Isang grupo mula sa Samahan ng Pagbabawal ng Kemikal na Armas ang pumasok sa Sirya upang simulan ang kanilang trabaho sa pagkakalas ng mga kemikal na armas.(BBC)
Politika at eleksiyon
Pansamantalang ipinasara ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Opisina ng Pamamahala at Badyet ng Bahay na Puti, dahil sa pagkakabigo ng Kongreso at Senado ng Estados Unidos na magkasundo sa paglalaan ng pondo upang magpatuloy ang operasyon ng gobyerno. (NBC News)
Hinatulan ng kamatayan si Salahuddin Quader Chowdhury isang politiko sa Bangladesh dahil sa krimeng pandigmaan kabilang ang pagpaslang, pagpapahirap at pagpatay ng lahi noong nakaraang Digmaang Pagpapalaya sa Bangladesh. (BBC)
Internasyonal na relasyon
Pinaalis ng pamahalaan ng Venezuela ang tatlong diplomatiko ng Estados Unidos matapos akusahan ng "pagsabotahe sa ekonomiya". (BBC)