Alimango sa sili

pagkaing-dagat na putahe mula sa Timog-silangang Asya

Ang alimango sa sili (Ingles: chili crab; Tsino: 辣椒螃蟹; pinyin: làjiāo pángxiè; Malay: ketam lada, ketam cabai, ketam cili) ay isang putahe ng pagkaing-dagat sa Timog-silangang Asya na malawakang nauugnay sa mga lutuin ng Malasya at Singapura.[1] Matutunton ang bersiyon ng alimango sa sili na kilalang-kilala ngayon pabalik sa d. 1950 sa dalawang bansa.[1] Karaniwang isinasangkap ang alimangong putik, at ginigisa ang mga ito sa isang sarsa na medyo malapot, matamis, at malinamnam na gawa sa kamatis at sili.

Alimango sa sili
Isang plato ng alimango sa sili
UriPagkaing-dagat
LugarMalasya,[1] Singapura[1]
Kaugnay na lutuinMalasyo,[1] Singapurense[1]
GumawaCher Yam Tian (bersiyon ng Singapura)
Ihain nangMainit, na ipinapares sa mantou
Pangunahing SangkapAlimango, sili, itlog
BaryasyonAlimango sa paminta

Pinagmulan

baguhin

Ipinakilala ng mga Portuges ang sili sa Malaka noong ika-16 na siglo. Bago ang sili, ginamit ng mga Malay ang paminta bilang pampainit at pampaanghang sa kanilang mga pagkain.[2] Ang mas naunang bersiyon ng ulam na kilala bilang ketam balado, ay mas tuyong bersiyon na niluto sa balado, isang uri ng mainit at maanghang na timpla mula sa lutuing Minang ng Kanlurang Sumatra, Indonesya.[1][a]

Ika-20 siglo

baguhin

Matutunton ang pinagmulan ng pinakakilalang bersiyon ng alimango sa sili pabalik sa d. 1950 sa Singapura at Malasya.[1] Nagsimulang magbenta si Cher Yam Tian at ang kanyang asawa na si Lim Choo Ngee[3] ng ginisang alimango na hinaluan ng de-boteng sili at sarsang kamatis mula sa kariton mula noong 1956. Isa itong improbisadong resipi; walang de-boteng sarsang sili sa orihinal.[4] Nag-udyok ang pagpatok ng negosyo sa pagtatatag ng isang restoran, Palm Beach Seafood, sa may Upper East Coast Road.[4] Inilikha ang bersiyon na pinakalaganap ngayon ni Hooi Kok Wah noong d. 1960, isa sa apat na sikat na kusinerong Singapurense noong panahong iyon.[5]

Sa Malasya naman, unang inilahok ang alimango sa sili sa Weng Fung Seafood Restaurant sa pulo ng Langkawi, Kedah mula noong 1958. Itinatag ang Weng Fung bilang kapihang Hainanes noong d. 1920. Noong d. 1950, binago ng ikalawang henerasyon ang kapihan na maging restoran ng pagkaing-dagat at idinagdag nila ang alimango sa sili sa menu, at inihahain para rin ito ngayon sa establisyimento.[1]

Paglalarawan

baguhin

Inilalarawan ang alimango sa sili bilang "makalaman" at "matamis, ngunit malinamnam", na may "mahimulmol na tekstura".[6] Alimangong putik (Scylla serrata) ang pinakakaraniwang uri ng alimango na isinasangkap sa putahe, ngunit maaari ring gamitin ang mga iba pang espesye ng alimango.[6]

Karaniwan itong inihahain kasabay ng pinirito o pinasinagawang mantou (tinapay ng siyopaw), na ginagamit bilang pansandok ng sarsa.[7]

Talababa

baguhin
  1. Tulad ng binanggit mula sa artikulo, '“ketam balado”, niluto sa istilong Minangkabau ni Rosemah Ibrahim, isang kalahok sa MasterChef Malaysia. (Ang balado ay isang timpla ng espesya sa lutuing Minang mula sa Kanlurang Sumatra na kinakain kasabay ng lahat ng uri ng protina.) Ilang henerasyon nang umiiral ang ketam balado'.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 "Singapore and Malaysia have claimed these 4 dishes. We get to the bottom of the food fights" [Inangkin ng Singapura at Malaysia ang 4 na pagkaing ito. Natuklasan namin ang katotohanan ng mga alitan sa pagkain] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Arokiasamy, Christina (2017). The Malaysian Kitchen [Ang Kusinang Malasyo] (sa wikang Ingles). Houghton Mifflin Harcourt. ISBN 9780544810020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Singapore's Best Chilli Crab Is in a 60-Year-Old Public Housing Complex". www.vice.com (sa wikang Ingles). 28 Oktubre 2016. Nakuha noong 15 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "40 good years dishing up chilli crabs" [40 saganang taon ng paghahanda ng alimango sa sili]. The Straits Times (sa wikang Ingles). 23 Hunyo 1996. p. 5. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2013. Nakuha noong 15 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Where To Eat Chilli Crab In Singapore" [Saan Makakain ng Alimango sa Sili Sa Singapura]. MICHELIN Guide (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Chilli Crab" [Alimango sa Sili] (sa wikang Ingles). YourSingapore. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-14. Nakuha noong 2013-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Chilli crab, mantou wow MasterChef Australia's George Calombaris in Singapore | Singapore Showbiz - Yahoo Entertainment Singapore" [Alimango sa sili, mantou wow Si George Calombaris ng MasterChef Australia sa Singapura | Showbiz ng Singapura - Yahoo Entertainment Singapore] (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2014. Nakuha noong 11 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)