Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Abril 11
Sakuna at aksidente
- Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022
- Hindi bababa sa 25 katao ang namatay nang nagkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng Bagyong Agaton (internasyunal na pangalan: Megi) sa Pilipinas. (Reuters) Samantala, anim na pamilya ang pinangagambahang natabunan ng pagguho ng lupa sa Baybay, Leyte dulot ng bagyo. (Manila Bulletin)
- Aksidente ng kotseng kable sa Trikut
- Anim na katao, kabilang ang tatlong bata, ang namatay at lima ang nasugatan sa isang pagsabog ng tagas ng gaas sa isang bloke ng paupahan sa Moscow, Rusya. (Radio Free Europe)
Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Estados Unidos
- Pandemya ng COVID-19 sa Pennsylvania
- Pandemya ng COVID-19 sa Philadelphia
- Muling binalik ng Philadelphia ang kanilang mandato ng pagsusuot ng face mask (o telang pantakip sa mukha) sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, na naging unang pangunahing lungsod sa Estados Unidos na gumawa nito. Magiging epektibo ang mandato sa Abril 18. (ABC News)
- Pandemya ng COVID-19 sa Philadelphia
- Pandemya ng COVID-19 sa Pennsylvania
- Pandemya ng COVID-19 sa kalupaang Tsina
- Pandemya ng COVID-19 sa Shanghai
- Pinagaan ng Shanghai ang kanilang lockdown o pagsasara sa ilang mga lugar ng lungsod sa kabila ng pagtatala ng 26,000 kaso ng COVID-19. (Bloomberg.com)
- Pandemya ng COVID-19 sa Shanghai
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Nagkapagtala ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ng 1,906 bagong kaso ng COVID-19 at 428 namatay sa linggo na mula April 4 hanggang 10, na mayroong katamtamang 272 bagong kaso sa linggong iyon, na mas mababa ito ng mga 29% sa nakaraang linggo. (CNN Philippines)
- Pandemya ng COVID-19 sa Estados Unidos