Pumutok ang bulkangKīlauea sa Hawaii na nagdulot sa Ahensya ng Kondadong Depensang Sibil ng Hawaii na himukin ang mga residente na manatili sa loob ng kanilang bahay. Pagkatapos ng pagsabog, sumunod ang serye ng mga maliliit na lindol. Winasak ng nakaraang pagputok noong Mayo 2018 ang daan-daang mga tahanan. (CNN)
Ang paparating na Pangulong-halal ng Estados Unidos na si Joe Biden at ang paparating na Unang Ginang na si Jill Biden ay nakatanggap ng kanilang unang turok ng bakuna para sa COVID-19 ng Pfizer BioNTech sa live na telebisyon upang muling panatagin ang mga Amerikano ng kanilang kaligtasan sa bakuna. Samantala, ang paparating na Pangalawang Pangulo na si Kamala Harris at paparating na Pangalawang Ginoo na si Doug Emhoff ay inahayag na makakatanggap sila ng bakuna sa susunod na linggo. (CNN)
Agham at teknolohiya
Katangi-tanging pagsasanib
Lumitaw ang mga higanteng gas na planetangJupiter at Saturno sa kanilang pinakamalapit sa kalangitan simula noong 1623, sa isang kaganapan na kilala bilang great conjunction o katangi-tanging pagsasanib. Ang pinakamalapit na paglalapit ay nangyari noong 18:22 UTC, nang ang dalawang planeta ay nasa isang ikasampung degri na magkahiwalay na makikita bilang binaryong bagay sa dilat na mata. (Euronews)