Si Africa de la Rosa (ipinanganak 1906) ay isang artistang Pilipino. Siya ay kapatid nina Rogelio de la Rosa at Jaime de la Rosa na mga artista rin sa Pilipinas.

Africa de la Rosa
Kapanganakan1906

Si Africa dela Rosa ay nagsimulang gumawa ng pelikula noong 1940 sa ilalim ng Sampaguita Pictures, ito ay ang mga pelikulang Diwa ng Awit at Nang Mahawi ang Ulap na kapwa ipinalabas sa Pilipinas noong 1940.

Sa Panahon ng giyera, Si Africa ay tumigil sa paggawa ng pelikula at pagkatapos ng ikalawang digmaan pandaigdigan ay muli siyang gumawa ng mga pelikula. ito ay sa ilalim naman ng Mabuhay Pictures ang Doon po sa AminDoon Po sa Amin noong 1946. Taong 1947 ng gumawa siya ng dalawang pelikula ang Ang Himala ng Birhen sa Antipolo ng LVN Pictures at 'Sang Kuartang Abaka ng E.K. Pictures.

Bago matapos ang dekada kuwarenta 1948 ay nakagawa pa siya ng pelikulang Pamana ng Tulisan sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Taong 1950 ng kunin siya ni Manuel Conde para sa dalawang pelikula kung saan siya rin ang may ari ng produksyon at ito ang Manuel Conde Productions ito ay ang International movie na Siete Infantes de Lara (1950) at Genghis Khan (1950).

Noong 1950, si Africa ay kinuha ng Lvn Pictures kung saan nakagawa siya ng dalawang pelikula sa produksyon ni Donya Sisang, ito ay ang Apat na Alas (1950) at Reyna Elena (1950).

Taong 1951 naman ng nakagawa pa siya ng apat pelikula ito ay ang Sigfredo , Tatlong patak ng Luha at Romeo at Julieta na parehong ginawa sa ilalim ng Lebran Pictures. Ginawa rin niya ang pelikula ng tatlong lead star ng Sampaguita sina Oscar Moreno, Fred Montilla at Cesar Ramirez at Tres Muskiteros (1951) ng Sampaguita Pictures.

Nakagawa pa siya ng dalawang pelikula sa ilalim ng Lebran Pictures ito ay ang Kalbaryo ni Hesus (1952) at Walang Hanggan (1953)

Gumawa rin siya ng kanyang huling pelikula sa LVN Pictures ang Babaeng Hampaslupa (1953) kabituin sina Nida Blanca, Rogelio dela Rosa at Rosa Rosal at ang kanyang kahuli-hulihiang pelikula ay ang Mr. & Mrs. (1954) ng People's Pictures


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.