Ang Abenida Roosevelt (Ingles: Roosevelt Avenue) ay isang pangunahing lansangan sa distrito ng San Francisco del Monte (na tinatawag ring Frisco) sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula EDSA sa hilagang dulo nito hanggang Abenida Quezon sa katimugang dulo nito. Pagdaan, babagtasin nito ang Kalye M.H. del Pilar, Kalye Pitimini, at Abenida Del Monte. Ang kabuuang haba nito ay 2.9 kilometro (1.8 milya). Paglampas ng EDSA, tutuloy ito bilang Abenida Kongresyonal.

Abenida Roosevelt
Roosevelt Avenue
Abenida Roosevelt pahilaga patungong EDSA malapit sa planta ng Coca-Cola.
Impormasyon sa ruta
Haba2.9 km (1.8 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N1 (Abenida Epifanio de los Santos) / AH26 sa Barangay Muñoz
 
Dulo sa timog N170 (Abenida Quezon) sa Barangay Santa Cruz
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Isa itong bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang isang pambansang daang tersiyaryo. Ang mga lansangan sa ganitong uri ay hindi nakanumero.

Ipinangalan ang abenida mula kay Franklin Delano Roosevelt, dating pangulo ng Estados Unidos.[1] Noong 2010, may isang panukalang batas na iniakda ni Vicente Crisologo, Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod Quezon, sa Kongreso. Ang panukalang batas ay mabibigay ng bagong pangalan sa Abenida Roosevelt na mula kay Reynaldo Calalay, dating kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod Quezon. Ang nabanggit na panukalang batas ay kasalukuyang nakabinbin sa Komite ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Senado.[2]

Mga dinaraanang barangay

baguhin
  • Damayan
  • Del Monte
  • Katipunan (Muñoz)
  • Mariblo
  • Paltok
  • Paraiso
  • San Antonio
  • Santa Cruz
  • Veterans Village (Muñoz, Project 7)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Metro Manila streets named after American leaders". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2015. Nakuha noong 1 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spot.ph's Top 20 Crazy Laws in the Philippines". Spot.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-24. Nakuha noong 21 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°38′42″N 121°1′1″E / 14.64500°N 121.01694°E / 14.64500; 121.01694