Alicia Keys
Si Alicia J. Augello-Cook (ipinanganak 25 Enero 1981),[2][3][4] na mas kilala bilang Alicia Keys, ay isang Amerikanong mang-aawit ng R&B, musikang soul, at pop, pianista, at isang aktress, na nakabenta na nang mahigit sa 30 milyong album sa buong mundo at nanalo na ng labing isang Grammy Award, labing pitong Billboard Music Award, at tatlong American Music Award. Si Keys ay kasalukuyang binansagan ng titulong "Prinsesa ng Soul".
Alicia Keys | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Alicia J. Augello-Cook |
Kilala rin bilang | Lellow[1] |
Kapanganakan | [2][3] Manhattan, New York City, New York, Estados Unidos | 25 Enero 1981
Genre | R&B, soul |
Trabaho | mang-aawit, manunulat ng kanta, piyanista, kompositor, tagapag-ayos, tagalikha ng rekord, aktres, direktor ng music video, philanthropist, may-akda |
Instrumento | boses, piyano/keyboards |
Taong aktibo | 1997–kasalukuyan |
Label | Columbia, J |
Website | www.aliciakeys.com |
Ang kanyang unang album na Songs in A Minor ay isang matagumpay na album sa buong mundo na nakakuha ng limang award sa Grammy sa iisang gabi lamang noong 2002.
Pagkabata
baguhinSi Alicia Keys ay ipinanganak sa Manhattan sa lugar ng Harlem, sa Lungsod ng New York, New York, ang nag-iisang anak na babae ni Teresa "Terria" Augello, isang paralegal at isang part-time na aktres, at ni Craig Cook, isang flight attendant.[5] Ang ina ni Keys ay mula sa lahing Irish at Italyano at ang kanyang ama naman ay isang Jamaican. Naghiwalay ang kanyang magulang noong siya ay bata pa lamang, at ang kanyang ina lamang ang nagpalaki sa kanya sa Manhattan.[6] Noong 1985, si Keys at isang pangkat ng iba pang batang babae ay gumanap bilang bahagi ng mga mga sleepover guest ni Rudy Huxtable sa isang kabanata ng The Cosby Show na tinawag na "Slumber Party".[7]a[›] Nagsimula siyang tumugtog ng piano nang siya ay pitong taong gulang, at natutunan ang mga Musikang Klasikal nina Beethoven, Mozart, at ang kanyang paborito, Chopin.[8] Pinili na ni Keys ang pangalang Wilde bilang kanyang stage name sa edad na labing anim hanggang sa iminungkahi nang kanyang tagapamahala ang pangalan Keys pagkatapos nitong managinip. Naisip ni Keys na ang pangalan ay naglalarawan sa kanya sa bilang manananghal at bilang isang tao.[9]
Si Keys ay nakapagtapos sa Professional Performing Arts School, isang prestihiyosong mataas na paaralan sa Manhattan, at isang valedictorian sa edad na labing anim sa loob lamang ng tatlong taon. Subalit kahit siya ay tinanggap sa Columbia University [10] napagdesisyunan niyang huminto sa pag-aaral upang ipursige ang kanyang karera sa musika. Si Keys ay lumagda para sa isang demo deal kay Jermaine Dupri at sa kanyang label na So So Def, at ipinamahagi ng Columbia Records. Si Keys ay nakibahagi sa pagsulat at nagrekord nang awit na pinamagatang "Dah Dee Dah (Sexy Thing)", na lumabas sa soundtrack nang pelikula noong 1997 na Men in Black. Ang awit ay ang pinakaunang propesyunal na rekording ni Keys; subalit, ito ay hindi nailabas bilang isang single at ang kanyang kontratang rekord sa Columbia Records ay natapos agad. Nang lumaon ay nakilala ni Keys si Clive Davis, na nagpalagda sa kanya sa Arista Records, at hindi nagtagal ay naghiwalay. Sumunod naman siya sa binuong label ni Davis na J Records, kung saan siya nagrekord ng mga awiting "Rock wit U" at "Rear View Mirror", na kasama sa soundtrack nang pelikulang Shaft noong 2000 at Dr. Dolittle 2 noong 2001. Pagkatapos noon ay inilabas na ni Keys ang kanyang unang album, ang Songs in A Minor.
Karera sa Musika
baguhinSongs in A Minor (2001)
baguhinAng album na Songs in A Minor ay nakabenta agad nang mahigit 235,000 na kopya sa unang linggo nito (mahigit sa 50,000 ay nabenta noong unang araw nang ilabas ito), na inilabas noong 5 Hunyo 2001, at umabot pa sa sampung milyong sa buong mundo,[11] na nagpasikat kay Keys sa buong mundo, kung saan siya ay naging best-selling na bagong artista noong 2001 (pati ang pagiging best selling na artistang R&B). Ang unang single sa ng album na, "Fallin'", ay pinatugtog sa iba't ibang estasyon ng radyo at nagtagal nang anim na linggo sa #1 sa U.S. Billboard Hot 100. Tinanghal ni Keys ang awit ni Donny Hathaway noong 1973 na "Someday We'll All Be Free" sa konsiyertongAmerica: A Tribute to Heroes na pinalabas sa telebisyon pagkatapos ng atake noong 11 Setyembre 2001. Isa pang single mula sa Songs in A Minor, ang "A Woman's Worth", ay nagawang umabot sa top ten sa Estados Unidos. Ang album ay nagdulot kay Keys na pamanalunan ang limang Grammy Award sa 44th Grammy Awards: ang "Awit ng Taon", "Pinakamahusay na Pambabaeng Pagtatanghal ng awiting R&B", at "Pinakamahusay na awiting R&B " para sa "Fallin'", "Pinakamahusay na Bagong Artista", at "Pinakamahusay na Album na R&B"; ANg "Fallin'" ay nanomina bilang "Rekord ng Taon". Si Keys ang naging ikalawang babaeg solong artista na nanalo ng limang Grammy Awards sa isang gabi (sumunod kay Lauryn Hill noong 1999).[12] Noong Oktubkre 22, 2002, ang Songs in A Minor ay inilabas muli bilang Remixed & Unplugged in A Minor, na kinapapalooban ng walong remix na awit at pitong unplugged na bersiyon ng ilang mga awit mula sa orihinal na album.
Karamihan sa mga pagsusuri ng mga kritiko ay halos positibo.[13] Ang mga gawa ni Keys ay kahalintulad ng mga mang-aawit ng soul noong dekada 70 gaya nina Curtis Mayfield, Marvin Gaye, at Stevie Wonder na may halong impluwensiya mula sa musikang hip hop, gaya ng sa mga artistang neo soul tulad nina Lauryn Hill, Erykah Badu, at D'Angelo.
Sa mga panahong iyon, si Keys ay lumikha, nagprodyus, tumugtog ng piano at umawit bilang background sa awit ni Christina Aguilera na "Impossible" mula sa album nito noong 2002 na Stripped
The Diary of Alicia Keys (2003)
baguhinSinundan ni Keys ang kanyang unang album ng The Diary of Alicia Keys, na inilabas noong 2 Disyembre 2003. ANg album ay pinuri ng mga kritiko, at nanguna sa Estados Unidos, na nakabenta ng mahigit sa 618,000 na kopya sa unang linggo ng paglabas nito, naging dahilan upang ito ay maging ika-anim na pinakamabiling album ng isang babaeng artista, at ikalawa sa pinakamabiling album ng isang R&B artistang babae. Simula noon, ito ay nakabenta na ito ngayon ng siyam na milyong kopya sa buong mundo.[14]
Ang mga single na "You Don't Know My Name" at "If I Ain't Got You" ay parehong naabot ang top five ng Billboard hot 100, at ang ibang mga single, gaya ng "Diary" ay napasok naman ang sampung pinakamataas. Ang awit na "Karma" na may temang klasikal na hip hop ay hindi gaanong naging matagumpay, na umabot lamang sa ikadalawampung pwesto sa Billboard Hot 100 subalit mas matagumpa sa Top 40 Mainstream na umabot sa ikatatlong pwesto. Ang "If I Ain't Got You" ay ang kauna-unahang single ng isang babaeng artista na tumagal sa tsart ng 63 taong Billboard Hot R&B/Hip-Hop Songs ng mahigit sa isang taon, na tinalo ang awit ni Mary J. Blige na "Your Child", na nagtagal sa tsart ng 49 na linggo. Ito ang naging dahilan at naging pinakamabentang artistang babaeng pang-R&B noong 2004.
Noong 2004 MTV Video Music Awards, napanalunan ni Keys ang Pinakamahusay na R&B Video para sa "If I Ain't Got You", at sinamahan si Lenny Kravitz at Stevie Wonder sa kanilang bersiyon ni Wonder ng awit "Higher Ground". Noong 2005, napanalunan muli ni Keys ang kanyang ikalawang Pinakamahusay na R&B Video, para sa awiting "Karma".
Unplugged (2005)
baguhinSi Keys ay nagtanghal at nagtape ng kanyang mga awit para sa seryeng MTV Unplugged noong 14 Hulyo 2005 sa Brooklyn Academy of Music.[15] Sa mga panahong ng mga sesyong ito, nakapagdagdag si Keys ng mga bagong arrangements sa kanyang mga orihinal na awit gaya ng "A Woman's Worth" at ang "Heartburn". Bahagi ng mga audience ni Keys ay kasama sa kanyang mga panauhing mga tagapagtanghal; siya ay nakipagtulungan sa rapper na si Common at Mos Def sa "Love It or Leave It Alone",sa mang-aawit ng reggae na si Damian Marley sa "Welcome to Jamrock", at sa bokalista ng Maroon 5 na si Adam Levine sa kober ng The Rolling Stones noong 1971 na "Wild Horses". Karagdagan pa dito, meron din siyang kober ng "Every Little Bit Hurts", na una nang nirekord ng mang-aawit na si Aretha Franklin at Brenda Holloway, itinanghal din ni Keys ang dalawa nitong bagong mga orihinal na awit: ang "Stolen Moments", kung saan kasama siyang sumulat nito kasama si Paul L. Green, at ang "Unbreakable", ang pangunahing single ng album, na umabot sa ika-apat na pwesto at sa ika-tatlumput apat na pwesto sa Billboard Hot R&B/Hip-Hop Songs at sa Hot 100. Mas naging matagumpay ito sa Billboard Hot Adult R&B Airplay, kung saan nanatili itong nasa unang pwesto na nagtagal doon ng labing isang linggo noong huling bahagi ng 2005.[16] Ang sesyon ay inilabas sa CD at DVD noon 11 Oktubre 2005. Pinamagatan itong Unplugged, at nagsimula sa pang-unang pwesto sa Billboard 200 tsart ng Estados Unidos na may 196,000 na yunit ang nabili sa unang linggo pagkatapos nitong ilabas.[17] Ang debut ng Unplugged ay ang pinakamataas na debut para sa isang MTV Unplugged na album simula noong sa Nirvana na album noong 1994 na MTV Unplugged in New York at ang unang Unplugged na album ng isang babaeng artista na na nag-debut sa ika-unang pwesto. Nakatanggap ang album ng apat na nominasyon sa 2006 Grammy Awards.
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na Websayt Naka-arkibo 2009-12-12 sa Wayback Machine.
- Alicia Keys sa IMDb
- Alicia Keys on Myspace
Sanggunian
baguhin- ↑ "The Diary Of Alicia Keys [CD & DVD] [Limited] - Alicia Keys". Epinions. 2 Pebrero 2004. Nakuha noong 2008-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Biography - Alicia Keys". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-02. Nakuha noong 2007-12-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Sony BMG Artist Alicia Keys". Sony BMG Germany (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2007-12-05.
Alicia Keys wurde am 25. Januar 1981
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Iley, Chrissy (24 Pebrero 2008). "Alicia Keys, the girl who made Bob Dylan weep". The Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-11. Nakuha noong 2008-02-24.
Keys was born in 1981.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Catlin, Roger (7 Pebrero 2002). "ALICIA KEYS: MUSIC'S HOTTEST NEW ACT - 10 THINGS YOU DIDN'T KNOW". The Cincinnati Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-25. Nakuha noong 2007-12-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-08-25 sa Wayback Machine. - ↑ Ojumu, Akin (16 Nobyembre 2003). "Soul sister". Guardian Unlimited. Nakuha noong 2007-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Slumber Party". The Cosby Show. 28 Marso 1985. No. 1, episode 22.
- ↑ Akassy, Hugues-Denver. "Singer Alicia Keys Pours Heart into AIDS Fight in Africa". Orbite Television. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-19. Nakuha noong 2008-02-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vineyard, Jennifer (18 Enero 2006). "Alicia Keys Nearly Spills Secrets To Jane". MTV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-11. Nakuha noong 2008-03-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Next Queen of Soul". Rolling Stone. 2001-11-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-14. Nakuha noong 2008-05-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-06-14 sa Wayback Machine. - ↑ Donovan, Dave (19 Oktubre 2007). "Alicia Keys, Melissa Etheridge, Annie Lennox, Juanes, KT Tunstall, Earth, Wind & Fire and Junoon to celebrate peace through music at 2007 Nobel Peace Prize Concert Disyembre 11th in Norway" (PDF). Nobel Peace Prize. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-02-16. Nakuha noong 2008-01-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Yes, America, Amy Winehouse Is a Star". BBC America. 11 Pebrero 2008. Nakuha noong 2008-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ See reviews in Songs in A Minor.
- ↑ Iwuagwu, Chibuzor (30 Setyembre 2004). "The Diary of Alicia Keys re-releases this fall". The Equinox. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-22. Nakuha noong 2008-01-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jenison, David (19 Oktubre 2005). "Keys Plugs In at No. 1". Yahoo! Music. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-06. Nakuha noong 2006-12-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hot Adult R&B Airplay". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2007-09-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hope, Clover (24 Enero 2006). "Keys Craves 'Strange As Hell' Collaborations". Billboard. Nakuha noong 2006-12-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)