Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Abril 7
Kalusugan at kapaligiran
Internasyunal na ugnayan
- Negosasyon para sa kapayapaan ng Rusya–Ukranya
- Sinabi ng Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus na dapat kasama ang Minsk sa mga negosasyon na nakatuon sa pagwakas sa digmaan. (The Moscow Times)
- Mga internasyunal na reaksyon sa pagsalakay ng Rusya sa Ukranya
- Ang natatanging sesyon ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa ay bumoto upang isuspinde ang Rusya mula sa Konseho ng Karapatang Pantao, na may 93 boto na pumabor, 24 na hindi pumabor, at 58 ang hindi bumoto. Ikalawang bansa ang Rusya na masuspinde mula sa konseho, pagkatapos ng Libya noong 2011 sa panahon ng huling taon ng pamumuno ni Muammar Gaddafi. (CNN)