Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2011 Marso 9
- Babala ng tsunami inilabas matapos tamaan ng lindol na may paunang kalakhang 7.2 ang baybayin ng Honshu, Hapon. (CNN)
- Taywan tatapusin na umano ang pagbabawal sa mga manggagawang Pilipino na ipinatupad matapos ang pagpapatapon ng 14 na Taiwanese sa Tsina. (Straits Times)
- Malaysia pinagbawalan ang mga Shi'ite sa pagpapalaganap ng kanilang pananampalataya sa ibang mga Muslim, subalit maaari pa ring magsabuhay nito. (Bernama) (Bangkok Post)
- Pagtatanghal ng mga nagpoprotestang maka-Tibet sa labas ng embahada ng Tsina sa Bagong Delhi, Indiya binuwag ng mga pulis. (MSN Philippines) (Sify India)
- Mahigit 300 dayuhang manggagawa sa Gresya tinapos na ang protesta sa pamamagitan ng hindi pagkain matapos maghain ang pamahalaan ng permiso sa pagiging residente. (BBC)
- Takeaki Matsumoto nanumpa na bilang bagong Ministrong Panlabas ng Hapon bilang kapali ni Seiji Maehara na nagbitiw kasunod ng iskandalo sa mga donasyong pampolitika. (Xinhua)
- Enda Kenny nahalal bilang ikalabintatlong Taoiseach ng Irlanda sa botong 117-27 sa mababang kapulungan bilang kapalit ni replacing Brian Cowen. (Irish Times)
- Pagkawala ng mga yelo sa Antartika at Lupanlunti bumilis sa nakalipas na 20 taon ayon sa bagong pag-aaral. (MercoPress)
- Pagsabog ng bombang pinaghihinalaang itinanim ng mga militante sa Faisalabad, Lalawigan ng Punjab, Pakistan ikinasawi ng mahigit 20 katao. (Dawn) (AFP via Google) (ABC News) (Indian Express)
- Tatlong katao naiulat na namatay matapos magpaputok ang mga pulis sa mga nagpoprotesta sa harap ng Pamantasan ng Sanaa sa Yemen. (Al Jazeera) (Financial Times) (BBC News) (AFP via Google)
- Tatlong anak ni Flor Contemplacion nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo dahil sa pagtutulak ng droga. (Sunstar) (GMA News) (Philippine Daily Inquirer) (ABS-CBN News)