Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 13
- Alitang armado at mga pag-atake
- Napigilan at nawasak ng Israel ang isang Grad Misil na pinakawalan ng Mujahideen Shura Council, miyembro ng Al-Qaeda sa Ehipto sa teritoryo ng Dagat Pula sa bayan ng Eilat. (Daily Telegraph)
- Sining at kultura
- Nakunan at naitala sa unang pagkakataon ang ilap at hindi pa nakikitang tribo ng Kawahiva sa maulang gubat ng Amazon sa Brasil.(GloboNews)
- Negosyo at ekonomiya
- Nagsampa ng kasong "batas ng kompetisyon o antitrust" ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos at anim na estado upang mapigilan ang planong pagsasanib ng American Airlines at US Airways. (CNN)
- Internasyonal na relasyon
- Itinaas ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang badget ng tulong militar sa Pilipinas mula sa 30 milyong dolyar sa 50 milyong dolyar.(Abante-Tonite)
- Sisimulan muli ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Palestino makalipas ang 3 taon. (Reuters)