Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 14
- Alitang armado at mga pag-atake
- Agosto 2013 - Kaguluhan sa Ehipto
- Ilang daang katao ang nasawi sa ginawang pamamaril ng puwersa ng militar ng Ehipto sa mga raliyistang taga-suporta ni Mohamed Morsi sa Cairo. (The Independent)
- Nagdeklara ang Ehipto ng isang buwang katayuan ng kagipitan o state of emergency. (BBC)
- Isa sa nasawi sa mamaril sa Cairo, Ehipto ang potograpo ng Sky News.[(International Business Times)
- Nagbitiw sa puwesto bilang Pangalawang-Pangulo ng Ehipto si Mohamed ElBaradei bilang protesta sa ginawang pamamaril ng mga militar sa mga raliyista sa Cairo.(Reuters) (Associated Press)
- Dalawang komandante ng Boko Haram na sina Mohammad Bama at Abubakar Zakariya Yau ay napatay ng hukbo ng Nigerya sa isang labanan sa hilangang-silangan ng Adamawa. (Sky News)
- Nagsagawa ng pag-atake ang Hukbong Panghimpapawid ng Israel sa Gaza bilang tugon sa pagpapakawala ng misil sa Katimugang Israel. (The Times of Israel), (ibtimes)
- Dalawang bomba ang sumabog sa lansangan ng lungsod ng Baqubah sa Irak na ikinasawi ng 14 katao at 26 sugatan. (Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Isinailalim sa katayuan ng sakuna o state of calamity ang mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag sa Aurora dahil sa bagyong Labuyo.(GMA News)
- Labing-walong manlalayag ng Hukbong Dagat ng Indiya ang nakulong sa ilalim ng tubig ng lumubog ang submarinong INS Sindhurakshak (S63) kasunod ng pagsabog nito sa daungan ng Mumbai.(Fox News)
- Bumagsak sa Pandaigdigang Paliparan ng Birmingham–Shuttlesworth sa Alabama ang UPS Airlines Flight 1354 na ikinasawi ng piloto at pangalawang-piloto nito. (Alabama 13), (Reuters)
- Internasyonal na relasyon
- Nagkasundong muli ang Hilaga at Timog Korea na muling buksan ang Kaesong Industrial Region.(Reuters)
- Batas at krimen
- Nasabat ng kapulisan ng San Francisco, California ang ecstasy na nagkakahalanga ng 1.5 milyong dolyar, ang pinakalamaking halagang nahuli sa kasaysayan ng kagawaran.(San Jose Mercury News)
- Kinumpirma kahapon ni Leila de Lima, kalihim ng Kagawaran ng Katarungan na sa mga susunod na linggo ay inaasahang maisasampa na ang kaso laban sa ilang mambabatas na sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.(Abante)