Wikipedia:Kapihan/Arkibo 6

Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Premyo sa makakakuha ng ika-25,000+ na artikulo

baguhin

Kung sino man ang makakagawa ng unang artikulo na lalagpas sa 24,999 na marka ay makakakuha sa akin ng PhP 1000 halaga ng Sodexho gift certificate. Hindi kinakailangan na ito ay ang ika-25,000.
Ang batayan ay:

  1. Gawa sa wikang tagalog
  2. Hindi stub
  3. Kaaya-ayang basahin
  4. Walang halong spam o bandalismo
  5. Pabor ang pagkapanalo sa komunidad ng Tagalog Wikipedia
  6. Ito ay ginawa ng isang rehistradong tagalog wikipedia user, may e-mail na nakarehistro sa kanyang account at nasa Pilipinas nang ginawa ang artikulo

Hindi kasama dito ang mga tagapamahala o tagapangasiwa ng wikipedia. Ang mananalo ay makakatanggap ng email na nagsasaad kung paano kunin ang premyo. Mayroong confirmation code itong kasama. --Exec8 04:15, 31 Oktubre 2007 (UTC)[sumagot]

Inaanyayahan kitang sumama sa usaping ito. Para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedia. -- Felipe Aira 11:51, 31 Oktubre 2007 (UTC)[sumagot]

Kailangan ko talagang makakuha ng consensus dito. Halatang-halata namang hindi karapat-dapat maging isang napiling artikulo ang livestrong wristband. Kahit kaunting komento lang. Salamat. -- Felipe Aira 05:07, 2 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Noong simula kasi ng Wikipedia Tagalog, hindi pa sapat ang bilang ng mga miyembro't kagamitan upang mapalawak ang ilang mga artikulo. Kung kaya't maiigsi ang mga unang napiling artikulo ng Wikipedia Tagalog. 58.71.27.88 14:05, 6 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sa palagay ko ay kailangan nang pag-aralan muli ang mga Napiling Artikulo kung karapat-dapat pa rin itong ituring na NA. Starczamora 07:00, 20 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Suportahan ang Wikimedia

baguhin

Muli inaanyayahan ko kayong ilagay ito: Pinapanatiling natakbo ng iyong tuluy-tuloy na kaloob ang Wikipedia! Suportahan ang Wikimedia Foundation ngayon: http://donate.wikimedia.org, sa inyong lagdang pang-e-liham. Para matulungang makakalap ng donasyon ang Wikimedia sa Fundraiser ng taong ito. -- Felipe Aira 10:37, 1 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sana sa Wikimedia Pilipinas na lang (lol). Isasalin ko ang pormularyong pandonasyon. --Sky Harbor 10:39, 1 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Suhesyon sa pagsalin ng mga bansa at wikang banyaga

baguhin

Nais kong magbigay ng suhesyon ukol sa pagsalin partikular sa mga pangalan ng bansa at banyagang wika, ayon sa gabay sa pagsalin mula Ingles sa Tagalog na tinuro sa paaralan.

  1. Kung maaaring isalin sa terminong Tagalog ang bansa o wika, isalin ito. (Hal. Bahasa Indonesia = Wikang Indones, South Africa = Timog Aprika)
  2. Kung hindi maaaring isalin sa terminong Tagalog, hanapan ng direktang salin sa Kastila at ibaybay sa Tagalog. (Hal. Mauritius = Mawrisyo, Saudi Arabia = Arabiya Sawdita, Haitian Creole = Kriyolo Haytiyano, Celtic = Wikang Selta)
  3. Kung walang direktang salin sa Kastila, baybayin ito nang direkta. (Hal. Nepal Bhasa = Nepal Basa, Nahuatl = Nahuwatel, Vietnam = Biyetnam, Uzbekistan = Usbekistan)

Hangad ko lamang ang pagkakaroon ng pamantayan sa pasalin. Starczamora 15:29, 7 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sang-ayon ako dito! At sana nga ay magkaroon ng ganitong patakaran. Pero paano naman ang "United Kingdom" dahil marami na ang nangyaring di-pagkakaintindihan sa pagsasalin nito hanggang tinapos na lamang ito sa paggamit ng pinakakilalang termino (ang wikang Ingles)? -- Felipe Aira 11:29, 8 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Kung gagamitin ang pamantayan sa pagsalin (na itinuro sa amin sa elementarya), maaaring tawagin ang United Kingdom bilang "Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Hilagang Irlanda" o "Nagkakaisang Kaharian". Hindi man ito naaayon sa panlasa ng iilan, kinakailangang ito ang terminong dapat na palawigin kung nais nating pagyamanin ang wikang Tagalog. Sa kaso naman ng Estados Unidos na bagama't mas nakagisnan na ang terminong ito, makabubuting palawigin din natin ang terminong "Nagkakaisang Estado". Starczamora 14:19, 8 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Alam kong may ilang mga salin ang mga bansa at wika. Ngunit dahil ito ay mga proper na pangngalan, dapat hindi ito sinasalin hanggang may tiyak na salin na ito (hal. ang Nepal Bhasa ay dapat manatiling ito). Kung may mas kilala na salin, dapat ito ay ang ginagamit. Dahil sumusunod tayo sa mga patakaran ng Wikipediang Ingles, dapat umiiwas tayo sa mga neolohismo sa kasong ito. --Sky Harbor 00:15, 11 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Kagaya ng Ido at Esperantong Wikipedia, hindi ba puro mga neyolohismo ang mga salita nila? Siguro kailangan nating magkaroon ng karagdagang exemption sa mga patakarang ito dahil sa kakulangan ng mga sapat na salita sa panitikang Tagalog kung ikukumpara sa Ingles? At hindi ba mariing sinasabi na ang Wikipedia ay hindi isang burukrasya at kung may mga pagkakataon man kung kailan pinipigilan ng isang patakarang ang isang taong gumawa ng isang ensiklopedya ay maari niyang malayang isawalang-bahala ang patakarang iyon. Sa kasong ito pinipigilan tayo ng patakarang nagbabawal sa paggamit ng mga bagong salita sa paggawa ng isang Tagalog na Wikipedia. At mariing kong sinasabing Tagalog hindi Ingles. -- Felipe Aira 13:13, 12 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Naiintidihan ko na maaaring maging instrumento sa pagpapaunlad ng Tagalog/Filipino ang Wikipedia, lalo na sa mga asignaturang teknikal. Sa kaso ng Ido at Esperanto, ang mga wikang ito ay artipisyal o inilikha lamang. Pero, dahil established na ang wikang Tagalog, at dahil mala-Taglish pa rin ang isipan ng sambayanan kapag gumagamit ng Filipino, kailangan na kapag tayo ay magsasalin ng mga terminolohiya, kailangan ito ay ayon sa dalawang importanteng prinsipyo:
  • Una, ang mga salita, kung hihiram sa Espanyol o Ingles, ay batay sa mga tuntunin ng Palabaybayan ng Filipino. Kung gagamit ng katutubong salita, dapat malinaw ang salin.
  • Ikalawa, kailangan munang tiyakin kung may nakatakdang salin ang isang salita bago lumikha ng bagong salita. Halimbawa, ang "Haitian" ay Hayitano, ang "Hawaiian" ay Hawayano at ang "Hawaii" at Haway.
Maganda man na tayo ay nagiging instrumentong tumutulong sa pagpapalawig ng leksikon ng Tagalog/Filipino. Pero, para sa kapakanan ng ating pamayanan at ng wika sa kalahatan, magbigay-kunsiderasyon muna tayo dito. Sana ang mga salitang ginagamit dito ay maging batayan at magiging mas karaniwan sa araw-araw na wika ng mga Filipino. --Sky Harbor 14:28, 12 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Una panlahat ba ang dalawang patakarang binanggit sa itaas o mabisa lamang ito sa mga wika, pagkamamamayan at bansa? Kasi kung panlahat ito nangangahulugang balido ang paglipat ng mga nilalaman ng Mouse sa Maws.-- Felipe Aira 12:17, 14 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Drastic measure

baguhin

Feeling ko na ang pagtaas ng mga bilang ng mga artikulo ay nagmumula sa isang tao lamang. Kahit kung hindi pinagbabawalan ang paggamit ng mga alternatibong kuwenta o account, nais kong humingi ng isang pagtiyak kung ang mga sumusunod na tagagamit ay tatlong tagagamit o isang tagagamit lamang.

Ang mga sumusunod na tatlong tagagamit ay may magkaparehas na istilo ng pagbabago (ang mga artikulong nililikha nito ay nasa parenteses):

  • User:Wikiboost (mga lugar at mga celebrities, pangunahing tagagamit sa "Oplan 10,000")
  • User:Auto007 (mga lugar at pangkalahatang impormasyon; pangunahing tagagamit sa bagong "Oplan 15,000")
  • User:Booster Gold (mga karakter sa komiks)

Walang malisya ang hiling ko dahil may balididad ang mga pagbabago ng mga tatlong kuwenta ayon sa patakaran ng Wikipedia at alam ko na maganda ang intensyon ng tatlong tagagamit: na mag-ambag sa paglaki ng Wikipediang Tagalog. Ngunit, para sa kapakanan ng ating pamayanan, at para sa pagsanggalang ng kalidad ng Wikipedia, kailangan nating resolbahin ang isyung ito. Sa kabuuan, mas marami na ang mga ambag ng tatlong tagagamit kaysa sa mga mas natatag na tagagamit dito. --Sky Harbor 07:38, 12 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sinabi ko na ito sa isang steward: meta:User_talk:Drini#Need_for_for_Steward_powers. Iminungkahi ko ring gawing CheckUser sina Bluemask at Jojit fb dahil sila ang mga pinaka-aktibong Wikipedista at isa rin sa mga iilang qualified (Ito ay dahil sa bagong patakaran ng Wikimedia na ang mga checkuser ay kailangan na higit sa 18 taong gulang at malayang magbibigay ng impormasyon patungkol sa kanilang mga sarili sa Wikimedia.). -- Felipe Aira 13:07, 12 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Hindi ko alam kung may balididad ang batayan sa paggamit ng karapatang CheckUser sa dahilang ito, dahil ito lamang ay imbestigasyon sa identidad ng tatlong tagagamit nang walang akusasyon na sila'y gumawa ng masama. --Sky Harbor 14:16, 12 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Oo nga malaki talaga ang naitutulong nila sa Wikipediang Tagalog. Pero mayroon pa bang ibang paraan upang talagang malaman ang (mga) manggagamit sa likod ng mga panagutang ito at maresolba ang kasong ito? Kung meron nga eh 'di mas maganda. -- Felipe Aira 09:43, 14 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Ang magagawa muna natin ay palawakin ang kung anumang artikulong pinasok ng mga "Bot". Ginawa ko ito sa kaso ng Mau Marcelo at isusunod ko na si Gian Magdangal. Starczamora 06:19, 20 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Ginawa ko ito: Wikipedia:Nominasyon para sa Tagatingin ng Wikipedia Tagalog para magkaroon ng pormal na nominasyon para sa mga tagatingin (checkuser) at para magkaroon na rin ang Wikipedyang Tagalog ng mga tagatingin kung mangyari man ito muli. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 00:51, 9 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Lumalaki na ang Wikipedia

baguhin

Talagang lumalaki na ang Wikipedia at hanggang ngayon ang mga espasyong pambansag (namespaces) ay Ingles pa rin.

Dapat siguro maisalin na ang mga sumusunod:
  1. Talk:Usapan
  2. User:Manggagamit/Tagagamit
  3. User talk:Usapang pangmanggagamit/Usapang pantagagamit
  4. Image:Larawan
  5. Image talk:Usapang panlarawan
  6. MediaWiki talk:Usapang pangMediaWiki
  7. Template:Suleras Ayon sa Wikipedia, pero ayon sa sarili kong talasalitaan ay ito raw ang tagpuan ng dalawang kahoy sa sahig o kisame. Napakalayo naman yata. Saan ba ito nakuha?
  8. Template talk:Usapang pansuleras
  9. Help:Tulong
  10. Help talk:Usapang panulong
  11. Category:Kategorya/Pangkat Ilan sa mga pahinang ganito ay nailipat na noon pa. Para sa akin mas pipiliin ko ang "pangkat" kasi katutubong salita ito at hiniram lamang sa wikang Kastila ang "kategorya" (Iniba lamang ang pagbaybay).
  12. Category talk:Usapang pangkategorya/Usapang pamangkat
Kung magpalit-pangalan man ang wiking ito dahil dito:
  1. Wikipedia:Wikipedya/Wikipidiya Maaari ring Wikipidiya dahil mayroong ilang nagsasabing mas tama raw ito.
  2. Wikipedia talk:Usapang pangWikipedya/Usapang pangWikipidiya

Huwag mag-alala dahil hindi ko kayo inuutusang ilipat ang mga pahinang iyon (ngunit kung gusto niyo akong tulungan maaari rin). Gusto ko lamang makakuha ng pahintulot o tinatawag ring consensus o sang-ayunan mula sa pamayanan ukol sa gagawing kong ito. At kung mapahintulutan man ay ako na mismo ang gagawa nito (pero kung mayroon kayong oras ay tulungan niyo rin ako dahil mahaba-habang trabaho ito).

Dapat sigurong mangyari na ito hanggat maaga pa dahil halos 12,000 na ang ating mga artikulo rito at mas mahihirapan pa tayong gawin ito kapag naka-abot na tayo ng 50,000, 100,000 o isang milyon.

At kung maaari rin na ang mga ginagawang bagong suleras ay pamagatan nang "Suleras:[pangalan ng suleras]" para hindi na madagdagan pa ang mga pahinang kailangan ilipat. Pati na rin ang mga bagong larawan ay gawin na ng mga tagapangasiwang "Larawan:[pangalan ng larawan]" sa proseso kapag mayroong nagkakarga para sa pareho ring dahilan. At patungkol din sa ating panghanap (search engine) kung maaari doon sa mga pinagpipilian sa baba ay maidagdag na ang mga ito para maisama rin sa hahanapin (hanggat maaari huwag muna pong palitan kasi kahit ako naniniwalang mahabang proseso itong sinasabi ko at maraming buwan o taon ang gugugulin para lamang ma-ilipat lahat ng mga pahina at kung papalitan ang mga ito ay baka hindi masama sa mahahanap ang mga inilipat na pahina).

Malugod kong tinatanggap ang kahit anong opinyon ukol dito at kahit maaari ay mag-iwan po kayo ng komentong pagsang-ayon o pagsalungat. -- Felipe Aira 11:29, 14 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sinabay ko na ang mga salin ng mga namespaces sa BetaWiki. Ang mga salin ay ang mga sumusunod:
  1. Talk: Usapan
  2. User: Manggagamit/Tagagamit
  3. User talk: Usapang manggagamit/tagagamit
  4. Image: Larawan
  5. Image talk: Usapang larawan
  6. MediaWiki talk:Usapang MediaWiki
  7. Template:Suleras (mula sa diksyonaryong Sagalongos)
  8. Template talk: Usapang suleras
  9. Help: Tulong
  10. Help talk: Usapang tulong
  11. Category:Kategorya
  12. Category talk:Usapang kategorya
Kung magpalit-pangalan man ang wiking ito dahil dito:
  1. Wikipedia: Wikipedia (Wikipedya sa pagsalin)
  2. Wikipedia talk: Usapang Wikipedia/Wikipedya
Ang mga sumusunod na namespace ay opsyonal:
  1. Portal: Puntahan
  2. Portal talk: Usapang puntahan
Kung may kailangang baguhin, magbigay-suhestyon na! Pero, ang mga pahinang usapan ay naka-pormat nang ganun dahil mas matuwid ito. Kung lalapitan sa pinakamalapit na Wikipedia na may naka-salin na namespace, ang Indones at Malay, ganun rin ang pormat sa kanilang mga namespace. --Sky Harbor 13:56, 14 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
O ngayon pwede ko na bang simulan ang paglilipat? Siguro nga mas mabuti ang sinabi mong suhestyon ukol sa mga pahinang usapan, pero sa tingin ko ay mas mabuti pa rin kung Pangkat at hindi kategorya ang gamitin natin. Kung sumagot man kayo ng oo sisimulan ko na ang paglilipat ng mga pahina maliban na lang sa mga kategorya/pangkat. -- Felipe Aira 10:49, 16 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Tututol ako dito. Habang hindi pa napalitan ang pangalan ng mga namespace sa software, dahil doon iyon pinapalitan, hindi dapat inililipat nang basta-basta ang mga artikulo. Makikilala ang mga pahina bilang mga regular na artikulo, hindi bilang mga pahinang nasa natatanging namespace (tulad ng Help, Wikipedia, atbp.). --Sky Harbor 11:47, 16 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Huwag baguhin ang mga archived pages

baguhin

Napansin ko na may mga pahina na binabago pa kahit archived na ito. Sa mga manggagamit na gustong maglagay ng kanilang komento, maaari lamang po na ilagay sa talk page ng mga archived pages kung gustong sumali sa usapan o magsimula ng bagong diskusyon. Ang mga archived pages ay para sa historical records na lamang, ang pagbabago ng alinmang archived page ay maaaring ikunsidera ng ilan bilang bandalismo, dahil puwedeng magdulot ito ng disrupsyon sa mga usapan o botohan na nakalipas na/naisara na o hindi na aktibo, maraming salamat.

Isa sa mga pahina na nakita kong may pagbabago pa ay ang project page ng Wikipedia:Pagsalin ng mga nilalaman ng Wikipedia na ito sa Filipino. --RebSkii 05:09, 25 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Paano kaya kung gawin nating nakasanggalang ang lahat ng mga inarkibong pahina upang hindi na ito mabago pa? -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 09:48, 19 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Inaanyayahan ko kayo...

baguhin

Inaanyayahan ko kayong makilahok sa mga proyektong Tagalog na Wiktionary at lalong-lalo na sa Wikibooks.

Talagang makakatulong ang isang pamayanang aktibo sa Wikibooks kagaya ng ganito sa Wikipedya. At parang napapansin ko ay wala nang nagbabago ng Wikibooks, at naging pugad ng mga bandalo na rin ito. Kaya muli inaanyayahan ko kayong tumulong sa Wikibooks, isang proyektong Wikimedia na maaari niyong isulat ang mga aklat gawa ninyo mismo (hanggat may-laman), aklat walang karaptang-ari (hl:Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, at iba pang aklat patay na ang may-akda o sobrang luma na), at aklat na pinawalang-bisa ang karapatang-ari o binigyang-pahintulot ang Wikibooks/Wikimediang ilathala ito nang walang bayad sa pampublikong dominyo at internet.

Maaari ring kayong tumulong sa Wikibalita, sa pagsusulat ng mga balita roon o sa pagsang-ayon sa Meta-Wiki na maging isang proyektong ganap ito.

Inaanyayahan ko ring kayong pumunta sa WP:NABALIK, isang pahina para sa pagbabalik-tanaw ng mga napiling artikulo. Siguro kailangan nang i-arkibo ang pahinang ito, humahaba na kasi.

Cadacilaan ng dios

baguhin
mula sa Talk:Cadacilaan ng dios

Pwede po bang mag-request ng mga sipi ng:

1.Ang Cadacilaan ng Dios ni Marcelo H. del Pilar
2.El Verdadero Decalogo ni Apolinario Mabini
3. Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Herminaldo Flores
4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas 

Nag-ambag na po ako ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio —Ang komentong ito ay idinagdag ni Beginnerjc (usapankontribusyon) noong 09:39, 2 Disyembre 2007.

Hindi po nagsisipi ang wikipedia ng mga orihinal na likha, ang mga orihinal na sipi ay ginagamit lamang po dito upang pagbatayan ng mga artikulong isinusulat. Maaaring mong bisitahin ang opisyal na website ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas sa www.nlp.gov.ph[1] at matatagpuan ito sa Kalye Kalaw sa Maynila. --RebSkii 04:45, 3 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Ang edits ni Beginnerjc ay hindi nakikita sa kasaysayan ng pagbabago ng seksyong ito. --RebSkii 04:54, 3 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Maligayang Pasko!!!

baguhin

Sana naman mga admin pakibago naman yung unang pahina, gawin namang malapasko tulad ng ng Napiling Artiko - "Pasko", Larawan - "Parol". Kung kailangan nyo ng tulog kukuha ako ng litrato. --Exec8 11:41, 4 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Magandang ideya.Mananaliksik 10:50, 9 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Ika 15,000 na artikulo

baguhin

Sa bilis ng paglago ng Tagalog Wikipedia aabot na ito sa 15,000 sa loob ng dalawang buwan pa lamang. Ito ay aking napapansin at kinababahala. --Exec8 06:35, 9 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Kapansin pansin nga ang bilis ng pagdami ng mga pahina, subalit karamihan naman ng mga ito ay may kakaunting pangungusap o kaya ay binubuo lamang ng parirala. Nais ko rin dumami ang mga pahina dito subalit hindi na yata natitignan ang kalidad ng mga ginagawang mga artikulo. Mananaliksik 10:49, 9 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Oo nga mga walang halagang artikulo iyon, lalo na dahil isang pangungusap lamang ang nilalaman ng kanilang mga ginawa. Hindi ba ang halaga ng isang artikulo ay magbigay-dunong? Sa tingin niyo, mabibigyan ba kayo ng karunungan kung ang artikulo ay "Si Henry X blah-blah-blah ay isang politiko sa Pilipinas.". Halos lahat ng ating artikulo ay nasa ganiyang banghay at istilo. Napag-isip-isip niyo na ba kung gagawa tayo ng malawakang pagbura (mass deletion) ng mga artikulo kagaya niyon? Kung sa Wikipedyang Ingles iyon na mayroong napakaraming mambubura (deletionists), nabura na iyon lahat. -- Felipe Aira 04:24, 4 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Mga nanalo sa Reyna ng Kagandahan?

baguhin

Kasalukuyang pinapasok ni Wikiboost ang mga nanalo daw sa mga Beauty Contest. Hindi ako eksperto sa ganitong artikulo, ngunit sa tingin ko, hindi ito notable at kailangang burahin. Pero kung notable nga ang mga ito, kailangan siguro lagyan ng sanggunian na suleras. --Jojit (usapan) 09:40, 10 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Sitenotice

baguhin

Baka gusto niyong idagdag dito ito sa MediaWiki:Sitenotice para makita ng lahat pagkapasok pa lamang ng sayt:


Ang kakalabasan niyan ay ganito:

Mayroon ngayong botohan para sa pagiging isang tagatingin at tagapangasiwa, at pagpapalit-pangalan ng Wikipediang ito. Kami rin ay nagsasagawa ngayon ng isang pagbabalik-tanaw sa mga napiling artikulo. Kung hangad mong magbigay-puna o boto pumunta sa: Tagapangasiwa, Tagatingin, Wikipedya at Pagbabalik-tanaw.

Para maging mas mabilis ang mga halalan, botohan at kung ano mang proseso sa Wikipedyang ito, at hindi matulad sa botohan ng Filipino o Tagalog na inabot ng dalawang taon bago isinara. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 20:08, 10 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Wait lang. Bakit kailangang magkaroon ng halalan para sa mga checkuser/tagatingin kung hindi naman ito kinakailangan? May kaso ba tayo dito ng paulit-ulit na bandalismo? Ayon sa patakaran:
Walang balididad ang checkuser dito kung ito lang ay tungkol sa kaso ni Wikiboost. Mas mabuti na lang na may constructive engagement kaysa sa ganitong mga proseso. --Sky Harbor 12:12, 11 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]
Oo nga hindi nga bandalismo ang kanyang ginagawa, pero hindi ba mas maganda kung mayroon tayong checkuser para kung mayroong mangyari mang potential na malawakang bandalismong umiikot sa dalawang tagagamit. Hindi naman ibig sabihing magiging tagatingin sila ay gagamitin nila ang kanilang mga kapangyarihan nang agad-agad. -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 21:12, 11 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]
O kaya hanggang wala pa ring sang-ayunan kung tama ang paghaharap ng isang Tagatingin, heto muna kaya ang gamitin natin.
<small><p style="text-align: center;" id="clan_3">Mayroon ngayong botohan para sa pagiging isang [[Wikipedia:Mga Tagapangasiwa|tagapangasiwa]], at pagpapalit-pangalan ng Wikipediang ito. Kami rin ay nagsasagawa ngayon ng isang pagbabalik-tanaw sa [[Wikipedia:Mga napiling artikulo|mga napiling artikulo]]. Kung hangad mong magbigay-puna o boto pumunta sa: [[Wikipedia:Nominasyon para sa Tagapangasiwa ng Wikipedia Tagalog|Tagapangasiwa]], [[WP:Wikipedya|Wikipedya]] at [[WP:NABALIK|Pagbabalik-tanaw]].</p></small>
Ang kakalabasan niyan ay ganito:

Mayroon ngayong botohan para sa pagiging isang tagapangasiwa, at pagpapalit-pangalan ng Wikipediang ito. Kami rin ay nagsasagawa ngayon ng isang pagbabalik-tanaw sa mga napiling artikulo. Kung hangad mong magbigay-puna o boto pumunta sa: Tagapangasiwa, Wikipedya at Pagbabalik-tanaw.

-- Felipe AiraWikipedyaKalidad 22:56, 15 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Michael Charleston Chua

baguhin

Ni-nominate ko ang artikulong ito para burahin. Hindi naman notable ito. Ihayag ang inyong mga opinyon dito - Wikipedia:Mga artikulong buburahin/Michael Charleston Chua. --Jojit (usapan) 00:52, 13 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Pagdagdag ng mga Wikipedista

baguhin

Ginawa ko ang WikiProyektong ito sa layong paramihin ang mga Wikipedista. Baka gusto ninyong sumali.

Wikipedia:WikiProyekto Pagbati -- Felipe AiraWikipedyaKalidad 14:13, 15 Disyembre 2007 (UTC)[sumagot]

Daang tapatan

baguhin

Gusto ko lang pong malaman ninyong dinagdagan ko po ng isang tapatang daan (shortcut) ang pahinang ito para mas madaling mapuntahan. Binigyan ko na rin ito ng logong mula sa Commons. Sana magustuhan ninyo! -- Felipe Aira 12:07, 19 Nobyembre 2007 (UTC)[sumagot]