Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Mayo 5
- Alitang armado at mga pag-atake
- Isang helikopter ng Militar ng Ukraine na nagpapatrolya sa silangang lungsod ng Sloviansk ang pinabagsak, lahat ng piloto ay nakaligtas.(CNN)
- Inalerto ang mga kalapit na hangganan ng Ukraine at ilang lugar sa Transnistria, Moldavia dahil sa patuloy na kaguluhang nagaganap sa bansang Ukraine.(AP)
- Sakuna at aksidente
- Labing-isang katao ang nawawala matapos bumangga ang isang barkong pangkargamento ng Tsina sa barkong Marshall Islands sa baybayin ng Hongkong.(The Guardian)
- Dalawang katao ang nasawi at 30 ang nawawala matapos mangkabanggaan ang isang yate at bangkang may sakay ng mga iligal na imigrante sa Dagat Egeo malapit sa baybayin ng Gresya.(AP via 680 News)
- Kalusugan
- Nagbabala ang Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan sa pagkalat ng sakit na polio.(BBC)(NYT)
- Sinabi ng kompanyang Coca-Cola at Pepsi na aalisin nila ang sangkap na brominated vegetable oil sa kanilang mga inumin.(AP)
- Batas at krimen
- Naiulat na ikinulong si Naomi Mutah Nyadar, ang pinuno ng grupong Isang Milyong Kababaihang nag protesta sa Nigerya dahil sa mabagal na pag-aasikaso ng pamahalaan sa kaso ng pagdukot ng grupong Boko Haram sa 203 estudyanteng babae, ang pagkakakulong ay naiulat na ipinag-utos ng Unang Ginang ng Nigerya na si Patience Jonathan.(BBC)