Wikipedia:Mga napiling artikulo/Palaikutan/3
Ito ay isang talaang pinagkasunud-sunod ayon sa panahon ng unang pagkakalabas ng mga bersyon ng mga kaparaanang pampamamalakad na nagngangalang Microsoft Windows, isang kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft Corporation:
- Ang Windows 9x ay ang pangalan ng isang hanay ng mga pantahanang kaparaanang pampamamalakad na nakabatay sa MS-DOS, bagaman ang mga bersyong 1.0, 2.0, 2.1x, 3.0 at 3.1x, ay hindi mga OS kundi mga pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kaparaanang pampamamalakad, isang pagpapalawig ng mga kakayahan ng MS-DOS ngunit lahat pa rin ng mga paglakad ay ginaganap pa rin ng MS-DOS, na ginawa ng Microsoft simula sa paglalabas ng kanilang pinakaunang OS hanggang sa taong 2000.
- Ang Windows NT ay isang hanay ng mga kaparaanang pampamamalakad na iginawa para sa mga tanggapan, at, hindi kagaya ng mga Windows 9x, lahat ng mga bersyon ng Windows NT ay mga ganap na OS. Ang Windows NT ay hango sa OS/2 pinagtulungang gawin ng IBM at Microsoft hanggang naghiwalay ang dalawang samahan ng landas.
- Ang Windows Home Server ay isang tatak ng mga bersyon nakabatay sa Windows NT ng Microsoft Windows na ginawa para sa mga serbidor.