Adonis
Si Adonis, mula sa wikang Pinesyo na may kahulugang "panginoon", ay ang diyos ng kagandahan at pagnanais sa mitolohiyang Griyego. Siya ay isang pigurang may pinagmulan o pinaghanguang Semitikong panghilagang-kanluran, kung saan siya ay isang pangunahing pigura sa sari-saring mga relihiyon ng misteryo. Ang Griyegong Ἄδωνις (Pagbigkas sa Griyego: [ˈadɔːnis]), Adōnis ay isang baryasyon ng salitang Semitikong Adonai, "panginoon", na isa rin sa mga pangalang ginamit upang tuluy-tuloy na tukuyin ang Diyos (אֲדֹנָי) sa Bibliyang Hebreo sa Hudaismo hanggang sa kasalukuyang kapanahunan. Ang Siryanong Adonis ay malapit na may kaugnayan sa Sipriyotang Gauas[1] o Aos, pati na sa Ehipsiyong Osiris, sa Semitikong Tammuz at Baal Hadad, sa Etruskanong Atunis at Prihiyanong Attis, na ang lahat ng mga ito ay mga diyos ng muling pagsilang at behetasyon (diyos ng mga halaman o ng mga pananim).[2] Ang kanyang relihiyon ay pag-aari ng kababaihan: ang pagkamatay ni Adonis ay umunlad ng buo sa samahan ng kabataang mga babae na nasa paligid ng makatang si Sappho mula sa pulo ng Lesbos, noong bandang 600 BKE, ayon sa paglalahad sa isang pragmento ng nakaligtas na panulaan ni Sappho.[3]
Si Adonis ay isa sa pinaka masalimuot na mga pigura noong kapanahunang klasikal. Nagkaroon siya ng maramihang mga gampanin, at mayroong maraming kadalubhasaan sa loob ng mga daantaon hinggil sa kanyang kahulugan at layunin sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Gresya. Isa isang taunang muling binabago, palagiang bata (hindi tumatanda) na diyos ng mga halaman, isang diyos ng buhay, kamatayan, at muling pagsilang na ang kalikasan ay nakatali sa kalendaryo. Ang kanyang pangalan ay kadalasang inilalapat, sa makabagong mga kapanahunan, sa marikit, makisig, at guwapong (pogi) mga kabataang kalalakihan, kung kaninong siya ay isang arketipo. Si Adonis ay kadalasang tinutukoy bilang ang mortal na diyos ng Kagandahan (diyos ng Karikitan o diyos ng Kakisigan).
Mga mito ni Adonis
baguhinSa pangunahing mito ayon sa paglalahad na Griyego, si Aphrodite ay umibig sa makisig, bata, at magandang lalaking si Adonis (maaaring dahil sa si Aphrodite ay nasugatan ng palaso ni Eros). Ang pinakamadetalye at pampanitikang bersiyon ng kuwento ni Adonis ay isang panghuli na, ang Aklat X sa Metamorphoses ni Ovid. Inalagaan ni Aphrodite si Adonis bilang isang bagong silang na sanggol na ipinagkatiwala niya kay Persephone. Si Persephone ay nabighani rin sa kaguwapuhan ni Adonis at tumangging ibalik si Adonis kay Aphrodite. Ang alitan sa pagitan ng dalawang mga diyosa ay nilunasan ni Zeus (o ni Calliope bilang kinatawan ni Zeus): si Adonis ay mananatili ng isang-ikatlo ng bawat taon sa piling ng bawat isang diyosa at ang natitirang pang huling ikatlo ay kung saan naisin ni Adonis. Pinili ni Adonis na manatili sa piling ni Aphrodite sa loob ng dalawang-ikatlo ng taon.
Si Adonis ay napatay ng isang mabangis na baboy-damo at kambing, na sinasabing ipinadala ni Artemis, ang diyos ng paninila, na nagseselos sa kasanayang pampaninila o panghuhuli ng hayop ni Adonis o bilang paghihiganti dahil sa pagsusulsol ni Aphrodite na naging sanhi ng kamatayan ni Hippolytus, na isang paborito ni Artemis; ang baboy-damo ay maaaring ipinadala rin ni Ares paramour o kerido (mangingibig) ni Aphrodite na nagseselos dahil sa pagmamahal ni Aphrodite kay Adonis; ang baboy-damo ay maaaring ipinadala rin ni Apollo upang parusahan si Aphrodite dahil sa pagbulag ni Aphrodite sa anak na lalaki ni Apollo na si Erymanthus.[4] Namatay si Adonis habang nasa mga bisig ni Aphrodite, na pumunta kay Adonis nang marinig ni Aphrodite ang mga daing nito. Nang mamatay si Adonis, binuburan ni Aphrodite ang dugo ni Adonis ng nektar, kung saan mula rito ay umusbong ang may maikling buhay na anemone, na ang pangalan ay hinango magmula sa hangin na madali o maginhawang nakapagpapabagsak ng mga talulot nito. Kaya't ang dugo ni Adonis ang nagpapapula sa maagos na ilog na Ilog ni Adonis (nakikilala rin bilang Ilog ni Abraham, na Nahr Ibrahim sa wikang Arabe) tuwing tagsibol sa makabagong Lebanon. Ang Afqa ay ang banal na pinagkukunan kung saan ang mga tubig ng ilog ay lumilitaw mula sa isang malaking groto sa loob ng isang talampas o batong matarik na may taas na 200 mga metro. Sa pook na ito nagsimula ang mito ni Astarte (nakikilala rin bilang Venus) at Adonis.
Magulang at kapanganakan
baguhinAng kapanganakan ni Adonis ay nababalutan o nasasaputan ng kalituhan para sa mga nangangailangan ng bersyong iisa at makadalubhasa, dahil samu't saring mga kuwentong panggilid ang kumalat ukol sa pinagmulang mga magulang ni Adonis. Ang patriyarkal na mga Hellenes ay naghanap ng isang ama para sa diyos, at natagpuan nila ito sa Byblos at Tsipre, na kinuha ng mga dalubhasa upang ipahiwatig ang direksiyon ng pinanggalingan ni Adonis bago makarating sa mga Griyego. Itinuring ni Pseudo-Apollodorus, (Bibliotheke, 3.182) si Adonis bilang anak na lalaki nina Cinyras, ng Paphos sa Cyprus (Tsipre), at Metharme. Ayon kay Pseudo-Apollodorus' Bibliotheke na Hesiod, sa isang hindi nakikilalang akda na hindi nakaligtas, ginawa si Adonis na anak na lalaki ni Phoenix at ng hindi rin nakikilalang si Aephesiboea.[5] Sa Tsipre, ang pagiging anak ni Adonis ni Cinyras ay dahan-dahan napalitan at napangibabawan ng paglalahad na si Adonis ay anak ni Phoenix.[6] Ginawa siya ni Hesiod bilang anak na lalaki ni Phoenix, eponima ng mga Pinesyano, kung kaya't siya ay isang pigura na may oriheng Pinesyano o Pinesyo; ang kanyang kaugnayan sa Tsipre ay hindi nasaksihan bago ang pagsapit ng panahong klasikal. Iminungkahi ni W. Atallah[7] ang sumuno na mitong Helenistiko ni Adonis ay kumakatawan sa pagsasanib o pagsasama ng dalawang nagsasariling mga tradisyon o kaugalian. Bilang kapalit, ang huling napagkunang Bibliotheke ay tinawag si Adonis bilang anak na lalaki nina Cinyras at Metharme. Ang pinaka malawak na tinatanggap na bersiyon, na muling inilahad sa Metamorphoses ni Ovid, ay pinilit ni Aphrodite na magkamit na makiapid si Myrrha (o Smyrna) sa sarili nitong ama na si Theias, ang hari ng Assyria. Habang tumatakas sa galit ng amang si Theias, si Myrrha ay naging isang puno ng mira. Pinatamaan ni Theias ang puno ng isang palaso, kung kailan ito ay pasilakbong bumuka at lumitaw si Adonis. Ang isa pang bersiyon ay mayroong isang mabangis na baboy-damong pumunit at nagbukas sa puno sa pamamagitan ng mga pangil nito, isang kaganapan na nagbibigay ng anino sa kamatayan ni Adonis na sanhi ng isang mabangis na baboy-damo.
Ang lungsod ng Berytos (o Beirut) sa Lebanon ay pinangalanan mula sa anak na babae ni Adonis at Aphrodite na si Beroe. Sina Dionysus at Poseidon ay kapwa umibig kay Beroe.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Detienne, Marcel (1994). The Gardens of Adonis: Spices in Greek Mythology, Princeton University Press, ISBN 978-0-691-00104-3 (p.137)
- ↑ Tingnan ang diyos ng buhay, kamatayan, at muling pagsilang.
- ↑ Ang pamantayang modernong pananaliksik at repertoryo ni Adonis sa kulturang Griyego ay ang Adonis dans la littérature et l'art grecs (Si Adonis sa panitikan at sining na Griyego) ni W. Atallah (Paris) 1966.
- ↑ Ayon kay Nonnus, Dionysiaca 42.1f. Si Servius sa Eclogues x.18 ni Virgil; Orphic Hymn lv.10; Ptolemy Hephaestionos, i.306, ang lahat ay tinalaan ni Graves. Si Atallah (1966) ay nabigo sa paghanap ng ugnayang pangkulto o pangkultura sa baboy-damo, na nakita lamang niya bilang isang payak na mitema o elemento ng mito na makabayani.
- ↑ Ps-Apollodorus, iii.14.4.1.
- ↑ Atallah 1966
- ↑ Atallah 1966.