Si Bishop Alberto Ramento ay isang dating supreme bishop at chairperson ng Supreme Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente (IFI).

Alberto Ramento
Kapanganakan9 Agosto 1936
  • (Nueva Ecija, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan3 Oktubre 2006
LibinganLungsod ng Kabite
MamamayanPilipinas
OpisinaKataas-taasang Obispo (10 Mayo 1993–10 Mayo 1999)

Namatay siya sa nagkailang saksak sa likod at dibdib noong madaling araw ng 3 Oktubre 2006 sa Tarlac, Philippines.

Bago ang kanyang kamatayan, si Bishop Ramento ay aktibo sa ibat-ibang organisasyon at kilusang nagtataguyod ng karapatang pantao at social justice lalu na sa mga manggagawa.

Siya ay co-chair ng Ecumenical Bishops Forum, pinamunuan niya rin ang Promotion of Church People’s Response—Central Luzon at ang human rights group KARAPATAN Naka-arkibo 2006-09-03 sa Wayback Machine.-Tarlac. Sinuportahan niya rin ang welga ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita. Bilang Chairperson na Workers Assistance Center, Inc.(WAC) Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine., Sinuportahan niya rin ang mga pakikibaka ng mga manggagawa sa lalawigan ng Cavite

Isa rin siyang ma-impluwensang kritiko ng gobyerno Gloria Arroyo.

Noong 1998, ninomina siya ng National Democratic Front of the Philippines Naka-arkibo 2006-10-30 sa Wayback Machine.(NDFP) negotiating panel bilang isang Independent Observer sa Joint Monitoring Committee (JMC) ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine. (CARHRIHL).

Kawing Panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.