Ika-2 dantaon

(Idinirekta mula sa 114)

Ang ikalawang dantaon (taon: AD 101 – 200), ay isang panahon mula 101 hanggang 200 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.

Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  100 dekada 110 dekada 120 dekada 130 dekada 140
dekada 150 dekada 160 dekada 170 dekada 180 dekada 190
Silangang Emisperyo sa simula ng ikalawang dantaon AD.
Silangang Emisperyo sa dulo ng ikalawang dantaon AD.

Noong unang bahagi ng siglo, natamo ng Imperyong Romano ang pinakamalaking pagpapalawak sa ilalim ni emperador Trajano, ngunit pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging depensibo ang imperyo sa natitirang panahon nito sa kasaysayan. Sa panahong ito nangyari ang karamihan sa kaunlaran ng imperyo, na pinamunuan ng Limang Mabubuting Emperador, ang sunod-sunod na mga pinuno na tinatanggap ng mabuti at may kakayahan.[1] Nakita rin sa panahon na ito ang pagtanggal ng mga Hudyo mula sa Jerusalem noong paghahari ni Adriano pagkatapos ng paghihimagsik ni Bar Kokhba. Noong huling sangkapat ng dantaon, nakita ang katupasan ng panahon ng kapayapaan at kaunlaran na kilala bilang Pax Romana noong pagkamatay ni emperador Marco Aurelio, ang huli sa Limang "Mabubuting Emperador," at ang pag-akyat ni Comodo. Pagkatapos na paslangin si Comodo noong 192, sumunod ang isang magulong panahon na kilala bilang Taon ng Limang Emperador, na, pagkatapos ng magkasunod na pagtanggal kina Pertinax at Didio Julianio mula sa kapangyarihan, nilaban ng heneral na naging emperador na si Septimio Severo, tagpagtatag ng dinastiyang Severano, ang mga kalabang umaangkin sa anyo ni Pescenio Niger, na tinalo ang kanyang puwersa sa Labanan ng Issus noong 194, at Clodio Albino, na natalo sa Labanan ng Lugdunum noong 197, na nagbigay sa kanya ng tanging awtoridad sa buong imperyo.

Bagaman matatag na nasemento sa kapangyarihan ang Dinastiyang Han ng Tsina at napalawak nito ang kanyang imperyal na impluwensiya sa Gitnang Asya noong unang kalahati ng dantaon, noong ikalawang kalahati, lumaganap ang korupsyon at bukas na paghihimagsik. Sinimulan nito ang hinantungang paghina, at noong Setyembre 189, ang heneral na Han na si Dong Zhuo, pagkatapos ipatawag sa kabisera ni He Jin upang tulungang sugpuin ang nasusuhulan at makapangyarihang pangkat ng bating sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang isang mananakot sa pareho sa kanila at ang Emperatris Dowager, ay minartsa ang kanyang hukbo sa Luoyang kaugnay sa pagkakapaslang kay He Jin at ang kasunod na pagpatay sa mga bating, na inokupahan ang kabisera at epektibo na naging de facto na pinuno ng pamahalaan, bagaman, mabilis na kinuha ng mga pinuno ng militar at opisyal ng pamahalaan mula sa kanya sa isang kampanya, na habang bigo na patumbahin siya, pinilit si Dong Zhuo na ilipat ang luklukan ng imperyal na kapangyarihan sa lalong malayong kanluran sa Chang'an. Nang namatay si Dong Zhuo noong 192, nagpatuloy ang gulo sa kabila ng pagbasak ng sentralisadong awtoridad, na iba't ibang pinuong militar na sinubok na maging kataas-taasang kapangyarihan upang maitatag o hawakan sa kanilang awtoridad ang nabubulok na imperyo. Samantala, ang mga dating tagasunod ni Dong Zhuo na sina Li Jue at Guo Si ay naiwan upang makipagbangayan sa kanilang mga sarili, habang tumakas at nagbalik sa napinsalang lungsod ng Luoyang ang emperador sa kalaunan, ngunit daglian pagkatapos nito, noong 196, binigyan siya ng kanlungan ng pinunong militar na si Cao Cao, na inilipat siya sa bagong kabiserang lungsod ng Xu, kung saan makokontrol ni Cao Cao ang emperador. Patuloy na pinilit ni Cao Cao ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng pagtalo sa makapangyarihang pinuno ng militar na si Yuan Shao sa Labanan ng Guandu noong 200.

Mahahalagang tao

baguhin

Panitikan

baguhin

Agham at pilosopiya

baguhin
  • Cai Lun, Tsinong imbentor
  • Galen, Griyegong manggagamot
  • Ptolemy, Greko-Ehipsiyanong astronomo, astrologo, heograpo at matematiko
  • Plutarko, Griyegong pilosopo, manunulat at dalubhasa sa kasaysayan
  • Suetonio, Romanong dalubhasa sa kasaysayan

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Five Good Emperors | Summary, Accomplishments, History, & Facts". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)