Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 3
- Anim na bata patay sa pagsabog ng isang kotse na ang inaasinta sana'y ang gobernador ng Distrito ng Kandahar sa Apganistan. (LA Times) (New York Times) (The Star)
- Hindi bababa sa limang pulis nabaril at napatay sa isang tsekpoint sa Baghdad, Irak. (Aljazeera)
- Siyam na katao, kasama na ang kanyang sarili, patay sa isang manggagawa sa isang insidente sa Hartford Distributors Inc sa Connecticut, Estados Unidos. (France24) (Xinhua) (BBC)
- Kotse sumabog sa Derry, Hilagang Irlanda, wala namang nasugatan. (The Guardian) (RTÉ) (The Irish Times)
- Zimbabwe humiling ng paumanhin mula sa mga kinatawan ng Amerika, Alemanya at Unyong Europeo na lumayas sa paglilibing para sa kapatid na babae ni Pangulong Robert Mugabe; mga kinatawan tumangging humingi ng paumanhin. (IOL) (BBC) (News24)
- Iran tinanggihan ang hiling ng Brasil na kalingain si Sakineh Mohammadi Ashtiani, na nahatulan ng kamatayan sa Iran dahil sa pangangalunya. (AP via The Guardian)
- Pitong katao ang nililitis sa Kuwait sa akusasyon ng pang-iespiya para sa Iran laban sa Kuwait at Estados Unidos; mga akusado itinanggi ang akusasyon at sinabing pinahirapan sila para umamin. (BBC)
- Isang prostitute nagpahayag sa paglilitis sa kasong kurapsyon ni Punong Ministro ng Italya Silvio Berlusconi na tumanggap siya nang regalo matapos siyang makasiping sa kama at dalawang iba pa. (The Guardian)
- Kenya nagpakalat ng karagdagang 18,000 mga pulis sa pagdaraaos ng reperendum na magdedesisyon sa kahihinatnan ng potensiyal na bagong Saligang Batas. (Aljazeera)