Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Nobyembre 4
- Ipinahayag ng Hilagang Korea noong Martes na nakagawa sila ng maraming Plutonyo para sa mga armas at programang atomiko, na nagbigay ng dagdag presyur sa Estados Unidos na simulan ang diretsong usapan.(PDI)(PhilStar)s
- Kinondena ng Batikano ang desisyon ng Korte ng Karapatang Pantao sa Europa na ipagbawal ang paglalagay ng Krus sa mga silid-aralan sa Italya.(BBC)(PhilStar)
- Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas na si Ronaldo Puno inihayag ang tiwala na hindi na kailangan ng tulong ng ibang bansa sa pagresolba sa pagkakadukot kay Fr. Michael Sinnott.(PhilStar)
- Paaalisin ng bansang Australya at Bagong Selanda ang kani-kanilang embahador sa bansang Fiji bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan ng Punong Ministro ng Fiji na si Frank Bainimarama na paalisin ang mga nasabing embahador.(AFP sa Google)
- Halalan sa Estados Unidos, 2009
- Nagwagi si Michael Bloomberg ng ikatlong termino bilang Punong-Lungsod ng Lungsod ng Bagong York.(Politico)
- Chris Christie inaasahang magwawagi bilang Gobernador ng New Jersey, Estados Unidos.(CNN)
- Bob McDonnell inaasahang magwawagi bilang Gobernador ng Virginia, Estados Unidos, na mayroong 58% nang mga boto sa halalan kahapon kung saan 99% na ang nabibilang.(CNN)