Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 18
- Pansamantalang pinuno ng Kyrgyzstan na si Roza Otunbayeva bumisita sa Osh at sinabing ang bilang ng nasawi sa pinakamalalang paglalabanang etniko sa kanyang bansa ay maaaring aabot na sa 2,000. (Aljazeera)
- Amerikanong politiko na si George J. Mitchell dumating sa Ramallah at agad na nakipagpulong sa Pangulo ng Palestina na si Mahmoud Abbas. (Xinhua) (Aljazeera) (balita.ph)
- Tagapamahala ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi (IMF) na si Dominique Strauss-Kahn nakipagpulong kay Punong Ministro José Luis Rodríguez Zapatero ng Espanya sa Madrid. (Aljazeera)
- Dalawang dating opisyal ng militar ng Ang Gambiya kinasuhan ng umano'y planong pagpapatalsik kay Pangulong Yahya Jammeh noong 2006; (BBC)
- Mga ministro ng pamahalaan ng Indiya muling nagpulong sa unang pagkakataon para muling pag-aralan ang sakuna sa Bhopal noong 1994. (BBC)
- Walong katao ang patay at walo pa ang sugatan sa dalawang pag-atake sa may Abu Ghraib sa kanluran ng Baghdad. (People Daily) (nation.com.pk)
- Nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1998 na si José Saramago mula sa Portugal namatay sa edad na 87. (The Guardian) (BBC) (Deutsche Welle) (CNN)
- Dalawang katao patay sa kasagsagan ng serye ng mga buhawi sa Wadena at Otter Tail County, Minnesota, Estados Unidos. (The New Zealand Herald) (ABC) (Serbia News Channel)