Buksan ang pangunahing menu


Timbuktu ( /ˌtɪmbʌkˈt/) (Mga wikang Berber: ⵜⵏⴱⴾⵜⵓ, ⵜⵉⵏⴱⵓⴽⵜⵓ; Pranses: Tombouctou; Koyra Chiini: Tumbutu) ay isang sinaunang lungsod sa Mali, na nakatayo sa 20 kilometro (12 milya) hilaga ng Ilog Niger. Ang bayang ito ay kabisera ng Rehiyon ng Timbuktu, isa sa walong administratibong rehiyon ng Mali. Ito ay may populasyon na 54,453 sa senso noong 2009.

Timbuktu

Tinbuktu (ⵜⵉⵏⴱⵓⴽⵜⵓ) / Tombouctou

Timbuctoo
Lungsod
Transkripsyong  
 • Koyra Chiini:Tumbutu
Madrasang Sankore sa Timbuktu
Madrasang Sankore sa Timbuktu
Mapang nagpapakita ng pangunahing trans-Saharang rutang karaban sirka 1400. Ipinapakita rin ang Imperyong Ghana (hanggang sa ika-13 siglo) at ika-13 – ika-15 siglong Imperyong Mali. Tandaan ang kanlurang ruta na bumabagtas mula sa Djenné sa pamamagitan ng Timbuktu patungo sa Sijilmassa. Kasalukuyang Niger sa dilaw.
Mapang nagpapakita ng pangunahing trans-Saharang rutang karaban sirka 1400. Ipinapakita rin ang Imperyong Ghana (hanggang sa ika-13 siglo) at ika-13 – ika-15 siglong Imperyong Mali. Tandaan ang kanlurang ruta na bumabagtas mula sa Djenné sa pamamagitan ng Timbuktu patungo sa Sijilmassa. Kasalukuyang Niger sa dilaw.
BansaMali
RehiyonTombouctou Region
CercleTimbuktu Cercle
SettledIka-5 siglo BK
Pamahalaan
 • AlkaldeHallé Ousmane
Taas
261 m (856 ft)
Populasyon
 (2009)[1]
 • Kabuuan54,453
ClimateBWh
*
UNESCO World Heritage Site
Uri {{{Type}}}
Pamantayan Cultural: ii, iv, v
Sanggunian 119
Rehiyon {{{Region}}}
Kasaysayan ng Pagtatala
Pagtatala 1988  (12th Sesyon)
Nanganganib 1990-2005; 2012-kasalukuyan
* Pangalan ayon sa pagkakatala sa Talaan ng mga Pamanang Pandaigdig.
Rehiyon ayon sa pagtatalaga ng UNESCO.

Nagsimula bilang isang pana-panahon na paninirahan, ang Timbuktu ay naging permanenteng paninirahan sa maagang ika-12 siglo. Pagkatapos ng paglilipat ng mga ruta ng kalakalan, lumago ang Timbuktu mula sa kalakalan sa asin, ginto, garing at mga alipin. Naging bahagi ito ng Imperyong Mali noong unang bahagi ng ika-14 siglo. Sa unang kalahati ng ika-15 siglo, sandaling sinakop ng mga tribung Tuareg ang lungsod hanggang nilupig ng lumalawak na Imperyong Songhai ang lungsod noong 1468. Tinalo ng isang hukbong Morokano ang Songhai noong 1591 at pinangalan ang Timbuktu, sa halip na Gao bilang kanilang kabisera. Nagtatag ang mga manlulupig ng bagong naghaharing uri, ang Arma, na pagkatapos ng 1612 ay naging halos malaya mula sa Moroko. Gayunpaman, natapos na ang ginintuang edad ng lungsod, na kung saan isang sentro ng kaalaman at kultura ito ng Imperyo ng Mali, pumasok ito sa mahabang panahon ng paghina. Pinamamahalaan ang iba't ibang mga tribo hanggang sinakop ito ng mga Pranses noong 1893, isang sitwasyon na tumagal hanggang naging bahagi ito ng kasalukuyang Republika ng Mali noong 1960. Sa kasalukuyan, mahirap ang Timbuktu at nagdudusa ito sa desertipikasyon.

Sa kanyang Ginintuang Edad, ang mararaming mga iskolar ng Islam at malalawak na kalakalan ng bayan ay naging sanhi ng mahalagang kalakalan sa aklat: kapiling ang mga kampus ng Madrasang Sankore, isang Islamikong unibersidad, itinatag ang Timbuktu bilang isang sentro ng mga iskolar sa Aprika. Inilarawan ng maraming tanyag na makasaysayang manunulat, tulad ni Shabeni at Leo Africanus ang Timbuktu. Dahil sa mga kwentong ito, lumakas ang mga haka-haka sa Europa, kung saan umiba ang reputasyon ng lungsod mula sa pagiging napakamayaman papunta sa pagiging mahiwaga.

ToponomiyaBaguhin

 
Timbuktu naghararap sa kanluran, René Caillié (1830)
 
Tanawin ng Timbuktu, Heinrich Barth (1858)

Sa paglipas ng mga siglo, nagkaiba-iba ang pagbabaybay ng Timbuktu: mula sa Tenbuch sa Atlas Catalano (1375), papunta sa Thambet mula sa manlalakbay na si Antonio Malfante, na ginamit sa isang liham na isinulat niya noong 1447 at pinagtibay din ni Alvise Cadamosto sa kanyang Voyages of Cadamosto, papunta sa Timbúktu ni Heinrich Barth at Timbu'ktu. Madalas lumilitaw ang Pranses na pagbabaybay sa internasyonal na sanggunian bilang "Tombouctou". Bukod sa kanyang pagbabaybay, bukas pa rin sa talakayan ang toponomiya ng Timbuktu.[2] Inilarawan ang hindi bababa sa apat na posibleng pinagmulan ng pangalan ng Timbuktu:

  • Pinagmulang Songhai: naniwala si Leo Africanus at Heinrich Barth na nagmula ang pangalan mula sa dalawang salitang Songhai:[2] Isininulat ni Leo Africanus na pinangalanan ang Kaharian ng Tombuto mula sa isang bayan na kapangalan, na itinatag noong 1213 o 1214 ni Mansa Suleyman.[3] Binubuo ang salita mismo ng dalawang bahagi: tin (pader) at butu (Pader ng Butu). Hindi ipinaliwanag ni Africanus ang kahulugan ng Butu.[2] Sinulat ni Heinrich Barth: "Ganoon ang itinawag sa bayan, sapagkat ito ay orihinal na binuo sa isang guwang o lukab sa mga burol ng buhangin. Ang Tùmbutu ay nangangahulugang butas o sinapupunan sa wikang Songhai: kung ito ay isang Temáshight ( Tamasheq) na salita, Tinbuktu dapat ang pagsulat. Karaniwang binibigyang-kahulugan ang pangalan ng mga Europeo pati na rin ng Buktu (ang katumbas na salita sa Persyano ay bâkhtàr باختر = kung saan lumulubog ang araw, Kanluran), ngunit walang kinalaman ang tin sa well.[4]
  • Pinagmulang Berber: Nagmumungkahi ang Malyanong mananalaysay na si Sekene Cissoko ng iba't ibang etimolohiya: nagbigay ang mga Tuareg na tagapagtatag ng lungsod ng isang pangalang Berber sa siyudad, isang salita na binubuo ng dalawang bahagi: tim, ang pambabaeng anyo ng In (lugar ng) at bouctou, isang maliit na burol ng buhangin. Dahil dito, nangangahulugang ang Timbuktu na "lugar na napapalibutan ng maliliit na burol ng buhangin".[5]
  • Naglahad si Abd al-Sadi ng ikatlong paliwanag sa kanyang ika-17 na siglo na Tarikh al-Sudan: "Ginawa itong isang depot ng mga Tuareg para sa kanilang mga gamit at mga probisyon, at naging isang sangang daan ito para sa mga manlalakbay na parating at papunta. Ang nag-aasikaso sa kanilang pag-aari ay babaeng alipin na tinawag nilang Tinbuktu, na nangangahulugan sa kanilang wika na [ang may isang] 'bukol'. Ang pinagpalang lugar kung saan siya nagkampo ay ipinangalanan sa kanya."[6]
  • Ibinahagi ng Pranses na dalubhasa sa Silangan na si René Basset ng isa pang teorya: ang pangalan ay nagmumula sa ugat Zenaga na bkt, na nangangahulugang "upang maging malayo" o "nakatago", at ang pambabaeng pananong na katagang lata. Maaaring tumutukoy ang kahulugang "nakatago" sa lokasyon ng lungsod sa isang bahagyang guwang.[7]

Nakasalalay ang katumpakan ng mga teoryang ito sa pagkakakilanlan ng mga orihinal na tagapagtatag ng lungsod: kamakailan lamang noong 2000, hindi natagpuan ng mga pananaliksik-arkeolohikal ang mga labing pinepetsa mula sa ika-11/ika-12 siglo sa loob ng mga limitasyon ng modernong lunsod na nagpapahirap sa paghuhukay ng mga metro ng buhangin na naglibing sa labi sa nakalipas na mga siglo.[8][9] Nang walang pinagkaisahan, nananatiling hindi maliwanag ang etimolohiya ng Timbuktu.

PrehistoryaBaguhin

Tulad ng iba pang mga mahalagang medyebal na bayan sa Kanlurang Aprika tulad ng Djenné (Jenné-Jeno), Gao, at Dia, nadiskubre ang mga paninirahan mula sa Panahon ng Bakal malapit sa Timbuktu na nauna ang tradisyonal na petsang pagtatatag ng bayan. Kahit na hinadlang ng akumulasyon ng makakapal na buhangin ang arkeolohikong paghuhukay sa bayan mismo,[10][9] umiimpis ang ilan sa mga nakapalibot na paysahe at naglalantad ng mga piraso ng palayukan sa ibabaw. Nagpakilala ang isang pagsisiyasat sa lugar nina Susan at Roderick McIntosh noong 1984 sa ilang mga lugar ng Panahong Bakal sa kahabaan ng el-Ahmar, isang sistemang wadi na nasa ilang kilometro sa silangan ng modernong bayan.[11]

Hinukay ang isang Panahong Bakal na tell complex na natagpuan 9 kilometrong (6 milya) timog-silangan ng Timbuktu malapit sa Wadi el-Ahmar noong pagitan ng 2008 at 2010 ng mga arkeologo mula sa Pamantasang Yale at ng Mission Culturelle de Tombouctou. Nagpapahiwatig ang mga resulta na unang inookupahan ang lugar sa panahon ng ika-5 siglo BK, lumago sa buong ikalawang kalahati ng ika-1 milyeno PK at sa huli ay bumagsak sa mga huli ng ika-10 o unang bahagi ng ika-11 siglo PK.[12][13]

KasaysayanBaguhin

Naging isang rehiyonal na sentro ng kalakalan ang Timbuktu noong mga panahong medyebal, kung saan nagkasalubong ang mga karaban upang makipagpalitan ng asin mula sa Ilang Sahara para sa ginto, garing, at mga alipin mula sa Sahel, na maaaring naabutan sa pamamagitan ng malapit na Ilog Niger. Dumami ang populasyon (populasyon noong 2018: 32,460) mula sa 10,000 sa ika-13 siglo hanggang sa halos 50,000 sa ika-16 na siglo pagkatapos ng pagtatayo ng isang pangunahing unibersidad ng Islam, na umakit sa mga iskolar mula sa buong mundong Muslim. Noong siglong 1600, ang isang kombinasyon ng pagpurga ng isang monarkang inakusahan ang mga iskolar ng "pagtataksil" at paghina sa pangangalakal na dulot ng mas mataas na kumpetisyon mula sa mga bagong mga ruta sa paglayag sa Atlantiko ay naging sanhi ng dalisdis ng lungsod. Hindi dumating ang unang Europeong umabot sa Timbuktu, si Alexander Gordon Laing, hanggang 1826, at noong dekada 1890 lamang isinama nang pormal ang Timbuktu sa kolonyang Pranses ng Mali. Ngayon, nananatili pa rin ang lungsod, ngunit hindi ganoong mahalaga sa heopolitikal na aspeto tulad ng dati.

HeograpiyaBaguhin

Ang Timbuktu ay matatagpuan sa timog gilid ng Sahara 15 kilometro (9 milya) sa hilaga ng pangunahing kanal ng Ilog Niger. Napapalibutan ang bayan ng burol ng buhangin at tinatakpan ang mga kalye ng buhangin. Ang daungan ng Kabara ay 8 kilometro (5 milya) mula sa timog ng bayan at konektado sa isang braso ng ilog sa pamamagitan ng isang kanal na 3 kilometro (2 milya). Lubhang nabanlikan ang kanal ngunit noong 2007 dinagrahan ito bilang bahagi ng isang proyektong pinondohan ng Libyano.[14]

Ang taunang baha ng Ilog Niger ay bunga ng mabigat na pag-uulan sa mga pinanggaling ng mga ilog Niger at Bani sa Ginea at sa hilagang Côte d'Ivoire. Inaabot ang tugatog ng dami ng ulan sa mga lugar na ito sa Agosto ngunit nangangailangan ng oras ang tubig-baha upang makapasa sa sistema ng ilog at sa pamamagitan ng Panloob na Delta ng Niger. Sa Koulikoro, 60 kilometro (37 milya) ilawod mula sa Bamako, inaabot ang taluktok ng baha sa Setyembre, [15] habang sa Timbuktu mas tumatagal ang baha at karaniwan ay umaabot sa rurok sa katapusan ng Disyembre.[16]

Dati, mas malawak ang lugar na lubog sa tubig ng ilog at sa mga taon na may mataas na pag-ulan, umaabot ang tubig-baha sa kanluran ng labas ng Timbuktu mismo.[17] Ipinapakita ang isang maliit na sapa sa kanluran ng bayan sa mga mapa na inilathala ni Heinrich Barth noong 1857[18] at Félix Dubois noong 1896.[19] Sa kalagitnaan ng 1917 at 1921, sa panahong kolonyal, ipinanghukay ng Pranses ang mga alipin sa paggawa ng makitid na kanal na nag-uugnay sa Timbuktu at Kabara.[20] Sa paglipas ng mga sumusunod na dekada, nabanlikan ito at napuno ng buhangin, ngunit noong 2007 bilang bahagi ng proyekto ng pagdraga, muling hinukay ang kanal upang maging konektado muli sa Kabara ang Timbuktu kapag bumaha ang Ilog Niger.[14][21] Ipinangako ng Malyanong gobyerno na matutugunan ang mga problema sa disenyo ng kanal dahil kulang sa kasalukuyan ang mga tulay at pinapahirapan ang pagpunta sa tubig ng matarik at di-matatag na pampang.[22]

Maaari lamang gumana ang Kabara bilang isang daungan mula Disyembre hanggang Enero kung puno sa baha ang ilog. Kapag mas mababa ang lebel ng tubig, dumadaong ang mga bangka sa Korioumé na nakaugnay sa Timbuktu sa pamamagitan ng 18 kilometrong (11 milyang) kalsadang aspaltado.

KlimaBaguhin

Nagtatampok ang Timbuktu ng isang mainit na klimang disyerto ayon sa Pag-uuri ng Klima ng Köppen. Napakainit ang panahon at tuyo halos buong taon. Mas mataas ang antas ng pagkakaiba-iba ng temperaturang diurnal sa taglamig kaysa sa tag-init. Lumalampas sa 40 °C (104 °F) ang karaniwang pinakamataas na temperaturang pang-araw-araw sa mga pinakamainit na buwan ng taon – Abril, Mayo at Hunyo. Nagaganap ang pinakamababang temperatura sa panahon ng taglamig ng Hilagang emisperyo – Disyembre, Enero at Pebrero. Gayunpaman, hindi bumaba ang karaniwang pinakamataas na temperatura sa 30 °C (86 °F). Nailalarawan ang mga buwan ng taglamig na ito bilang isang tuyo at maalikabok na hanging kalakalan mula sa Rehiyong Tibesti ng Sahara patungong timog sa Gulpo ng Ginea: kung saan kumuha ang mga ito ng tinga ng alikabok habang dumadaan, hinahadlang ng mga hanging ito ang kakayahang makakita na pinangalang 'Harmattan Haze'.[23] Bukod pa rito, kapag nananatili sa lunsod ang alikabok, umiipon ang buhangin at nagkakaroon ng desertipikasyon.[24]

Malak ng kapanahunan sa Timbuktu (1950–2000, mga kaduluhan 1897–kasalukuyan)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Sukdulang taas °S (°P) 41.6
(106.9)
43.5
(110.3)
46.1
(115)
48.9
(120)
49.0
(120.2)
49.0
(120.2)
46.0
(114.8)
46.5
(115.7)
45.0
(113)
48.0
(118.4)
42.5
(108.5)
40.0
(104)
49.0
(120.2)
Balasaking taas °S (°P) 30.0
(86)
33.2
(91.8)
36.6
(97.9)
40.0
(104)
42.2
(108)
41.6
(106.9)
38.5
(101.3)
36.5
(97.7)
38.3
(100.9)
39.1
(102.4)
35.2
(95.4)
30.4
(86.7)
36.8
(98.2)
Balasaking baba °S (°P) 13.0
(55.4)
15.2
(59.4)
18.5
(65.3)
22.5
(72.5)
26.0
(78.8)
27.3
(81.1)
25.8
(78.4)
24.8
(76.6)
24.8
(76.6)
22.7
(72.9)
17.7
(63.9)
13.5
(56.3)
21.0
(69.8)
Sukdulang baba °S (°P) 1.7
(35.1)
7.5
(45.5)
7.0
(44.6)
8.0
(46.4)
18.5
(65.3)
17.4
(63.3)
18.0
(64.4)
20.0
(68)
18.9
(66)
13.0
(55.4)
11.0
(51.8)
3.5
(38.3)
1.7
(35.1)
Balasaking pag-ulan mm (dali) 0.6
(0.024)
0.1
(0.004)
0.1
(0.004)
1.0
(0.039)
4.0
(0.157)
16.4
(0.646)
53.5
(2.106)
73.6
(2.898)
29.4
(1.157)
3.8
(0.15)
0.1
(0.004)
0.2
(0.008)
182.8
(7.197)
Araw ng balasaking pag-ulan (≥ 0.1 mm) 0.1 0.1 0.1 0.6 0.9 3.2 6.6 8.1 4.7 0.8 0.0 0.1 25.3
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 263.9 249.6 269.9 254.6 275.3 234.7 248.6 255.3 248.9 273.0 274.0 258.7 3,106.5
Sanggunian #1: World Meteorological Organization,[25] NOAA (sun 1961–1990)[26]
Sanggunian #2: Meteo Climat (record highs and lows)[27]

EkonomiyaBaguhin

Pangangalakal ng asinBaguhin

 
Karabang asin ng Azalai, kalagitnaan ng Disyembre 1985.

Nakasalalay ang kayamanan at pag-iral ng Timbuktu sa posisyon nito bilang katimugang dulo ng isang mahalagang trans-Saharanong ruta ng kalakalan; sa kasalukuyan, ang tanging mga kalakal na karaniwang indinadaan sa disyerto ay mga tilad ng asing bato na dinala mula sa sentrong minahan ng Taoudenni sa kalagitnaang Sahara 664 kilometro (413 milya) hilaga ng Timbuktu. Hanggang sa ikalawang kalahati ng ika-20 siglo karamihan ng mga tilad ay idinala sa pamamagitan ng mga malalaking karaban ng asin o azalai, na umaalis ng Timbuktu sa unang bahagi ng Nobyembre at ang iba pa sa mga katapusan ng Marso.[28]

Umabot ng tatlong linggo ang mga karaban ng ilang libong mga kamelyo sa bawat daan, na nagdadala ng pagkain sa mga minero at nagbabalik na may apat o lima na 30 kilogramong (66 Ib) tilad ng asin sa bawat kamelyo. Halos kontrolado ang transportasyon ng asin ng mga taong pagala-gala sa ilang ng tribong Berabich (o Barabish) na nagsasalita ng Arabe.[29] Bagaman walang mga kalsada, kadalasang inihahatid mula sa Taoudenni ang mga tilad ng asin sa pamamagitan ng trak.[30] Mula sa Timbuktu inihahatid ang asin sa pamamagitan ng bangka patungo sa ibang mga bayan ng Mali.

Sa kalagitnaan ng ika-12 at ika-14 na siglo, lumaki ang populasyon ng Timbuktu dahil sa pag-agos ng mga Tuareg, Fulani, at Songhai na naghahanap ng kalakalan, seguridad, o edukasyon. Noong 1300, naging 10,000 ang populasyon at tumaas nang tumaas ito hanggang sa inabutan nito ang halos 50,000 sa siglong 1500.[31]

AgrikulturaBaguhin

Hindi sapat ang pag-ulan sa rehiyon ng Timbuktu para sa agrikulturang nakadepende sa ulan at samakatuwid iniiriga ang mga pananim gamit ang tubig mula sa Ilog Niger. Bigas ang pangunahing pananim. Ayon sa kaugalian, itinatanim ang Aprikanong bigas na lumulutang (Oryza glaberrima) sa mga rehiyon na malapit sa ilog na nababaha sa panahon ng taunang baha. Naihahasik ang buto sa simula ng tag-ulan (Hunyo-Hulyo) upang nasa 30 hanggang 40 sentimentro (12 hanggang 16 na pulgada) na ang mga halaman kapag dumating ang tubig mula sa baha.[32]

Lumalaki ang mga halaman hanggang 3 metro (9.8 feet) habang tumataas ang antas ng tubig. Ipinang-ani ng bigas ang kanue sa Disyembre. Alanganin ang pamamaraan at mababa ang mga ani ngunit may kalamangan ang paraan sa liit na kinakailangang puhunan. Nakadepende ang matagumpay na pananim sa dami at oras ng pag-ulan sa tag-ulan at sa taas ng baha. Sa limitadong saklaw maaaring kontrolin ang pagdating ng tubig sa baha ng pagtatayo ng mga maliliit na dike na gawa sa putik na nagiging lubog habang tumataas ang antas ng tubig.

Kahit na nilinang pa rin ang oryza glaberrima sa Timbuktu Cercle, itinatanim ngayon ang karamihan ng bigas sa tatlong malalaking lugar na medyo irigado na patimog ng bayan: Daye (392 ha), Koriomé (550 ha) at Hamadja (623 ha).[33] Iniigib ang tubig mula sa ilog gamit ang sampung malalaking tornilyong Archimedes na kinabit noong dekada 1990. Pinapatakbo ang mga irigado na lugar bilang mga kooperatiba na may humigit-kumulang na 2,100 pamilya na nagsasaka ng maliliit na kapirasong lupa.[34] Kinakain ang halos lahat ng bigas na ginawa ng mga pamilya mismo. Medyo mababa pa rin ang mga ani at hinihikayat ang mga magsasaka na baguhin ang kanilang mga kasanayan sa agrikultura.[35]

TurismoBaguhin

Binibisitahan ang Timbuktu ng karamihan ng mga turista sa gitna ng Nobyembre at Pebrero kung kailan mas mababa ang temperatura ng hangin. Noong dekada 1980, naglaan ng tuluyan para sa konting turista ang dalawang maliit na hotel: Hotel Bouctou at Hotel Azalaï.[36] Sa paglipas ng mga sumusunod na dekada tumaas ang mga numero ng turista kaya noong 2006 may pitong maliliit na hotel at bahay-panuluyan.[33] Nakinabang ang bayan sa kita mula sa CFA 5000 na buwis sa turista,[33] pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamlang at sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa mga gabay.

Mga atakeBaguhin

Simula noong 2008, nagsimulang dumukot ang Samahang Al-Qaeda sa Islamikong Magreb ng mga grupo ng mga turista sa rehiyong Sahel.[37] Noong Enero 2009, apat na mga turista ang dinukot malapit sa hangganan ng Mali at Niger matapos silang dumalo sa kultural na pagdiriwang sa Anderamboukane.[38] Pinatay ang isa sa mga turista.[39] Bilang resulta nito at iba't iba pang mga insidente, nagsimulang magpayo ang ilang mga estado kabilang ang Pransya,[40] Bretanya [41] at ang US,[42] sa kanilang mga mamamayan na iwasan ang paglalakbay malayo sa Bamako. Bumaba bigla ang bilang ng mga turista na bumibisita sa Timbuktu mula sa 6000 sa 2009 hanggang naging 492 lamang sa unang apat na buwan ng 2011.[36]

Dahil sa mga kinatatakutan sa seguridad, inilipat ng gobyernong Mali ang 2010 Pista sa Ilang mula sa Essakane papunta sa labas ng Timbuktu.[43][44] Noong Nobyembre 2011, sinalakay ng mga mamamaril ang mga turista na naninirahan sa isang otel sa Timbuktu, kung saan pinatay ang isa sa kanila at dinukot ang iba pang tatlo.[45][46] Ito ang unang insidente ng terorista sa Timbuktu mismo.

Noong Abril 1, 2012, isang araw pagkatapos ng pagbihag ng Gao, nabihag ang Timbuktu mula sa militar ng Mali ng mga rebeldeng Tuareg ng MNLA at Ansar Dine.[47] Pagkalipas ng limang araw, idineklara ng MNLA ang rehiyon na magkahiwalay sa Mali bilang bansa ng Azawad.[48] Hindi kinikilala ang ipinahayag na pampulitikang entidad ng anumang mga rehiyonal na nasyon o ng internasyonal na komunidad at bumagsak ito pagkatapos ng tatlong buwan sa Hulyo 12. [49]

Noong Enero 28, 2013, nagsimulang bawian ang Timbuktu ng mga kawal ng gobyerno ng Pransya at Mali mula sa mga rebeldeng Islamista.[50] Binawi ng puwersa ng 1,000 Pransyang sundalo na may kasamang 200 sundalong taga-Mali ang Timbuktu nang walang labanan. Tumakas na ang mga grupo ng Islamista sa hilaga nang ilang araw bago nito, habang sinunog ang Suriang Ahmed Baba, na nagtataglay ng maraming mahahalagang manuskrito. Pinondohan ng Timog Aprika ang gusaling nagtaglay ng Suriang Ahmed Baba, at nagtaglay ng 30,000 manuskrito. IIniulat ng BBC World Service radio news noong ika-29 ng Enero 2013 na inalis ang humigit-kumulang 28,000 ng mga manuskrito para sa kaligtasan mula sa lugar bago ang pag-atake ng mga grupong Islamista, at hindi alam ang kinaroroonan ng mga 2,000 manuskrito.[51] Nilayon ito upang maging mapagkukunan para sa pananaliksik sa Islam.[52]

Noong 30 Marso 2013, sumalingit ang mga rebeldeng jihadista sa Timbuktu siyam na araw bago ang isang pagbombang pagpapatiwakal sa isang tsekpoint ng hukbong Mali sa internasyonal na paliparan na nagpatay sa isang kawal. Tumagal ang pakikipaglaban hanggang Abril 1, nang tulungan ng mga Pransyang eroplano ang mga pwersang lupa ng Mali sa paghahabol ng mga natitirang rebelde sa sentro ng lungsod.

Mga maagang salaysayBaguhin

Tumulong ang mga kwento ng katangi-tanging kayamanan ng Timbuktu sa paggalaw ng Europang paggalugad sa kanlurang baybayin ng Aprika. Kabilang sa mga pinakasikat na paglalarawan ng Timbuktu ay ang mga paglalarawan ni Leo Africanus at Shabeni.

Leo AfricanusBaguhin

Marahil na ang pinakasikat sa mga salaysay na nakasulat tungkol sa Timbuktu ay ang ginawa ni Leo Africanus. Ipinanganak bilang si El Hasan ben Muhammed el-Wazzan-ez-Zayyati sa Granada noong 1485, kabilang ang kanyang pamilya sa libu-libong Muslim na pinalayas ni Haring Ferdinand at Reyna Isabella matapos ang kanilang muling pagsakop ng Espanya noong 1492. Nanirahan sila sa Moroko, kung saan nag-aral siya sa Fes at sinamahan ang kanyang tiyuhin sa diplomatikong misyon sa buong Hilagang Aprika. Sa mga paglalakbay na ito, binisita niya ang Timbuktu. Bilang isang kabataang lalaki, nahuli siya ng mga pirata at ipinakilala bilang isang napakatalisik na alipin kay Papa Leo X, na nagpalaya sa kanya, bininyagan siya sa ilalim ng pangalang "Johannis Leo de Medici", at inatasan siya na magsulat, sa Italyano, isang detalyadong pagsuri ng Aprika. Nagbigay ang kayang mga salaysay ng karamihan ng kaalaman ng mga taga-Europa tungkol sa kontinente sa ilan ng mga sumunod na siglo.[53] Naglalarawan ng Timbuktu nang nasa taas ang Imperyong Songhai, kinabibilangan sa Ingles na edisyon ng kanyang aklat ang paglalarawang:

The rich king of Tombuto hath many plates and sceptres of gold, some whereof weigh 1300 pounds. ... He hath always 3000 horsemen ... (and) a great store of doctors, judges, priests, and other learned men, that are bountifully maintained at the king's cost and charges. [Mayroong mararaming gintong plato at setro ang mayamang hari ng Tombuto, iilan ay may timbang na 1300 libra. ...Palagi siyang mayroong 3000 na mangagabayo ... (at) labis na reserba ng doktor, hukom, pari, at iba pang dalubhasang tao, na saganang pinapanatili sa gastos at gulgol ng hari.]

Ayon kay Leo Africanus, mayroong maraming panustos ng lokal na mais, baka, gatas at mantikilya, bagama't walang mga hardin ni mga lagwerta na pumalibot sa lungsod.[54] Sa isa pang sipi na nakatuon sa paglalarawan ng kayamanan ng kapaligiran at ng hari, binanggit ni Africanus ang pagkapambihira ng isa sa mga kalakal ng Timbuktu: asin.

The inhabitants are very rich, especially the strangers who have settled in the country [..] But salt is in very short supply because it is carried here from Tegaza, some 500 mile (805 km) from Timbuktu. I happened to be in this city at a time when a load of salt sold for eighty ducats. The king has a rich treasure of coins and gold ingots. [Mayayaman ang mga nakatira, lalo na ang mga estranghero na tumira sa bansa [..] Ngunit napakakaunti ang panustos ng asin dahil binubuhat ito mula sa Tegaza, mga 500 milya (805 km) mula sa Timbuktu. Nasa lungsod ako noong panahon na ibinebenta ang kargada ng asin para sa walumpung ducat. Mayroong kayamanan ng barya at ingot ang hari.]

— 

Leo Africanus, Descrittione dell' Africa in Paul Brians' Reading About the World, Volume 2[54]

Nag-akit ang mga paglalarawan at mga sipi ng mga taga-Europang manggagalugad. Gayunpaman, inilarawan din ng Africanus ang mas maraming mga makalupang aspeto ng lungsod, tulad ng "mga kubo na gawa sa tisa, at tinakpan ng atip" – bagaman halos hindi pinansin ang mga ito.[9]

ShabeniBaguhin

The natives of the town of Timbuctoo may be computed at 40,000, exclusive of slaves and foreigners ... The natives are all blacks: almost every stranger marries a female of the town, who are so beautiful that travellers often fall in love with them at first sight. [Maaaring tayahin ang mga katutubo ng bayan ng Timbuctoo sa 40,000, hindi kasama ang mga alipin ang dayuhan ... Itim ang lahat ng katutubo: nagpakasal ang halos lahat ng mga estranghero sa isang babae ng bayan, na napakaganda na madalas mabighani ang mga manlalakbay sa kanila sa unang tingin.]

– Shabeni in James Grey Jackson's [fr] An Account of Timbuctoo and Hausa, 1820[55]

Halos 250 taon pagkatapos ng pagbisita ni Leo Africanus sa Timbuktu, marami ang namuno sa lungsod. Sa katapusan ng ika-18 siglo humina ang mahigpit na pagkakahawak ng Morokanong pinuno sa lungsod, na nagbunga sa panahon ng mabuway na pamahalaan sa mabilis na pagbabago ng mga tribo. Sa panahon ng pamamahala ng isa sa mga tribo, ang Hausa, sinamahan ng isang 14-taong-gulang na bata na nagngangalang Shabeni (o Shabeeny) mula sa Tetuan sa hilagang baybayin ng Morocco ang kanyang ama sa pagbisita sa Timbuktu.[56]

Nanatili si Shabeni sa Timbuktu nang tatlong taon bago lumipat sa isang mahalagang lungsod na tinatawag na Housa[57] na ilang araw na paglalakbay sa timog-silangan. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik siya sa Timbuktu upang manirahan doon nang pitong taon pa – kung saan doble ang laki ng populasyon kaysa sa bayan ng ika-21 siglo, kahit na lumipas na ang iilang siglo pagkatapos ang tugatog at hindi kasama ang mga alipin.

Noong 27 taong-gulang na si Shabeni, isang beteranong mangangalakal siya sa kanyang bayan ng Tetuan. Gumawa siya ng dalawang taong peregrinasyon sa Mecca at sa gayon ay naging isang hajji, Asseed El Hage Abd Salam Shabeeny. Mula sa isang paglalayag sa kalakalan sa Hamburg, nabihag siya ng isang barko na pinangangasiwaan ng mga Ingles ngunit naglayag sa ilalim ng bandilang Ruso, na nagpahayag ang kapitan na ang kanyang Imperyal na amo (Catherine ang Dakila) ay "nakikipagdigma sa lahat ng Muselmen" (tingnan ang Digmaang Ruso-Turko (1787-1792)). Dinala siya at ang barkong pinaglayagan niya sa Ostend sa Belgium noong Disyembre 1789 ngunit nakakuha sa kanya ang konsul Briton at inilabas ang barko. Nagtungo siya muli sa parehong barko, ngunit ang kapitan, na nagpahayag na takot siya na mabihag muli ang kanyang barko, ay nagbaba sa kanya sa pampang sa Dover. Sa Inglatera naitala ang kanyang kwento. Ibinigay ni Shabeeni ang laki ng lungsod sa ikalawang kalahati ng ika-18 siglo. Sa isang naunang sapi, inilarawan niya ang isang magubat na kapaligiran, kumpara sa mga tuyong kapaligiran sa ngayon.

Sining at kulturaBaguhin

 
Pagmumuling-tatag ng Aklatang Ben Essayouti, Timbuktu

Mga pagdiriwang pang-kulturaBaguhin

Ang pinakakilalang pagdiriwang pang-kultura ay ang Festival au Désert.[58] Nang matapos ang paghihimagsik ng Tuareg noong 1996 sa ilalim ng pamamahala ng Konaré, sinunog ang 3,000 armas sa isang seremonya na tinatawag na Flame of Peace (Apoy ng Kapayapaan) noong Marso 29, 2007 – upang gunitain ang seremonya, itinayo ang isang monumento.[59] Upang ipagdiwang ang kasunduang pangkapayapaan, ginanap ang Festival au Désert tuwing Enero sa disyerto, 75 km mula sa lungsod hanggang 2010.[58]

Pandaigdigang Pamanang PookBaguhin

Sa ikalabindalawang pagpupulong nito, noong Disyembre 1988, pumili ang World Heritage Committee (WHC) ng mga bahagi ng makasaysayang sentro ng Timbuktu para ilista sa kanyang talaan ng Pandaigdigang Pamana.[60] Batay sa tatlong pamantayan ang pagpili:[61]

  • Pamantayan II: Naging mahalaga ang mga banal na lugar ng Timbuktu sa unang bahagi ng Islamisasyon sa Aprika.
  • Pamantayan IV: Nagpapakita ang mga moske ng Timbuktu ng isang kultural at palaaral na Ginuntuang Panahon noong Imperyong Songhai.
  • Pamantayan V: Nagpapakita ang pagtatayo ng mga moske, pa rin ang orihinal na orihinal, ng paggamit ng tradisyunal na mga pamamaraan sa pagtatayo.

Lumagpak ang isang mas maagang nominasyon noong 1979 sa susunod na taon dahil kulang ito sa tamang hangganan [61] isinama ng pamahalaang Mali ang kabuuan ng bayan ng Timbuktu sa kanais-nais na isama.[62] Pagkalipas ng halos isang dekada, tatlong moske at 16 mosoliem o libingan ang pinili mula sa Lumang Bayan para sa katayuan ng Pandaigdigang Pamana: dumating sa pagtatapos nito ang panawagan para sa proteksyon ng kondisyon ng mga gusali, ang pagbubukod ng mga bagong konstruksiyon malapit sa mga lugar at mga panukala laban sa nanghihimasok na buhangin.

Pagkatapos, inilagay ang mga bantayog sa Talaan ng Napapanganib na Pandaigdigang Pamana ng pamahalaang Mali, ng komite sa pagpili sa panahon ng nominasyon.[60] Tumagal ang unang panahon sa Talaang Panganib mula 1990 hanggang 2005, nang pinahintulutan ng mga panukala kasama ang trabahong pagpapanumbalik at ng pagtitipon ng isang imbentaryo "ang pagtanggal nito mula sa Talaang Panganib".[63] Noong 2008 inilagay ng WHC ang protektadong lugar sa ilalim ng masusing pagsisiyasat na tinatawag na "reinforced monitoring" (pinatibay na pagsubaybay), isang panukalang naging posible noong 2007, dahil hindi malinaw ang epekto ng naplanong konstruksiyon. Lalong ibinigay-pansin ang pagtatayo ng sentro ng kultura.[64]

Noong isang sesyon noong Hunyo 2009, nagpasya ang UNESCO na itigil ang pagpapatibay ng programang pagsubaybay dahil ayon sa kanila, sapat ang nagawang pag-unlad upang matugunan ang mga paunang suliranin.[65] Kasunod ng pagsakop ng Timbuktu ng MNLA at ng Islamistang pangkat na Ansar Dine, ibinalik ito sa Talaan ng Napapanganib na Pandaigdigang Pamana noong 2012. [66]

Paglusob ng mga pundamentalistang MuslimBaguhin

Noong Mayo 2012, niwasak ng Ansar Dine ang isang dambana sa lungsod [67] at noong Hunyo 2012, sa resulta ng Laban ng Gao at Timbuktu, nawasak ang iba pang mga dambana, kabilang ang mosoliem ng Sidi Mahmoud, noong inaatake gamit ang mga pala, at piko ng mga miyembro ng parehong pangkat.[66] Sinabi ng isang tagapagsalita ng Ansar Dine na pupuksain ang lahat ng mga dambana sa lungsod, kabilang ang 13 na natitirang mga Pandaigdigang Pamanang Pook, dahil itinuturing nila ang mga ito bilang mga halimbawa ng idolatrya, isang kasalanan sa Islam.[66][68] Inilarawan ang mga kilos na ito bilang mga krimen sa sangkatauhan at mga krimeng digmaan.[69] Matapos ang pagkawasak ng mga libingan, bumuo ang UNESCO ng isang espesyal na pondo upang pangalagaan ang mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng Mali, at nangako na isakatuparan ang mga proyektong pagmumuling-tatag at rehabilitasyon kapag pinayagan ng sitwasyon ng seguridad.[70]

EdukasyonBaguhin

If the University of Sankore ... had survived the ravages of foreign invasions, the academic and cultural history of Africa might have been different from what it is today. [Kung ang Pamantasang Sankore ... ay namalagi mula sa pagpinsala ng mga pagsasalakay ng mga banyaga, maaaring maiiba ang kasaysayan ng akademya at kultura ng Aprika sa ngayon.]

Kwame Nkrumah at the University of Ghana inauguration, 1961[59]

Sentro ng kaalamanBaguhin

Naging sentro ang Timbuktu ng Islamikong pag-aaral mula ika-13 hanggang ika-17 siglo, lalo na sa ilalim ng Imperyong Mali at pamamahala ni Askia Mohammad I. Nagtatrabaho ang pamahalaang Mali at mga NGO upang talaan at maibalik ang mga labi nitong pamantayang isklor: Mga manuskrito ng Timbuktu.[71]

Umakit ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Timbuktu noong ika-13 at ika-14 na siglo sa maraming iskolar mula sa kalapit na Walata (ngayon sa Mauretania),[72] na nagtungo sa ginintuang edad ng lungsod sa ika-15 at ika-16 na siglo na nagpatunay na malagong lokasyon para sa karunungan ng mga relihiyon, sining at agham. Sa mga tao ng Timbuktu, ang kanulatan at mga aklat ay simbolo ng kayamanan, kapangyarihan, at mga pagpapala at ang pagtamo ng mga libro ay naging pangunahing tungkulin ng mga iskolar.[73] Humantong ang aktibong kalakalan sa mga aklat ng Timbuktu at iba pang bahagi ng Islamikong mundo at ang malakas na suporta ni emperador Askia Mohammed sa pagsulat ng libu-libong mga manuskrito.[74]

Natipon ang kaalaman sa paraang katulad ng maaga't impormal na modelo ng Europeong Medyebal na unibersidad.[72] Ipinahayag ang mga lektura sa pamamagitan ng tanghal ng mga impormal na institusyon na tinatawag na madrasa.[75] Sa kasalukuyan kilala bilang Pamantasan ng Timbuktu, tatlong madrasa ang nangasiwa ng 25,000 mag-aaral: Djinguereber, Sidi Yahya at Sankore.[76]

Tahasang relihiyoso ang mga institusyong ito, kumpara sa mas sekular na talaaralan ng moderno't Europong unibersidad at mas katulad sa modelong medyebal sa Europa. Gayunpaman, kung saan nagsimula ang mga Europeong unibersidad bilang mga kapisanan ng mga mag-aaral at mga guro, itinangkilik ang Kanlurang-Aprikanong edukasyon ng mga pamilya o mga angkan, kasama ang mga pamilya ng Aqit at Bunu al-Qadi al-Hajj na dalawa sa pinakakilala sa Timbuktu – pinangasiwaan din ng mga pamilyang ito ang mga mag-aaral sa mga natabing kwarto sa kanilang pabahay.[77] Kahit na dinala sa Timbuktu ang batayan ng batas-Islam at pagtuturo nito mula sa Hilagang Aprika noong pagkalat ng Islam, umunlad ang karunungan sa Kanlurang Aprika: itinuturing si Ahmad Baba al Massufi bilang pinakadakilang iskolar ng lungsod.[78]

Nagsilbi ang Timbuktu sa prosesong ito bilang sentro ng pamamahagi ng mga iskolar at karunungan. Nangahulugan ang dependensya nito sa kalakalan ng masinsinang pagkilos ng mga iskolar mula sa lungsod papunta sa malawak na kalambatan ng mga kasosyo sa kalakalan nito (at pabalik). Gayunpaman, noong 1468-1469, umalis ang maraming iskolar para sa Walata noong sinakop ng Imperyong Songhay ni Sunni Ali ang Timbuktu at muli noong 1591 sa Morokanong pananakop.[72]

Nananatili ang sistema ng edukasyon nito hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, samantala noong ika-18 siglo, nakaranas ang pagtatatag ng naglilibot na Quranikong paaralan bilang isang anyo ng unibersal na edukasyon, kung saan naglalakbay ang mga iskolar sa buong rehiyon kasama ang kanilang mga mag-aaral, nagpapalimos para sa pagkain sa isang bahagi ng araw.[71] Napailalim sa presyon ang Islamikong edukasyon pagkatapos ng pananakop ng Pranses, tagtuyot sa 70s at 80s at sa pamamagitan ng digmaang sibil ng Mali noong unang bahagi ng 90s.[71]

Mga manuskrito at mga aklatanBaguhin

 
Morong marabout ng tribong Kuntua, isang etnikong angkang Kounta, kung saan nagmula ang pangalan ng koleksyon ng manuskrito ng Al Kounti. Pintetsahan 1898.

Daang-libo nang daang-libong mga manuskrito ang nakolekta sa Timbuktu sa paglipas ng mga siglo: isinulat ang ilan sa bayan mismo, ang iba pa – kabilang ang mga eksklusibong kopya ng Qur'an para sa mga pamilyang mayayaman – ay inangkat sa pamamagitan ng buhay na buhay na kalakalang aklat.

Nakatago sa mga bodega o inilibing, itinago sa mga putik na pader ng moske at isinanggalang ng kanilang mga patrono, marami sa mga manuskrito ang natira sa pagbagsak ng lungsod. Bumubuo sila ngayon ng koleksyon ng ilang mga aklatan sa Timbuktu, na nag-aari ng hanggang 700,000 manuskrito:[79] noong huling bahagi ng Enero 2013 iniulat na sinira ng mga rebeldeng pwersa ang karamihan ng mga manuskrito bago umalis sa lungsod.[80][81] Gayunpaman, walang malisyosong pagkasira ng anumang aklatan o koleksyon dahil ligtas sa taguan ang karamihan sa mga manuskrito.[82][83][84][85] Bumuo ang isang partikular na biblyotekaryo, si Abdel Kader Haidara upang magkaroon ng 350,000 mga manuskrito na medyebal na ipinuslit mula sa Timbuktu para sa kaligtasan.[86][87]

 
Mga manuskrito ng Sentrong Ahmed Baba

Ang mga aklatang ito ay ang pinakamalaki sa hanggang sa 60 pribado o pampublikong aklatan na tinatayang umiiral sa Timbuktu ngayon, bagaman binubuo ang ilan ng isang hilera ng mga aklat sa isang salansanan o isang aklatang kaban.[88] Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, madaling masira at manakaw ang mga manuskrito, at madali ring masira dahil sa klimang pangmatagalan, sa kabila ng tuyong klima ng Timbuktu. Dalawang Proyekto ng Manuskrito ng Timbuktu na pinondohan ng mga independiyenteng unibersidad ang naglalayong pangalagaan sila.

Sa panahon ng okupasyon ng mga Islamikong ekstremista, nagsimula ang mga mamamayan ng lungsod ng isang proyekto upang iligtas ang mga "pinakamahusay na nakasulat na salaysay ng Kasaysayan ng Aprika." Kinapanayam ng The Times nagpahayag ang mga lokal na residente na pinrotektahan ang tatlong daang libong manuskrito ng ilang mga henerasyon. Itinago ang marami sa mga dokumentong ito ng mga lokal na residente na nag-aatubili na bigyan sila ng overs sa Ahmed Baba Institute na pinamumunuan ng pamahalaan na nasa isang modernong gusali ng digitalisasyon na itinayo ng pamahalaan ng South Africa noong 2009. Nagtataglay lamang ang institusyon ng 10% ng mga manuskrito. [89] Kasunod, kinumpirma ito ni Jean-Michel Djian sa New Yorker na "Nakatago ang karamihan sa mga manuskrito, mga limampung libo, sa tatlumpu't dalawang aklatang pamilya ng 'Lungsod ng 333 Santo'. Idinagdag niya, "Pinoprotektahan ang mga iyon hanggang ngayon." Idinagdag din niya na dahil sa napakalaking pagpupunyagi ng isang indibidwal, inihatid din sa kaligtasan ang dalawang daang libong pang manuskrito.[90]

WikaBaguhin

Kahit na Pranses ang opisyal na wika ng Mali, nagsasalita ang karamihan sa mga naninirahan sa Timbuktu ngayon ng Koyra Chiini, isang wikang Songhay na nagsisilbi rin bilang karaniwang wika. Bago ang paghihimagsik ng Tuareg noong 1990-1994, kinakatawan ang Arabeng Hassaniya at Tamashek ng 10% bawat isa sa 80% na dominasyon ng wikang Koyra Chiini. Dahil sinasalita ang Tamashek ng Ikelano at etnikong Tuaregs, humina ang paggamit nito ng pagpapatalsik ng maraming mga Tuareg kasunod ng paghihimagsik, na nagtataas ng pangingibabaw ng Koyra Chiini.[91]

Ang Wikang Arabe, na ipinakilala kasama ng Islam noong ika-11 siglo, ay higit sa lahat ang wika ng mga iskolar at relihiyon, katulad sa Latin sa Kristiyanismong Kanluranin.[92] Bagaman snasalitaa ng Bambara ng grupong etniko na pinakamarami sa Mali, nakakulong ang mga taong Bambara sa timog ng bansa. Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng suludkayarian na nagbibigay ng daan sa Timbuktu sa mas malalaking lungsod sa Timuging Mali, dumami ang paggamit ng Bambara sa lungsod hanggang sa kalayaan ng Azawad.[91]

SuludkayarianBaguhin

Nang walang mga riles sa Mali bukod sa Daambakal ng Dakar-Niger hanggang sa Koulikoro, ang daan sa Timbuktu ay sa pamamagitan ng kalsada, bangka o, mula noong 1961, sasakyang panghimpapawid.[93] Tuwing nagkaroon ng mataas na lebel ng tubig sa Niger mula Agosto hanggang Disyembre, nagpapatakbo nang lingguhan ang mga lantsang pantawid ng Compagnie Malienne de Navigation (COMANAV) ng isang bahagi mula sa Koulikoro hanggang ilawod ng Gao. Kinakailangan din ang mataas na tubig ng mga pinasse (malaking motorisadong piraguwa), na nakatsarter o pampubliko, na maglakbay pataas at pababa sa ilog.[94]

Dumadating ang kapwang lantsang pantawid at pinasse sa Korioumé, daungan ng Timbuktu, na konektado sa sentro ng lungsod sa pamamagitan ng 18 kilometrong (11 milya) aspaltadong daan na bumabagtas sa Kabara. Noong 2007, naibalik sa dating kalagayan ang daan sa tradisyunal na daungan ng Timbuktu, Kabara, ng isang proyekto na pinondohan ng Libya na nagdraga ng 3 kilometrong (2 milya) mabanlikang kanal na kumukonekta sa Kabara at sa isang braso ng Ilog Niger. Nakakaabot na ngayon ang mga lantsang pantawid at pinasse ng COMANAV sa daungan kapag bumabaha ang ilog.[14][95]

Salat ang koneksyon ng Timbuktu sa kalambatang kalsada ng Mali kung saan kalsadang dumi lang ang mayroon sa mga kapitbahayan. Kahit na maaaring tawiran ang Ilog Niger sa pamamagitan ng lantsa sa Korioumé, hindi mas mabuti ang mga kalsada sa timog ng ilog. Gayunpaman, itinatayo ang isang bagong aspaltado na daan mula sa Niono patungo sa Timbuktu na tumatakbo sa hilaga ng Delta ng Panloob na Niger. Bumabagtas ang 565 kilometrong (353 mi) daan sa Nampala, Léré, Niafunké, Tonka, Diré at Goundam.[96][97] Tinustusan ang nakumpletong 81 kilometrong (50 mi) seksyon mula sa Niono patungo sa maliit na nayon ng Goma Coura ng Millennium Challenge Corporation.[98] Maglilingkod ang bagong seksyong ito sa pag-unlad ng sistemang irigasyon ng Alatona ng Office du Niger.[99] Ang 484 kilometre (301 mi) seksyon sa pagitan ng Goma Coura at Timbuktu ay Pinopondohan ng Pondo ng Pagpapaunlad ng Europa.[96]

Pinaglilingkuran ang Paliparang Timbuktu sa pamamagitan ng kapwang Air Mali at Mali Air Express, na naglalaan ng mga lipad papunta at mula sa Bamako, Gao at Mopti.[94] Ang kanyang 6,923 talampakang (2,110 m) patakbuhan sa 07/25 patakbuhang satungo ay maliwanag at aspaltado.[100]

Sa kalinangang tanyagBaguhin

Sa imahinasyon ng mga Europeo at Hilagang Amerikano, isang mahiwagang lugar ang Timbuktu: natuklasan ng isang 2006 na survey ng 150 mga batang Briton na hindi naniniwala ang 34% na mayroong bayang ganoon, habang itinuturing ng natitirang 66% na "isang lugar ng kathang-isip" ito. [101] Inaamin ang pag-iisip na ito sa panitikan na naglalarawan ng kasaysayan ng Aprika at mga relasyon ng Aprikano at Europeo. Madalas na itinuturing ang Timbuktu bilang isang napakalayong lugar, sa kanluraning kalinagang tanyag.[2][102][103]

Nakasalalay ang pinagmulan ng mistipikasyong ito sa kagalakan na dinala sa Europa sa pamamagitan ng mga maalamat na kwento, lalo na ang mga kwento ni Leo Africanus: nakatuon lamang ang mga sangguniang Arabe sa mga mas mayamang lungsod sa rehiyon ng Timbuktu, tulad ng Gao at Walata.[9] Sa Kanlurang Aprika ang lungsod ay may imahe na inihambing sa pananaw ng Europa sa Atenas.[102] Samakatuwid, Europeong larawan ang larawan ng lungsod bilang ang ehemplo ng distansya at misteryo.[2]

Hindi pinansin ang mga makalupang paglalarawan ni Africanus at nagsilbing katalista ang mga kwento ng magagandang kayamanan para sa mga manlalakbay upang bisitahin ang hindi maaabot na lunsod – na may kilalang Pranses na explorer na si René Caillié na naglalarawan sa Timbuktu bilang "isang tumpok ng hindi kaakit-akit na bahay na gawa sa lupa".[104] Nang binuksan, inamin ng maraming mga manlalakbay na ang hindi tamang paglalarawan ng "Aprikanong El Dorado".[24] Nagbago ang kaganapang ito sa reputasyon ng lungsod – mula sa pagiging tanyag dahil sa ginto nito sa pagiging tanyag dahil sa lokasyon at misteryo nito: ang paggamit sa ganitong kahulugan mula noong 1863, binabanggit ngayon ang Timbuktu ng mga diksyunaryong Ingles bilang isang talinghaga para sa anumang malayong lugar.[105]

Sa "Scales of Gold" (1991), ang ikaapat na aklat sa serye ng House of Niccolo ni Dorothy Dunnett, pumunta ang mga pangunahing tauhan sa Aprika noong 1464-1467 para maghanap ng ginto. Makikita nila ang intelektwal at espirituwal na kayamanan ng Timbuktu na magbabago sa kanila.

Sa orihinal na 1932 na rekord ng sikat na kantang tabing-dagat na "The Sun Has Got His Hat On", naglalaman ang pangalawang taludtod ng mga linyang: "[The Sun's] been tanning niggers out in Timbuktu / Now he's coming back to do the same to you! [Nagpapaitim (ang araw) ng mga negro sa labas sa Timbuktu / Babalik siya ngayon para gawin din 'to sa'yo][106] Dahil sa kontrobersyal na kalagayan ng lahing palayaw na "nigger", lumitaw ang kontrobersya kapag tinutugtog ang awit na ito[107] at iminungkahi ang iba't ibang kapalit, kabilang ang "negroes"[108] at "nilutong mani"[109]

Matatagpuan ang katulad na mga paggamit ng lungsod sa mga pelikula, kung saan ginamit ito upang ipahiwatig na hindi matatagpuan ang isang lugar, isang tao o isang kalakal – sa isang Olandeng komikong subseye ng Donald Duck na nakatagpo sa Timbuktu, ginagamit ni Donald Duck ang lungsod bilang kanlungan,[110] at sa 1970 animadong feature ng Disney na The Aristocats, mananakot si Edgar, ang mayordomong kontrabida ng kwento, kay Thomas O'Malley, Duchess, Marie, Toulouse, at Berlioz na ipapadala sila sa Timbuktu pero ililigtas sila ng kaibigan ni Thomas O'Malley at ipapadala doon si Edgar mismo. Maling ibinanggit na nasa Pransesang Aprikang Ekwatoryal, sa halip ng Pransesang Aprikang Kanluranin.[111]

Binaliktad ni Ali Farka Touré ang estereotipo: "For some people, when you say 'Timbuktu' it is like the end of the world, but that is not true. I am from Timbuktu, and I can tell you that we are right at the heart of the world. [Para sa ilang mga tao, kapag sinabi mo na 'Timbuktu' tulad ito ng dulo ng mundo, ngunit hindi totoo 'yan. Ako'y mula sa Timbuktu, at masasabi ko sa'yo na tayo'y nasa gitna ng mundo.]"[112]

Magkakambal na bayan – magkakapatid na lungsodBaguhin

Isang kapatid na lungsod ang Timbuktu sa mga sumusunod na lungsod: [113]

Tingnan dinBaguhin

Mga talaBaguhin

  1. Resultats Provisoires RGPH 2009 (Région de Tombouctou) (PDF), République de Mali: Institut National de la Statistique
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Timbuktu" – regardless of spelling, has long been used as a metaphor for "out in the middle of nowhere". E.g. "From here to Timbuktu and back." Pelizzo, Riccardo (2001). "Timbuktu: A Lesson in Underdevelopment" (PDF). Journal of World-Systems Research. 7 (2): 265–283. doi:10.5195/JWSR.2001.166. Sininop mula sa orihinal (PDF) noong 18 July 2010. Hinango noong 25 March 2010. Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "Pelizzo" defined multiple times with different content); $2 Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "Pelizzo" defined multiple times with different content); $2
  3. 3.0 3.1 Leo Africanus 1896, p. 824 Vol. 3.
  4. Barth 1857, p. 284 footnote Vol. 3.
  5. Cissoko, SM (1996). l'Empire Songhai . Paris: L'Harmattan.
  6. Hunwick 2003, p. 29.
  7. Hunwick 2003, p. 29 note 4.
  8. Insoll 2002, p. 9.
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 Insoll 2004.
  10. Insoll 2002.
  11. McIntosh & McIntosh 1986.
  12. Park 2010.
  13. Park 2011.
  14. 14.0 14.1 14.2 Développement régional: le fleuve est de rétour à Tombouctou, Présidence de la République du Mali, 3 December 2007, sininop mula sa orihinal noong 1 October 2011, hinango noong 19 March 2011
  15. Composite Runoff Fields V 1.0: Koulikoro, University of New Hampshire/Global Runoff Data Center, hinango noong 30 January 2011
  16. Composite Runoff Fields V 1.0: Diré, University of New Hampshire/Global Runoff Data Center, hinango noong 30 January 2011. Diré is the nearest hydrometric station on the River Niger, 70 kilometre (43 mi) upstream of Timbuktu.
  17. Hacquard 1900, p. 12.
  18. Barth 1857, p. 324.
  19. Dubois 1896, p. 196.
  20. Jones, Jim (1999), Rapports Économiques du Cercle de Tombouctou, 1922–1945: Archives Nationales du Mali, Fonds Recents (Series 1Q362), West Chester University, Pennsylvania, hinango noong 26 March 2011
  21. Lancement des travaux du Canal de Tombouctou : la mamelle nourricière redonne vie et espoir à la 'Cité mystérieuse', Afribone
  22. Coulibaly, Be, Canal de Daye à Tombouctou: la sécurité des riverains, Primature: République du Mali, hinango noong 26 March 2011
  23. Adefolalu, D.O. (25 December 1984). "On bioclimatological aspects of Harmattan dust haze in Nigeria". Meteorology and Atmospheric Physics. 33 (4): 387–404. doi:10.1007/BF02274004.
  24. 24.0 24.1 Benjaminsen, Tor A. "Myths of Timbuktu: From African El Dorado to Desertification". International Journal of Political Economy. 34 (1): 31–59. doi:10.1080/08911916.2004.11042915. Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "benjaminsen" defined multiple times with different content); $2
  25. "World Weather Information Service – Tombouctou (1950–2000)". World Meteorological Organization. Hinango noong 14 February 2011.
  26. "Tomb (Tombouctou) Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Hinango noong 12 October 2015.
  27. "Station Tombouctou" (sa French). Meteo Climat. Hinango noong 10 June 2016.
  28. Miner 1953, p. 68 n27.
  29. Meunier, D. (1980), "Le commerce du sel de Taoudeni", Journal des Africanistes (sa French), 50 (2): 133–144, doi:10.3406/jafr.1980.2010
  30. Harding, Andrew, Timbuktu's ancient salt caravans under threat
  31. Maynes, Mary Jo; Waltner, Ann (2012). The Family: A World History. New York: Oxford University Press, Inc. p. 45. ISBN 9780195338140.
  32. Thom, Derrick J.; Wells, John C. (1987), "Farming Systems in the Niger Inland Delta, Mali", Geographical Review, 77 (3): 328–342, doi:10.2307/214124, JSTOR 214124
  33. 33.0 33.1 33.2 Schéma Directeur d'Urbanisme de la Ville de Tombouctou et Environs (PDF) (sa French), Bamako, Mali: Ministère de l'Habitat et de l'Urbanisme, République du Mali, 2006, sininop mula sa orihinal (PDF) noong 28 April 2011
  34. Synthèse des Plan de Securité Alimentaire des Communes du Circle de Tombouctou 2006–2010 (PDF) (sa French), Commissariat à la Sécurité Alimentaire, République du Mali, USAID-Mali, 2006, sininop mula sa orihinal (PDF) noong 6 September 2011
  35. Introducing the System of Rice Intensification (SRI) to irrigated systems in Gao, Mopti, Timbuktu and to rainfed systems in Sikasso (PDF), Bamako, Mali: USAID, Initiatives Intégrées pour la Croissance Économique au Mali, Abt Associates, 2010
  36. 36.0 36.1 Sayah, Moulaye (3 October 2011), Tombouctou : le tourisme en desherence (sa French), L'Essor, hinango noong 28 November 2011
  37. Travelling and living abroad: Sahel, United Kingdom Foreign and Commonwealth Office, hinango noong 1 January 2012
  38. "Mali says Tuareg rebels abduct group of tourists". Reuters. Hinango noong 1 January 2012.
  39. Al-Qaeda 'kills British hostage', BBC News, hinango noong 1 January 2012
  40. Mali: Securite, Ministère des affaires étrangères et européennes, hinango noong 28 November 2011
  41. Mali travel advice, United Kingdom Foreign and Commonwealth Office, hinango noong 28 November 2011
  42. Travel Warning US Department of State, Bureau of Consular Affairs: Mali, US Department of State, hinango noong 28 November 2011
  43. Togola, Diakaridia (11 January 2010), Festival sur le désert : Essakane a vibré au rythme de la 10ème édition (sa French), Le Quotidien de Bamako, sininop mula sa orihinal noong 15 April 2012, hinango noong 25 December 2011
  44. Tombouctou: Le Festival du Désert aura bien lieu (sa French), Primature: Portail Officiel du Gouvernement Mali, 28 October 2010, sininop mula sa orihinal noong 24 September 2015, hinango noong 25 December 2011
  45. "Mali kidnapping: One dead and three seized in Timbuktu". BBC News. 25 November 2011. Hinango noong 28 November 2011.
  46. Sayad, Moulaye (28 November 2011), Tombouctou : Sous le Choc (sa French), L'Essor, hinango noong 1 January 2012
  47. Empty citation (tulong)
  48. Empty citation (tulong)
  49. Empty citation (tulong)
  50. Diarra (28 January 2013), French seal off Mali's Timbuktu, rebels torch library, Reuters
  51. Shamil (29 January 2013). "Timbuktu Manuscripts Project". BBC News. Hinango noong 29 January 2013. Also broadcast BBC World Service news on 29 January 2013.
  52. Staff (28 January 2013). "Mali – Islamists Rebels Burn Manuscript Library as They Leave Timbuktu". Reuters (via Africa – News and Analysis). Hinango noong 31 January 2013.
  53. Leo Africanus 1896.
  54. 54.0 54.1 Brians, Paul (1998). Reading About the World. Fort Worth, TX, USA: Harcourt Brace College Publishing. pp. vol. II.
  55. Jackson 1820, p. 10.
  56. Jackson 1820.
  57. Ang isang papel mula noong 1995 ay nagsasabing ito ay "tila isa sa mga bayan ng Maraka ". Isang libro ng mga titik sa Thomas Jefferson mentions sa connexion sa isang sulat ng 1798 na explorer Mungo Park ay sinubukan unsuccessfully upang mahanap ang Housa at Timbuktu (1795-7). Sa isang ekspedisyon sa ibang pagkakataon ay nagpunta siya malapit sa Timbuktu habang bumababa ang Niger River . Pagkatapos ng maraming pag-atake ng mga Aprikano, siya ay nabuwal sa ilog.
  58. 58.0 58.1 Reiser, Melissa Diane (2007). Festival au Desert, Essakane, Mali: a postcolonial, postwar Tuareg experiment. Madison: University of Wisconsin – Madison.
  59. 59.0 59.1 Jeppie 2008.
  60. 60.0 60.1 Convention Concerning the Protection of the World Cultural and Natural Heritage, UNESCO
  61. 61.0 61.1 ICOMOS (14 May 1979). "Advisory Body Evaluation of Timbuktu Nomination" (PDF). UNESCO. Hinango noong 22 February 2011.
  62. Mali Government. "Nomination No. 119" (PDF). UNESCO.
  63. Amelan, Roni. "Three Sites Withdrawn from UNESCO's List of World Heritage in Danger". UNESCO.
  64. "WHC Requests Close Surveillance of Bordeaux, Machu Picchu, Timbuktu and Samarkand". UNESCO.
  65. Decision 33COM 7B.45 – Timbuktu (Mali), Final Decisions of the 33rd Session of the WHC, Seville, 2009
  66. 66.0 66.1 66.2 "Timbuktu shrines damaged by Mali Ansar Dine Islamists".
  67. "Mali Islamist militants 'destroy' Timbuktu saint's tomb". BBC News. Hinango noong 1 July 2012.
  68. Al Jazeera (Hunyo 1, 2012). Inilagay ng mga mandirigma ng Ansar Dine ang mga dambuhalang Timbuktu. Nakuha noong Hulyo 1, 2012
  69. Guled Yusuf at Lucas Bento, The New York Times (Hulyo 31, 2012). Ang 'End Times' para sa Timbuktu? Nakuha noong Hulyo 31, 2012
  70. UNESCO World Heritage Centre. "UNESCO World Heritage Centre - Creation of a Special Fund for the Safeguarding of Mali's World Heritage sites". Whc.unesco.org. Hinango noong 2014-05-16.
  71. 71.0 71.1 71.2 Huddleston, Alexandra (1 September 2009). "Divine Learning: The Traditional Islamic Scholarship of Timbuktu". Fourth Genre: Explorations in Non-Fiction. 11 (2): 129–135. doi:10.1353/fge.0.0080. ISSN 1522-3868.
  72. 72.0 72.1 72.2 Cleaveland 2008.
  73. Singleton, Brent D. "African Bibliophiles: Books and Libraries in Medieval Timbuktu". doi:10.1353/lac.2004.0019.
  74. Medupe, Rodney Thebe; Warner, Brian; Jeppie, Shamil; Sanogo, Salikou; Maiga, Mohammed; Maiga, Ahmed; Dembele, Mamadou; Diakite, Drissa; Tembely, Laya (2008). "The Timbuktu Astronomy Project". Sa Holbrook, Jarita (ed.). African Cultural Astronomy. Astrophysics and Space Science Proceedings. p. 179. doi:10.1007/978-1-4020-6639-9_13. ISBN 9781402066399.
  75. Makdisi, George, Scholasticism and Humanism in Classical Islam and the Christian West, doi:10.2307/604423
  76. University of Timbuktu, Mali Error in webarchive template: Check |url= value. Empty. – Timbuktu Educational Foundation
  77. Hunwick 2003, pp. lvii.
  78. Polgreen, Lydia (7 August 2007). "Timbuktu Hopes Ancient Texts Spark a Revival". The New York Times. Hinango noong 4 March 2011.
  79. Rainier, Chris (27 May 2003). "Reclaiming the Ancient Manuscripts of Timbuktu". National Geographic News. Hinango noong 13 July 2010.
  80. Harding, Luke (28 January 2013), Timbuktu mayor: Mali rebels torched library of historic manuscripts, hinango noong 27 February 2013
  81. Diarra, Adama (28 January 2013), French, Malians retake Timbuktu, rebels torch library, hinango noong 27 February 2013
  82. Timbuktu update, 30 January 2013, hinango noong 27 February 2013
  83. Zanganeh, Lila Azam (29 January 2013), Has the great library of Timbuktu been lost?, hinango noong 27 February 2013
  84. Precious history in Timbuktu library saved from fire, hinango noong 27 February 2013
  85. Hinshaw, Drew (1 February 2013), Historic Timbuktu Texts Saved From Burning, hinango noong 27 February 2013
  86. https://www.npr.org/2016/04/23/475420855/timbuktus-badass-librarians-checking-out-books-under-al-qaidas-nose
  87. Hammer, J. (2016) "Ang Bad-Ass Librarians ng Timbuktu." Simon at Schuster.
  88. Grant, Simon (8 February 2007), "Beyond the Saharan Fringe", The Guardian, London, hinango noong 19 July 2010
  89. Walt, Vivienne. "Timbuktu's Ancient Libraries: Saved by Locals, Endangered by a Government". Time. Hinango noong 2018-04-23.
  90. Zanganeh, Lila Azam (2013-01-29). "Has the Great Library of Timbuktu Been Lost?". The New Yorker. Hinango noong 2018-04-23.
  91. 91.0 91.1 Heath 1999, pp. 4–5.
  92. Forma, Aminatta (7 February 2009). "The Lost Libraries of Timbuktu". The Sunday Times. London, UK. Hinango noong 15 February 2011.
  93. Rosberg, Carl Gustav (1964), Political Parties and National Integration in Tropical Africa, Berkeley, CA: University of California Press, p. 222, ISBN 9780520002531
  94. 94.0 94.1 Pitcher, Gemma (2007). Africa. Melbourne: Lonely Planet Guides. ISBN 9781741044829.
  95. Lancement des travaux du Canal de Tombouctou : la mamelle nourricière redonne vie et espoir à la 'Cité mystérieuse', Afribone, 14 August 2006
  96. 96.0 96.1 Coulibaly, Baye (24 November 2010), Route Tombouctou-Goma Coura: un nouveau chantier titanesque est ouvert, L'Essor, hinango noong 19 March 2011
  97. Coulibaly, Baye (19 January 2012), Route Tombouctou-Goma Coura: le chantier advance à grand pas, L'Essor, hinango noong 1 May 2012
  98. Niono-Goma Coura Road Inauguration, Embassy of the United States, Mali, 7 February 2009, hinango noong 19 March 2011
  99. Mali Compact (PDF), Millennium Challenge Corporation, 17 November 2006
  100. Pilot Information for Timbuktu Airport, Megginson Technologies, 2010, hinango noong 18 February 2011
  101. Search on for Timbuktu's twin, BBC News, 18 October 2006, hinango noong 22 November 2010
  102. 102.0 102.1 Saad 1983.
  103. Berbers and Blacks: Impressions of Morocco, Timbuktu and the Western Sudan. Kessinger Publishing.
  104. Caillié 1830, p. 49 Vol. 2.
  105. "Entry on 'Timbuktu'". Online Etymology Dictionary. Douglas Harper. 2002. Hinango noong 17 September 2010.
  106. "BBC Radio Devon DJ David Lowe loses job over racist word". BBC News. 2014-05-11.
  107. "ITV feels the heat over N-word song lyrics". The Guardian. 2012-06-26.
  108. Jonathan King, 70 FFFY, 2014, p.289
  109. Stephen Fry, Higit pang mga Fool Me, 2014
  110. Timboektoe subseries (Dutch) on the C.O.A. Search Engine Error in webarchive template: Check |url= value. Empty. (I.N.D.U.C.K.S.). Retrieved d.d. 24 October 2009.
  111. Mga Tala sa The Aristocats [1] sa Internet Movie Database . Nakuha noong Oktubre 24, 2009
  112. Ali Farka Touré with Ry Cooder (1994). Talking Timbuktu (CD (insert)). World Circuit.
  113. "Timbuktu 'twins' make first visit". BBC News. 24 October 2007. Hinango noong 24 May 2010.

Mga sanggunianBaguhin

Karagdagang pagbabasaBaguhin

 

Mga kawing panlabasBaguhin