Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 22
- Punong Ministro Yukio Hatoyama ng Hapon nagpahayag na magbibitiw siya kapag napatunayang tumatanggap siya ng ilegal na mga pondo pampolitika. (Mainichi Shimbun) (UPI)
- Pito pang katao inaresto sa tangkang panununog sa dalawang simbahan at isang paaralan sa Taiping sa estado ng Perak sa Malaysia. (The Star)(The Malaysian Insider)(People's Daily Online)
- Seguridad sa lahat ng paliparan sa Indiya pinaigting matapos ang isang ulat na mayroong planong ihijack ang isang eroplano ng nasabing bansa. (Indian Express) (Al Jazeera) (AFP)
- Bahay ng isang aktibistang kasapi ng oposisyon sa Colombo, Sri Lankabinomba ilang araw bago ang halalan para sa pagkapangulo. (Press Trust of India) (BBC)
- Militanteng Pinoy na kasapi ng Abu Sayyaf pinaniniwalaang namatay sa pag-atake ng Amerika malapit sa hangganan ng Apganistan at Pakistan. (The Long War Journal)(BBC)(Gulf News)