Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 10

Alitang armado at mga pag-atake
  • Inanunsiyo ng Pransiya ang kanilang balak na pagmumungkahi sa Konseho ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa ang isang resolusyon kung saan minumungkahi nilang ibigay ng Sirya ang kanilang mga kemikal na armas sa kontrol ng pandaigdigan.(France 24)
  • Nagbigay ng talumpati si Barack Obama, Pangulo ng Estados Unidos sa telebisyon para sa bansa, kung saan sinabi niya na hiniling niya sa kongreso na ipagpaliban ang pagboto para sa paggamit ng puwersa sa Sirya dahil nais niyang daanin sa isang diplomatikong usapan ang kaguluhan doon. (AFP via the Australian)
  • Isang pambobomba sa Irak kung saan pinupunterya ang Shi'ite Muslims at Sunnis ang ikinasawi ng 16 na katao.(Reuters)
  • Namuo ang isang kaguluhan sa bansang Turkiya sa libing ng 22 taong gulang na estudyante sa pagitan ng puwersa ng seguridad at mga aktibista kung saan ginamitan ng mga kanyong tubig at teargas. (Russia Today)
Sakuna at aksidente
Batas at krimen
  • Lahat ng apat na pinaghihinalaang sangkot sa 2012 kasong panggahasa sa Bagong Delhi ay napatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa at pagpatay. (AFP via The News)
  • Nagpasa ng bagong batas ang California State Legislature ng Estados Unidos kung saan ipinagbabawal ang pagbebenta ng semi-automatic rifle na may natatanggal na mag-asin.(Reuters)
  • Itinalaga ni John G. Roberts, Jr., Punong Hukom ng Estados Unidos si William Curtis Bryson bilang pamatnugot na hukom ng United States Foreign Intelligence Surveillance Court of Review. (Secrecy News)
Politika