Jaime de la Rosa
Si Jaime ang nakababatang kapatid ng isang batikang artista na si Rogelio dela Rosa. Una siyang lumabas sa pelikulang Mga Anak ng Lansangan kung saan gumanap siya bilang isa sa mga Squatters na namumuhay lamang sa tabi-tabi ng lansangan. Noong 1940 isang Kuwentong Pag-ibig na Cadena de Amor (film) ang kanyang nilahukan kung saan suporta lamang siya sa mga bida. Yaon ding taon ng kunin naman siya ng Parlatone Hispano-Filipino para sa pelikulang Bawal na Pag-ibig (1940) at nakagawa siya ng isang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ang Kahapon Lamang kung saan nagkaroon na rin siya ng pangalan.
Jaime de la Rosa | |
---|---|
Kapanganakan | Tomas de la Rosa 18 Setyembre 1921 |
Kamatayan | 2 Disyembre 1992 | (edad 71)
Ibang pangalan | Tommy, Jaime |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1939–1975 |
Nakagawa rin siya ng isang pelikula sa ilalim ng Excelsior Pictures na isang Musikal na Ibong Sawi at iyon na rin ang huli niyang pelikula hanggang sa sumapit ang digmaan.
Taong 1946, kinontrata siya ng LVN Pictures sa pelikulang Garrison 13 kung saan nakasama niya sa kauna-unahan at kahuli-hulihang pagkakataon ang kanyang kapatid na si Rogelio dela Rosa. Itinambal siya kay Norma Bancaflor sa kauna-unahang pelikulang siya ang bida ang Aladin
Halos kalahati ng artista ng LVN Pictures ang kanya ng nakapareha sa pelikula at ito ay sina Rebecca Gonzalez sa isang Musikal na Ikaw ay Akin (1947), si Mila del Sol sa Romansa, Lilia Dizon at Lillian Velez sa Engkantada (film), Norma Blancaflor sa Tanikalang Papel, Tessie Quintana sa Tambol Mayor, Rosa Rosal sa Biglang Yaman, Delia Razon sa Shalimar, Prescilla Cellona sa Amor-Mio, Nida Blanca sa Batanguena, Lorna Mirasol sa Donato at marami pang iba.
Kapanganakan
baguhinLugar ng Kapanganakan
baguhinKapatid
baguhinPelikula
baguhin- 1939 - Mga Anak ng Lansangan
- 1940 - Cadena de Amor
- 1940 - Bawal na Pag-ibig
- 1940 - Kahapon Lamang
- 1941 - Ibong Sawi
- 1946 - Garrison 13
- 1946 - Aladin
- 1947 - Bagong Manunubos
- 1947 - Ikaw ay Akin (1947)
- 1947 - Binatang Taring
- 1947 - Romansa (1947)
- 1948 - Engkantada
- 1948 - Krus na Bituin
- 1948 - Waling-Waling (1948)
- 1948 - Hamak na Dakila
- 1948 - Tanikalang Papel
- 1948 - Malikmata (1948)
- 1949 - Parola (1949)
- 1949 - Gitano
- 1949 - Tambol Mayor
- 1949 - Padre Burgos
- 1949 - Biglang Yaman
- 1949 - Batalyon XIII
- 1950 - Nuno sa Punso
- 1950 - Kontrabando
- 1950 - In Despair
- 1951 - Reyna Elena
- 1951 - Satur
- 1951 - Anak ng Pulubi
- 1951 - Shalimar
- 1951 - Probinsiyano
- 1951 - Amor-Mio
- 1952 - Korea
- 1952 - Sa Paanan ng Nazareno
- 1952 - Digmaan ng Damdamin
- 1952 - Taong Paniki
- 1952 - Kabalyerong Itim
- 1952 - Haring Solomon
- 1953 - Loida
- 1953 - Dyesebel
- 1953 - Batanguena
- 1954 - Dalawang Panata
- 1954 - Virtuoso
- 1954 - Doce Pares
- 1954 - Donato
- 1954 - Tinalikdang Dambana
- 1954 - Galawgaw (1954)
- 1955 - Saydwok Bendor
- 1955 - Nina Bonita (1955)
- 1955 - Dinayang Pagmamahal
- 1956 - No Money, No Honey
- 1956 - Luksang Tagumpay
- 1956 - Medalyong Perlas
- 1956 - Kumander 13
- 1957 - Hukom Roldan
- 1957 - Turista
- 1958 - Faithful
Tribya
baguhin- alam ba ninyo sa panahong nasa loob ng LVN Pictures si Jaime, apat na pelikula ang kanyang nagawa sa labas ng kompanya, ang Hamak na Dakila, Padre Burgos ng Premiere Production noong 1947, Malikmata (1948) ng Fernando Poe Productions at Dyesebel (1953) ng Manuel Vistan Jr. Productions.