Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2023
Oktubre 2023
baguhin- ... na ang dalawang comune ng Lambak Aosta na kabilang sa I Borghi più belli d'Italia (ang mga pinakamagandang nayon ng Italya) na Bard at Étroubles ay bahagi rin ng Via Francigena?
- ... na ang Australyanang madreng si Patricia Fox ng Rural Missionaries of the Philippines ay ipinatapon palabas ng Pilipinas noong Nobyembre 2018 matapos siyang pag-initan ng dating pangulong Rodrigo Duterte buhat ng mga gawaing misyonero?
Agosto 2023
baguhin- ... na ang pangalan ng comune ng Recetto ay nagmula sa ricetto, isang uri ng portipikasyon sa Medyebal na Italya na isang pamayanang agrikultural na napaliligiran ng mga tore at pader?
Hulyo 2023
baguhin- ... na ang Simbahan ng San Pedro at San Pablo sa Potsdam, Alemanya ay halimbawa ng arkitekturang eklektiko, pinaghahalo ang mga elemento ng mga estilong Bisantino, Romaniko, at Klasisismo?
- ... na ang Kastilyo Sforza, na itinayo ni Francesco Sforza noong ika-15 siglo, ay itinayo sa parehong pook ng Castrum Portae Jovis, ang castra pretoria o kuta ng Guwardiyang Pretoryano nang ang Milan ay nagsilbing kabesera ng Imperyong Romano?
Abril 2023
baguhin- ... na matatagpuan ang dinuguan sa Kapuluang Mariana kung saan tinatawag itong fritada?
Marso 2023
baguhin- ... na ang pinakakilalang gusali (nakalarawan) ng Pamantasan ng Genova ay idinisenyo ng arkitektong si Bartolomeo Bianco?
- ... na ilang pamilya na lang ang gumagawa pa rin ng asin tibuok at tultul, dalawang tradisyonal at kakaibang asin mula sa Pilipinas?
Pebrero 2023
baguhin- ... na pinanghihinalaang nagkaroon ng relasyon ang babaeng pintor na si Louise Abbéma at ang aktres na si Sarah Bernhardt?