Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 3
- Hindi bababa sa 20 katao ang patay at animnapu ang sugatan sa marahas na labanan sa pagitan ng mga hukbo ng pamahalaan at mga militanteng Islam sa Mogadishu ang kabisera ng bansa. (CNN) (BBC) (Sify)
- Christian Wulff iminungkahi ni Kansilyer Angela Merkel bilang Pangulo ng Alemanya. (Bloomberg)
- Tagapagtatag ng separatistang kilusan ng Aceh, Indonesya na si Teungku Hasan Muhammad di Tiro, namatay noong Huwebes sa edad na 85. (The Jakarta Post) (The Canadian Press via Google) (AFP via Google)
- Tatlong pinaghihinalaang mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan napatay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa isang labanan sa Taysan, Batangas. (PhilStar) (People Daily) (ABS-CBN News) (GMA News)
- Nanawagan si Pangulong René Préval ng Hayti habang nagsasalita sa Republikang Dominikana sa donante na ibigay ang mga pangako nilang tulog sa isang pagpupulong sa Estados Unidos noong Marso kasunod ng Lindol sa Hayti noong 2010 dahil Brasil lamang umano nag nagbibigay pa ng pangako nitong $55 milyon. (Aljazeera)
- Tatlong katao ang arestado matapos malaang mali ang ikinulong nila sa loob ng labing-isang taon sa Lungsod ng Shangqiu. (Sina) (CRI)
- Isang hukom at isang kawani binaril at napatay sa Law Courts ng Brussels, ang pangunahing hukuman sa kabisra ng Belhika. (BBC) (B92) (AFP) (Xinhua)
- Bilang nang namatay sa pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng pag-uulan sa Nagsasariling Rehiyon ng Guangxi Zhuang sa timog Tsina umabot na sa 44. (Xinhuanet)
- Nangungunang makakanang aktibista sa Konggo na si Floribert Chebeya natagpuang patay sa kanyang kotse matapos ipatawag sa isang pagpupulong kasama ang pinuno ng mga pulis. (BBC) (IOL) (news24.com) (Reuters) (The Washington Post)