Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Mayo 29
- Nanawagan ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamahalaang Myanmar sa pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi makaraang palawigin ng junta militar ng isang taon ang house arrest ng lider oposisyon ng Myanmar.
- Nanumpa bilang bagong pangulo ng Nigeria si Umaru Yar'Adua. Ang dating gobernador ay nagtamo ng landslide na pagkapanalo sa halalang pampanguluhan noong nakaraang buwan, na inilarawan ng nakakaraming foreign observers na di-katanggap-tanggap at napakarumi.
- Nagwagi bilang bagong Miss Universe si Riyo Mori ng Hapon sa ginanap na kompetisyon sa Lungsod ng Mexico. Samantala ang mga runner-ups naman ay sina: Natalia Guimaraes ng Brazil (1st runner-up); Ly Jonaitis ng Venezuela (ika-2 na runner-up);Honey Lee ng Korea (ika-3 na runner-up); at Rachel Smith ng Estados Unidos (ika-4 na runner-up). Si Riyo Mori ang ikalawang Miss Universe mula sa bansang Hapon. Si Akiko Kojima ang kauna-unahang Haponesa at Asyana na nagwagi sa naturang timpalak noong 1959.