André Le Nôtre
André Le Notre (Pagbigkas sa Pranses: [ɑ̃dʁe lə notʁ]; 12 Marso 1613 – 15 ng setyembre 1700), na orihinal na tinawag bilang André Le Nostre, ay isang pranses na arkitektong paisahe at ang punong-guro hardinero ni Haring Louis XIV ng Pransya. Pinakakapuna-puna na siya ang arkitektong paisahe ne nagdisenyo ng parke ng Palasyo ng Versailles, at ang kanyang trabaho ang kumakatawan sa pagtaas ng Pranses na estilo ng paghahardin, o jardin à la française.
André Le Nôtre | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Marso 1613 |
Kamatayan | 15 Setyembre 1700 | (edad 87)
Nasyonalidad | French |
Kilala sa | Landscape architecture, gardening |
Kilalang gawa | Versailles, Chantilly, Vaux-le-Vicomte |
Asawa | Françoise Langlois (k. 1640) |
Bago pa man niya tinrabaho ang Versailles, si Le Notre ay nakipagtulungan kina Louis Le Vau at Charles Le Brun para sa parke sa Vaux-le-Vicomte. Nabibilang sa kanyang iba pang mga gawa ang disenyo ng mga hardin at mga parke sa Chantilly, Fontainebleau, Saint-Cloud at Saint-Germain. Ang kanyang mga kontribusyon sa pagpaplano ay lubos ring makabuluhan: sa Tuileries ay pinalawak niya ang tanawin sa dakong kanluran, na sa kalaunan ay naging abenida ng Champs-Élysées at sumasaklaw sa Axe historique.
Talambuhay
baguhinUnang bahagi ng buhay
baguhinSi André Le Notre ay ipinanganak sa Paris, sa isang pamilya ng mga hardinero. Si Pierre Le Notre, na siyang namumuno sa mga hardin ng Palais des Tuileries noong 1572, ay maaaring kanyang lolo. Ang ama ni André na si Jean Le Notre ay responsable rin para sa ilang mga seksyon ng mga hardion ng Tuileries, unoong na sa ilalim ng Claude Mollet, at sa kalaunan bilang pinuno hardinero, sa panahon ng paghahari ng Louis XIII. Si André ay ipinanganak noong 12 Marso 1613, at bininyagan sa Église Saint-Roch. Ang kanyang inaama sa seremonya ay isang administrator ng mga harding pangmaharlika, at ang kanyang iniina naman ay ang asawa ni Claude Mollet.
Ang kanilang pamilya ay nakatira sa isang bahay sa loob ng Tuilieries, kaya naman si André ay lumaki na napapalibutan ng paghahalaman, at mabilis na tinamo ang praktikal at manilay-nilay na kaalaman. Ang lokasyon din ang nagpahintulot sa kanya upang mag-aral sa kalapit na Palais du Louvre, kung saan ang isang bahagi nito ay ginamit bilang isang akademya ng sining. Siya ay natuto ng matematika, pagpipinta at arkitektura, at pumasok sa atelier ni Simon Vouet, pintor kay Louis XIII, kung saan niya nakilala at kinaibigan ang pintor na si Charles Le Brown. Siya ay natuto ng klasikal na sining at pananaw, at nag-aral ng ilang taon sa ilalim ng arkitektong si François Mansart, isang kaibigan ni Le Brown.
Karera
baguhinNoong 1635, si Le Notre ay pinangalanang pangunahing hardinero ng kapatid ng hari na si Gaston, duc d ' Orleans. Noong 26 Hunyo 1637, si Le Notre ay itinalaga bilang punong hardinero sa Tuileries, kung saan pinalitan niya ang kanyang ama. Siya ay mayroong pangunahing responsibilidad sa ga bahagi ng hardin na pinakamalapit sa palasyo, kabilang na ang palaguan ng kahel na itinayo ni Simon Bouchard. Noong 1643 siya ay hinirang bilang "dibuhante ng mga halaman at mga terasa" para kay Anne ng Austria, ang reynang ina, at mula 1645 hanggang 1646, siya ay nagtrabaho para sa modernisasyon ng mga hardin ng Château de Fontainebleau.
Sa kalaunan ay siya rin ang pinamuno sa lahat ng mga harding pangmaharlika ng Pransya, at noong 1657, siya ay nahirang bilang Controller-General ng mga Gusaling Pangmaharlika. Mayroong kakaunting direktang pagtukoy kay Le Notre sa mga pangmaharlikang pag-uulat, at maski si Le Notre mismo ay bihirang magsulat ng kanyang mga ideya at pananaw sa paghahardin . Ipinahayag niya ang kanyang sarili pulos sa pamamagitan ng kanyang hardin.