Éclair
Ang éclair ay isang pasteleryang biluhaba na gawa sa masang choux na pinalaman ng krema na may tsokolateng aysing sa ibaba. Ang masa, na kapareho sa ginagamit para sa profiterole, ay karaniwang pina-pipe sa hugis-biluhaba sa pamamagitan ng pastry bag at inihuhurno hanggang sa ito ay malutong at hungkag sa loob. Sa sandaling lumamig, pinupuno ang pastelerya ng kastard na may lasang banilya, kape o tsokolate[1] (crème pâtissière), o may kremang pinalantik, o kremang chiboust; at pagkatapos ay nilalagayan ng may aysing-fondant sa ibabaw.[1] Kabilang sa mga iba pang palaman ang kastard na lasang-pistatso o rum, palaman na lasang-prutas, o pinalapot na kastanyas. Paminsan-minsan, karamelo ang aysing at bâton de Jacob ang maaaring tawag dito.[2]
Uri | Pastelerya |
---|---|
Lugar | Pransya |
Kaugnay na lutuin | Lutuing Pranses |
Pangunahing Sangkap | Pasteleryang choux, pinalasang palamang krema, aysing |
|
Etimolohiya
baguhinNagmula ang salita sa éclair "kislap ng kidlat" sa wikang Pranses, kaya pinangalanan dahil kinakain ito nang mabilis (sa isang saglit).[3]
Kasaysayan
baguhinNagmula noong ikalabinsiyam na siglo sa Pransya ang éclair kung saan tinawag itong "pain à la Duchesse"[4] o "petite duchesse" hanggang 1850.[5] Pinatunayan ang salita sa wikang Ingles at Pranses noong dekada 1860.[6] Ipinapalagay ng ilang mga mananalaysay ng pagkain na si Antonin Carême (1784-1818), ang sikat na kusinerong Pranses, ang unang gumawa ng mga éclair. Lumitaw ang unang kilalang reseta sa wikang Ingles para sa mga éclair sa Boston Cook School Cook Book ni Gng. DA Lincoln, na inilathala noong 1884.
Hilagang Amerika
baguhinIpinagbibili ng ilang mga pastelerya sa Estados Unidos at Canada[7] ang mga Long John donut bilang éclair o éclair donut. Iba ang mga Long John sa mga éclair, dahil donut ang masa ng Long John, na gawang-lebadura o rebosado, sa halip ng masang choux, na esponghado mula sa singaw. Ang karaniwang palaman ng mga Long John ay puding-banilya o kastard at may aysing ng keyk sa itaas. Sa Lima at Kenton, Ohio, mas kilala ang mga ito bilang mga "filled sticks".[kailangan ng sanggunian]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Montagné, Prosper, Larousse gastronomique: the new American edition of the world's greatest culinary encyclopedia, Jenifer Harvey Lang, ed., New York: Crown Publishers, 1988, p. 401 ISBN 978-0-517-57032-6
- ↑ (Montagné 1961)
- ↑ Éclair Naka-arkibo 2014-01-04 sa Wayback Machine., Dictionnaire de l'Académie française, 8th edition
- ↑ (Gouffé 1873)
- ↑ (Montagné 1961)
- ↑ Oxford English Dictionary, 1861. Petit Larousse, 1863.
- ↑ "Krispy Kreme Doughnuts". www.krispykreme.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Oktubre 2017. Nakuha noong 4 Mayo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya
baguhin- Gouffé, Jules (1873). "Deuxième Partie, Chapitre IX, "Pains à la duchesse au café"". Le livre de pâtisserie.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - Montagné, Prosper (1961). Larousse Gastronomique, The Encyclopedia of Wine, Food & Cookery (Salinwika sa Ingles).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)