon sa pagpapaunlad ng Wikipedia

(Idinirekta mula sa Wikipedia:Diskusyon)

Layunin ng pahinang ito ay bigyan ng diin ang mga paksang nauugnay, kinakailang pag-usapan, debatehan o pagkasunduan hinggil sa pagpapaunlad ng Wikipedia Tagalog. Hindi bago sa maraming taga ambag at taga pangasiwa ang ilang alintunting o kawalan nito, na nagiging balakid sa pagyabong ng iisang layunin: ang mapaunlad ang Wikipedia. Hinihiling na sa pakikibahagi sa pahinang, nawa ay mapanatili natin ang layunin ito, kasabay ng patuloy na paggalang sa paniniwala ng iba, opinyon, kuro-kuro at panukala.

Anyo ng Pangungusap

baguhin

Marahil ay nararapat na bigyan ng tuon ang paggamit ng tuwiran at kabalikang anyo ng pangungusap sa pagsulat ng mga artikulo. Magkaroon ng pagkakasundo, pag-uusap, o aksiyon patungkol sa paggamit ng kabalikan at tuwirang anyo ng pangungusap. Alin nga ba ang mas naaangkop na panimula o anyo ng pangungusap sa mga sumusunod na halimbawa:

  • Ang aso ay mayroong apat na paa.
  • Mayroong apat na paa ang aso.
  • Apat ang paa ng aso.

Isang halimbawa mula sa Tagalog (pangkat etniko):

Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. .

Kung mapapansin ang unang parirala ay hindi nagtataglay ng katagang "ay", samantalang sa Iloko ay mapapansin ang paggamit ng katagang "ay":

Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas. .

Tomas De Aquino 03:59, 29 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Ponemang Malayang Nagpapalitan

baguhin

Isa sa mga hindi maitatanggi bagay sa Wikipedia Tagalog ay ang hindi konsisteng paggamit ng mga salitang may parehong kaluhugan, ngunit nagtataglay ng malapit ngunit hindi parehong pagbabaybay. Ito ay nagaganap dahil sa paggamit at di paggamit ng mga ponemang malayang nagpapalitan. Isaalang alang ang mga sumusunod na salita:

  • gulpo, golpo
  • politika, pulitika
  • postura, pustura

Ilan lamang ang mga ito sa mga kalipunan ng mga salitang nangangailangan ng matibay na batayan at pagsang-ayon sa pagitan ng mga taga-ambag. Ang patuloy na kawalan ng kodigo, batas, o panukala kaugnay sa paggamit ng mga ito ay maaring magbunsod sa mga susunod:

  • pagtatalo sa pagitan ng mga tagapag ambag
  • paglilipat at pagpapalit ng mga titulo ng artikulo
  • walang humpay at di matatapos tapos na usapin at talakayan

Hinihiling na bigyan ng resolusyon ang bukas na usaping ito.

Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan

baguhin

Isa sa pinakamadalas na di pagkakasundo ay nag-uugat sa pagpapadulas o pagpapanatili ng tunog ng U at O.

R at D

baguhin

Ilang sa mga kataga ay nagiging ugat din ng di pagkakasunduan sa paggamit. Mangyari ay ilahad sa Wikipedia Tagalog ang panuntunan hinggil sa paggamit ng mga ponemang malayang nagpapalitan katulad ng D at R sa mga kataga at salitang kahalintulad ng "daw,raw", "din, rin" atbp.

Tomas De Aquino 01:41, 29 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Basta pagkatapos ng katinig, D ang gamit ("tingnan daw"). Pagkatapos ng patinig, R ("ano raw?"). Pero sa pang-araw-araw na salita (i.e. di-pasulat), mapapansin na D lang sa kadalasan ang ginagamit ("ano daw?"). --Pare Mo 22:26, 30 Abril 2008 (UTC)[sumagot]
Mayroon ka bang sanggunian na maaring gamitin, para maging konkretong alituntunin ito sa Wikipedia Tagalog? Tomas De Aquino 23:05, 30 Abril 2008 (UTC)[sumagot]
Sa kasawiang-palad, wala. Umaasa lamang ako na tama ang turo sa amin ng mga guro naming pangwika sa paaralan. Ngunit, tulad ng mga pormal na alituntunin sa anumang wika, hindi ito istriktong sinusundan sa kolokyal na pasalita. --Pare Mo 01:04, 1 Mayo 2008 (UTC)[sumagot]
Darating din ang araw na iyon. Maraming salamat. Tomas De Aquino 03:06, 1 Mayo 2008 (UTC)[sumagot]

Salin o Transliterasyon

baguhin

Kapansin pansin rin na ang ilang mga salitang Tagalog ay pinapalitan ng mga salitang mas moderno o mas madalas na gamitin. Ayon sa ilang naniniwala, hindi kailangan maging "puro" ang Wikipedia Tagalog, marahil na rin sa kanilang pang unawang ang Wikang Tagalog ay hindi patay na lengwahe at patuloy na umuunlad.

Mayroon din namang naniniwalang na ang "makaluma" at "tradisyunal" na Tagalog ang gamitin. Ikukumpara nila ang paniniwalang ito sa pagkakaroon ng "ENGLISH vs. SIMPLE ENGLISH" na Wikipedia, kung saan ang Simpe English ay nagtataglay hindi lamang ng mga artikulong mas mauunawaan ng nakararami, bagkus ay mas madaling maintindihan.

Maaring isaalang alang ang mga sumusunod:

  • telepono, hattinig
  • siyensya, agham
  • matematika, sipnayan

Mga Panukala

baguhin

Mayroong panukala na panatilihin ang tradisyunal na salin, at lagyan na lamang ng seksiyon o bahagi ang artikulong nagsasabing (mas kilala sa tawag na: ....) o (kilala rin sa tawag na ...), biglang karagdagan sa REDIRECTION.

Maari ring gamitin ang prinsipyong ito sa mga modernong salin at maglagay na lamang ng REDIRECTION mula sa mga tradisyunal na gamit at seksiyon na nagsasabing (lumang gamit:, tradisyunal na salin:, o kilala rin sa katawagang ...)

Tomas De Aquino 01:41, 29 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Pagpapangalan sa mga Bansa

baguhin

Kapansin pansin ang hindi konsisteng paggamit ng mga pangalan ng mga bansa. Ang Singapore, Thailand, Malaysia, United Arab Emirates atbp. ay pinanatili sa kanilang Ingles na pangalan, samantalang ang mga bansang Pilipinas, Estados Unidos, Republika ng Irlanda ay ginamitan ng lokal na salin.

Kinakailangan ng mas matibay na alituntinin para sa mga ito.

Tomas De Aquino 01:41, 29 Abril 2008 (UTC)[sumagot]

Ang iba kasi (sa aking palagay) ay wala pang tuwiran (opisyal) na salin sa Tagalog. Mananaliksik 00:33, 15 Mayo 2008 (UTC)[sumagot]

o sige ito ang panukalang salin ng pangalan ng mga bansa= thailand-siyam, united arab emirate=pinagisang estados ng emiratus,malaysia=malaysiya at iba pa.magbigay nga kayo ng salin sa tgalog at mgkakaroon nga nito sa wikang tagalog.