Agrikultura

agham ng pagsasaka at paghahayupan
(Idinirekta mula sa Agriculture)

Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdulot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.

Isang mamong tupa at isang baka na magkasamang pinapastol sa Timog Aprika

Maaring magkasingkahulugan ang katawagang pagsasaka sa agrikultura ngunit sa mas teknikal na kahulugan, ang pagsasaka ay ang aktibidad samantala ang agrikultura ay ang agham ng pagsasaka at ibang katulad na aktibidad.

Rebolusyong Lunti

baguhin

Ang Rebolusyong Berde ang sunod sunod na mga pagsasaliksik, pagpapaunlad at mga inisyatibo ng paglilipat ng teknolohiya noong mga 1940 hanggang mga huling 1960. Ito ay nagpataas ng produksiyong pang-agrikultura sa buong mundo lalo na sa mga umuunlad na bansa noong mga huling 1960. Ang mga inisyastibong ito ay pinangunahan ni Norman Borlaug na "Ama ng Rebolusyong Berde" at kinikilalang nagligtas ng higit isang bilyong katao sa buong mundo mula sa kagutuman. Ito ay kinasangkutan ng paglikha ng mga siyentipiko ng mga anyo ng mga panananim gaya ng kanin at iba pa na na may mataas na ani para sa mga magsasaka. Kabilang din dito ang pagpapalawig ng imprastrukturang irigasyon, modernisasyon ng mga pamamaraan ng pangangasiwa, pamamahagi sa magsasaka ng mga binhi, pataba at pesticide.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Safety and health in agriculture (sa wikang Ingles). International Labour Organization. 1999. pp. 77–. ISBN 978-92-2-111517-5. Nakuha noong 13 Setyembre 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)