Abenida Mindanao

(Idinirekta mula sa Abenidang Mindanao)

Ang Abenida Mindanao (Ingles: Mindanao Avenue) ay isang abenida na may walo hanggang sampung linya at pinaghahatian ng panggitnang harangan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Kinokonekta nito ang EDSA at North Luzon Expressway (NLEx), at isa itong bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5). Isa ito sa mga tatlong kalinyang daanan na kumokonekta ng Abenida Tandang Sora sa Abenida Kongresyonal (ang dalawang iba pa ay Abenida Visayas at Abenida Luzon). Pinangalanan ito mula sa pangalan ng ikalawang pinakamalaking pulo ng Pilipinas.

Abenida Mindanao
Mindanao Avenue
Impormasyon sa ruta
Haba1.9 km (1.2 mi)
Bahagi ng
  • C-5 C-5 (mula NLEX hanggang Abenida Kongresyonal)
  • N128
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaKalye Santo Rosario sa Valenzuela
 
Dulo sa timog N1 (EDSA) / AH26 sa Barangay San Antonio
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodValenzuela, Lungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Dati, isa itong lansangan na may haba na dalawang kilometro na kumokonekta ng Abenida North at Abenida Kongresyonal, subalit bilang bahagi ng proyektong impraestruktura ng C-5, pinahaba ang Abenida Mindanao patungong EDSA sa timog at Lansangang Quirino sa hilaga. Binuksan ang mga bagong bahagi noong 2000. Pinalitan ng Abenida Mindanao ang mga ilang bahagi ng Abenida Tandang Sora na kabilang sa C-5 noong binuksan na ang mga bagong bahagi. (Walang daan patungong NLEx ang Tandang Sora).[1] Sinimulan ang pagtatayo ng Mindanao Avenue-NLEX road pagkaraan nito. Ang nasabing daanan ay naging isang mabilisang daanan (bilang NLEx-Mindanao Avenue Link o Segment 8.1) noong natapos ang pagtatayo nito.[2]

Abenida Mindanao ng Novaliches

baguhin

May isa pang daan sa Lungsod Quezon na nangangalang Abenida Mindanao. Nagsisimula ito sa Abenida Commonwealth at nagtatapos sa isang dead-end sa may School of Saint Anthony sa Novaliches, Lungsod Quezon. Ang nasabing daanan ay hindi nakakonekta nang anumang paraan sa orihinal ng Abenida Mindanao.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

14°40′19″N 121°1′55″E / 14.67194°N 121.03194°E / 14.67194; 121.03194