Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Setyembre 22
- Hindi bababa sa isang katao ang patay at sampu pa ang sugatan sa barilan sa Quetta, Pakistan. (Xinhua)
- Tatlong Pranses na tripulante dinukot sa dalampasigan ng Nigeria. (Reuters) (Xinhua) (The Himalayan Times)
- Hindi bababa sa 18 katao ang patay at 44 pa ang nawawala sa katimugang Tsina dahil sa baha na dulot ng malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Fanapi. (CNN) (AP)
- Dalawang manggagawa ang namatay at ilan pa ang sugatan sa pagguho ng isang minahan sa Balikesir. Dalawampu't dalawang katao na ang namatay doon sa huling anim na buwan. (Todays Zaman)
- Rusya itinigil ang pagbebenta ng mga armas sa Iran alinsunod sa Resolusyon blg. 1929 ng Kapulungang Panseguridad ng Mga Bansang Nagkakaisa. (RIA Novosti) (Xinhua)
- Tsina pinagbantaan ang Hapon nang mga hakbangin pa kung hindi pakakawalan ng huli ang kapitan barko sa pangingisda na nahuli malapit sa pinagtatalunang Senkaku Islands. (Al Jazeera) (AFP)
- 14 na luray na katawan natagpuan sa Ilog Ruzizi sa Burundi, malapit sa hangganan sa Demokratikong Republika ng Konggo. (BBC) (News24)