Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 2
- Tala ng mga gagawaran ng Gawad Ramon Magsaysay inilabas na. Mag-asawang Pilipino, tatlong Tsino, isang Bangladeshi at isang Hapon paparangalan. (Ramon Magsaysay Award Foundation) (AP via Google) (ABS-CBN News) (Manila Bulletin)
- Pangulo ng Kuba Raul Castro nangako ng pagluluwag ng kontrol ng estado sa ekonomiya. (BBC) (People's Daily) (Angola Press)
- Labingwalong katao patay sa sunog sa isang panuluyan ng mga retirado sa Timog Aprika. (BBC) (Times Live South Africa)
- Hindi bababa sa 33 katao ang nalunod matapos lumubog ang isang bangka sa Lake Albert sa Uganda. (UPI) (AFP)
- Unyong Europeo nagpahayag na tatapusin na nila ang kanilang misyon para baguhin ang pwersa ng seguridad sa Guinea-Bissau dahil sa lumulubhang sitwasyon sa bansa. (BBC) (News24)
- Pagdinig sa kaso ng pinuno ng oposisyon sa Malaysia na si Anwar Ibrahim sa kaso ng sodomya naantala hanggang sa Agosto 9. (CNN)
- Labing-isang katao patay sa pagsagasa ng isang traktor na minamaneho ng isang lasing, marami pang tao nasagasaan sa Tsina. (Reuters Africa) (BBC) (The Hindu)
- Mga politiko sa Nepal hindi nakapaghalal ng bagong Punong Ministro sa pangatlong pagkakataon matapos walang makakakuha ng mayorya alinman sa mga kandidato. (Kantipur) (BBC) (Indian Express)
- Ilang katao patay sa kasagsagan ng protesta sa Kashmir matapos ang pinakamalalang kontra-pamahalaang kaguluhan sa loob ng dalawang taon. (The Hindu) (BBC)
- Pinuno ng isang grupong nagnanakaw ng mga kotse sa Pilipinas napatay sa Makati. (Philippine Daily Inquirer) (Manila Bulletin) (ABS-CBN News) (GMA News)
- Rusya nahaharap sa bagong banta ng maraming malaking sunog sa mga kagubatan ng bansa. (Boton.com) (AP via Google) (BBC News) (Times of India)
- Hukbong Sandatahan ng Olanda nilisan na ang Apganistan, ang kauna-unahang bansang kaalyado ng NATO na nagpabalik ng hukbo mula sa Apganistan. (CNN) (AP via Google) (BBC News) (Reuters Canada) (Xinhua) (Washington Post)