Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 27
- Guniya nagsagawa ng kauna-unahang demokratikong halalan sa kasaysayan ng bansa. (Aljazeera) (The Sydney Morning Herald)
- Kyrgyzstan nagkaroon ng makabuluhang reperendum para sa Saligang-batas na umano'y dulot ng takot na malugmok ang bansa. (Aljazeera) (The Sydney Morning Herald)
- Dalawang mediko mula sa Kanada patay sa Apganistan, namatay sila mga dalawampung kilometro sa kanluran ng lungsod ng Kandahar sa Distrito ng Panjwaii. (Vancouver Sun)
- Dalawang babae ang pinatay at itinapon ang katawan sa isang kanal. Tatlong suspek nahuli matapos matagpuan ang mga katawan mula sa kanal ng kanlurang Yamuna malapit sa Barwasni. (The Hindu)
- Lungga ng mga Taliban sa mataas na bahagi ng Ahensiya ng Orakzai binayo ng eroplanong pandigma, labing-apat na Taliban patay, walo pa sugatan. (Dialy Times PK)
- Dalawampu't limang katao patay, 44 pa nasugatan sa aksidente sa lansangan sa Bulibya sa pagitan ng Cochabama at Potosí. (China Dialy)
- Italya naghihintay sa kalalabasan ng pagdinig sa kaso na maaaring makapagpakulong sa matandang tagapayo ni Punong Ministro Silvio Berlusconi sa loob ng labing-isang taon na si Marcello Dell'Utri. (The Independent)
- Limang katao patay sa pagsabog sa isang minahan ng uling sa Nagsasariling Rehiyon ng Ningxia Hui sa Tsina. (China Dialy)
- Mga makakalikasan sinisisi ang politika ng Hong Kong sa pagpigil sa mga hakbangin na malinis ang hangin ng lungsod. (The Sydney Morning Herald)
- Isang helikopter bumagsak sa Borneo, pilotong Amerikano patay. (Peope Daily) (Mail Tribune) (Hindustan Times) (AP via Google)
- Pitong Briton kasama sa 39 na nasugatan sa banggaan ng dalawang bangkang pangturista sa Thailand. (ABC News) (Asia One) (Sydney Morning Herald) (Press Association via Google)