Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Hulyo 21
Internasyunal na ugnayan
- Ugnayang Tsina–Pilipinas, Pagtatalo sa teritoryo sa Timog Dagat Tsina
- Ipinahayag ng Pilipinas ang isang kasunduan sa Tsina sa mga misyong muling pagtustos sa sinadsad na sasakayang hukbong-dagat na Sierra Madre sa Buhanginan ng Ayungin sa Karagatang Kanlurang Pilipinas kasunod ng isang insidente noong Hunyo. (The Guardian)
- Ugnayang Iran–Sudan
- Tinanggap Iran at Sudan ang embahador ng bawat isa sa unang pagkakataon sa walong taon, pagkatapos ng pagpapatuloy ng ugnayang diplomatiko noong Oktubre 2023. (Al Jazeera)
Politika at halalan
- Halalang pampanguluhan ng Estados Unidos, 2024
- Pag-urong ni Joe Biden mula sa halalang pampanguluhan ng Estados Unidos, 2024
- Kampanyang pampanguluhan ni Kamala Harris, 2024
- Inanunsyo ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden na hindi na siya tatakbo sa ikalawang termino bilang pangulo at tinapos ang kanyang kampanyang pampanguluhan, habang iniendorso si Pangalawang Pangulo Kamala Harris bilang kandidato ng Partido Demokrata. (NBC News)
- Inindorso ng ilang prominenteng Demokrata si Kamala Harris para sa pagkapangulo. (New York Times)
- Kampanyang pampanguluhan ni Kamala Harris, 2024
- Pag-urong ni Joe Biden mula sa halalang pampanguluhan ng Estados Unidos, 2024
- Mga protesta kontra-turismo sa Espanya ng 2024