Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 26

Alitang armado at mga pag-atake
  • Isang bagong pinag-uri-uring dokumento ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman ang nagpapakita ng pagsuporta ng Estados Unidos sa Irak noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Irak kung saan gumamit ng kemikal na armas ang Irak laban sa mamamayan ng Iran at ng mga Kurdish. (Daily Mail) (New York)
  • Ang grupo ng UN na magsisiyasat sa hinihinalang paggamit ng kemikal na armas sa Ghouta ay pinaputukan ng mga mamamaril na nakatago o sniper; walang naiulat na nasaktan sa mga delegado kung saan isa sa hinihinalang lugar ay kanilang napuntahan. Sinabi ni John Kerry ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang ginawang pag-atake sa "isang kahihiyan at isang paglabag sa pandaigdigan at sangkatauhan na kinakailangan ng karampatang parusa". (CNN)
  • Binalalaan ni Khalaf Muftah, dating kawani ng ministro ng impormasyon ng Sirya na gaganti ang kanilang bansa kung ito ay aatakihin ng Israel. (Times Of Israel)
Politika at eleksiyon
Edukasyon
  • Lahat ng 25,000 na aplikante para maging estudyante sa Unibersidad ng Liberia ay bumagsak sa pagsusulit para makapasok sa paaralan. (BBC News)