Umaapela ang Tsina sa darating na kumperensiya ng G20 sa London na magkaroon ng bagong mas makapangyarihang pananalapi kapalit ng dolyar nang sa gayon ay magkaroon ng pagbabago ng sistema sa krisis pananalapi. (AP Business)
Ninakawan ang pinakamalaking moske ng Venezuela, ayon sa isang tagapamahala ng mga alahas, hiyas, komputador at nag-iwan pa ng mga nakakalat na mga aklat sa sahig. (ET)
Nagbanta ang mga Abu Sayyaf, isang Pilipinong militante, na pupugutan nila ang isa sa tatlong bihag na mga buluntaryo ng Kilusan ng Pulang Krus sa susunod na linggo kung hindi puwersahang iaatras ng pamahalaan ng Pilipinas ang tropang militar sa Jolo, Sulu. (AP)
Pinanawagan ng mga klerigong Arabyano sa kanilang pamahalaan na pagbawalan ang mga babaing may takip ang ulo sa paglitaw sa mga telebisyon. (ET)
Nanganganib na mawalan ng pagkain, pananamit, gamot at tahanan ang may isang milyong residente ng Darfur sa Sudan dahil sa pagpapaalis ng pamahalaan sa mga grupo ng makataong serbisyo. (CNN)
Dahil sa pag-alma sa Hapon sa resesyon sa ekonomiya dulot ng krisis pananalapi, bumaba ang katanyagan ng kanilang punong ministro Taro Aso. (Washington Post)
Sinentensiyahan na ng kasong pagpatay ang ikalawang lalaking pumaslang sa isang pulis sa Hilagang Irlanda. (Guardian.Co.UK)
Halos dumoble na ang bilang ng mga binibitay kumpara sa magkaparehong panahon noong 2007, ayon sa Pandaigdigang Amnestiya ng Hong Kong.
Gumawa ng malaking pagbabago ang Google sa kanilang makina ng paghahanap (search engine) upang mabigyan ng mas maiging serbisyo ang mga gumagamit nito. (Los Angeles Times)