Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 26
- Hindi bababa sa siyam na katao ang patay at mahigit labingwalo pa ang sugatan sa pambobomba sa kabisera ng Apganistan na Kabul. (Reuters)(Times of India)(New York Times)
- Kahina-hinalang kahon natagpuan sa Embahada ng Israel sa Dublin, Irlanda. (RTÉ)
- Hindi bababa sa 16 katao namatay sa pagtatakbuhan sa pangunahing moske sa lungsod ng Timbuktu, hilagang-kanlurang bahagi ng Mali. (Reuters South Africa)(BBC)(Al Jazeera)
- Kataas-taasang Hukuman ng Burma ibinasura ang apela nang nakakulong na pinuno ng Pambansang Liga para sa Demokrasya na si Aung San Suu Kyi laban sa dagdag na 18 buwan sa pagkakaaresto. (Times of India)(CBC) (MSN Philippines)
- Opisyal ng ahensiya ng balita ng Hilagang Korea, KCNA, ipinahayag ang pagkakakulong sa bansa ng apat na taga Timog Korea dahil sa paglampas nito sa hangganan ng bansa. (Yonhap)(KCNA)(Al Jazeera)